Chapter 1

38 1 0
                                    

Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat,

Dalawang taon na ang nakakaraan ng ipagpalit ko ang pagmamahal ko para sa pamilya ko, akala ko magbabago ang lahat sa paglipat ng panahon, ngunit ganoon pa rin ang sitwasyon ko sa araw araw.

"Good morning guys! Start na ng panibagong Year nyo as a Junior students makes sure na make the most of the year" Bungad na bati ng aming adviser sa umpisa ng pasukan.

Kasama ko parin ang dalawang kaibigan ko na sina Sara at Luigi 3 years na ang friendship namin at salamat sa kanila dahil kahit papaano ay pinapagaan nila ang loob ko.

"Oh Fren san tayo kakain today?" tanong ni Sara habang tinitingnan ang oras sa kanyang G-shock na relo.

"Hindi pa nangangalahati ang araw gutom ka na?! akala ko ba ay diet ka?" natatawang tanong ni Luigi.

Ako naman ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang dalawa habang nag uusap.

"Ano kamusta ka naman itong bakasyon?" tanong si Sara dahil nag out of town sila noong nakaraang summer break.

"Same old same old shits  pa rin" bored kong sagot.

Nagkatinginan ang dalawa dahil alam nilang buong summer lang akong nasa mansion nina Jen at nagpapaalila.

Hi ako nga pala si Mico estudyante sa XX University at ito ang simula ng aming kwento.

"Kamusta naman ang audition ng team mo para sa music fest?" tanong ni Sara kay Luigi habang papunta kami sa cafeteria.

Napakagat labi ito habang nag iisip.

"Hindi pa sigurado eh, marami pa kasing dapat asikasuhin sa banda" sagot niya.

"Ano ka ba, tiwala lang, isa pa maganda tumugtog ang banda nyo" Sabi ko upang palakasin ang loob ni Luigi.

"Salamat pre, imbitahan ko kayo kapag napasama kami sa mga mag peperform" sagot niya na may ngiti na sa mukha.

Sa bahay.

"Oh anak kamusta naman ang unang araw ng pasukan?" Tanong ni Papa ng pumasok ako sa bahay.

Agad kong binaba ang aking bag at hinubad ang aking Polo.

"Ok naman Pa, medyo nakakapagod" sagot ko.

Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa bahay nina Jen na aking kababata upang tumulong sa paghahain ng hapunan.

"Mico Iho, andito ka na pala" bati ni Nanay Ising na abala sa pagluluto.

"Opo Nanay, tulungan ko na po kayo" kinuha ko na ang mga plato at dinala na ito sa dining room.

As usual malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Jen, pero hindi ko sya masisi.

2 days later at nagsimula ng magbigay ng mga schoolwork ang aming mga teachers, medyo nag aadjust pa rin ako sa mga bagong subjects na meron kami.

"Gusto nyo bang sumama sa linggo may hang out ang banda sa bagong bukas na Bar sa BGC?" masayang paanyaya ni Luigi.

"Sige, sama ako jan!" tuwang tuwa sabi ni Sara.

Tumingin sa akin si Luigi, alan niyang "hindi pwede "ang magiging sagot ko.

"Sumama ka na saglit lang naman eh, isa pa ipapakilala kita sa kaibigan kong gwapo" sabi niya na pinipigil ang pagtawa.

Nainis ako at pinokpok ko siya ng ruler sa ulo.

"Ano ako pokpok?! Sira ka talaga Lui!" pagalit kong sabi.

"Ayan ayan, inuumpisan mo na naman sya eh?!" pag sang ayon ni Sara sa ginawa ko.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now