Chapter 26

485 5 4
                                    

~Summer's POV

Tumayo ako at pumunta sa counter para bumili ng tuna sandwich.

Ngayon ko lang kasi naalala na nagpapa-akyat pala si Jessica.

Lagot ako nito. 

Dali dali akong lumabas pero napatigil ako ng biglang may humatak ng balikat ko. "Aray ko, pakshet naman oh!!" sigaw ko. Nakita ko na si Kai yung humatak.

Tinignan ko siya ng masama. "Problema mo?" 

"Wala. San punta mo? Kay Jessica?" napa evil smirk ako agad at tumango. 

"Bakit? Sasama ka? No way. Dito ka lang. Baka magalit pa saakin yun at nagdala ako ng demonyo saakin sa taas 'no. Pwe!" sigaw ko sakanya at nagpatuloy sa paglalakad ko.

Bigla kong naramdaman na may humugot ng sandwich na hawak hawak ko. Deputra naman. "And what do you think you're doing, Kim Jong In?"

Napangiti siya ng labas ang ngipin. "Ako nalang magbibigay kay Jessica nito. Thanks!" at sabay tumakbo na siya papunta sa loob ng hotel.

"PUTRAGIS KA KAI AKIN NA YAAAAAAAAAAAAAN!!" sigaw ko sabay habol sakanya.

Naka-abot na nga sa practice room ng EXO yung pagtatakbuhan namin at hindi ko pa rin naa-agaw yung sandwich kay Kai. 

Nandun na nga kami, binuksan na ni Kai yung pinto. 

"Ako na nga kasi magbibigay nung sandwich eh, ako yung inutusan! Hindi ikaw!" sigaw ko kay Kai habang papasok kami sa loob ng kwarto.

"Edi sabihin mo inutusan mo ako tapos----------" napatigil si Kai sa sasabihin niya nung napatingin siya sa loob.

Napatingin rin ako, and oh my gosh.... BAEKHYUN AND JESSICA?

Grabe 'to si Baekhyun. Duma-damoves agad.

Bigla akong napatingin kay Kai.

And his reaction was priceless.

He looked.... very shocked, indeed. And hurt too? 

Biglang hinampas saakin ni Kai yung sandwich. "Oh ayan, ikaw na magbigay." sabay lumabas siya ng kwarto. Ang taaraaaay, parang boyfriend siya ni Jessica ah?

"W-wait, Kai!!!" sigaw ni Baekhyun sabay labas na rin.

Napatingin ako kay Jessica. "At ikaw, wala ka bang balak habulin din si Kai? Diba ganun yung mga ginagawa nila sa movies? Sabay mage-explain ka tapos hindi ka na papatapusin ni Kai kasi hahalikan ka niya?" sabi ko sakanya.

Natawa nalang naman din si Jessica. "Gaga. Bakit ko rin naman din siya hahabulin? Ano bang ginawa ko? Magkasama lang naman kami ni Baekhyun eh, wala rin kaming ginagawang masama."

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now