Chapter 3

6 1 0
                                    

"Hindi mo ba ako naalala?"

Nagulat ako sa kanyang tanong, dahil.ito ang first time na nakita ko sya.

"Ano? anong sabi mo?" confused kong tanong.

"Wala kalimutan mo na" sagot niya na umiwas ng tingin.

Natapos na rin ako sa aking tinatype, sinave ko na ito at agad hinugot ang USB.

"Uhm, mauuna na ako, may hininintay ka ba?" tanong ko kahit wala naman akong pakialam kung bakit sya nandoon sa library.

"Magpapa-print ka ba? Samahan na kita" paanyaya niya.

Weird pero naisip ko baka gusto niya ako kausapin tungkol sa nangyari noong isang araw.

Tahimik lamang kaming naglalakad, napansin kong pinag titinginan siya ng mga babaeng estudyante sa hallway.

Nag text naman ako sa bahay kaya alam nilang malalate ako ng uwi.

"120 pesos po lahat" sabi ni kuya na may ari ng computer shop malapit sa school.

Agad ko ng inayos ang mga papel at inilagay ito sa folder.

Nakatayo lamang siya sa tabi at pinapanood ako, panay ang ngiti nya kapag nasusulyapan ko ang kanyang (Gwapong) muka.

Hindi ko alam kung paano sya itataboy kasi sinamhan pa niya ako hanggang sa shop.

"6:00pm na, gusto mo bang kumain muna sa labas bago umuwi libre ko" paanyaya ko habang inalagay ang print out sa bag ko.

Ngumiti sya na para bang excited na exicted syang ilibre ko syang kumain sa labas.

Magkasama kami sa pila at nang maka order na kami ay inabot nya ang kanyang debit card sa cashier.

"Wag na ok lang ako na magbabayad, ako naman nag aya eh" pakiusap ko.

"Hindi ok lang" nakangiting sabi niya, medyo ng blush ako ng magtagpo ang aming mga mata.

At agad namang kinuha ng cashier ang card at isinwipe ito.

"Thank you po come again" sabi ni ate pagka abot ng resibo at ng card.

Nakahanap kami ng table na good for two people.

"Grabe napagod ako dun ah" sabi ko dahil walang imik si Clark.

Kinuha ni Clark ang order nyang cheese burger at sinimulang balatan ito.

Medyo kinakabahan ako, dahil hindi naman kami magka kilala ng lubos.

"Hindi ka ba kumportable na kasama ako?" tanong niya, huminto sya sa pagkain at tiningnan ako.

"H-Hindi ano?!" nahihiya kong sagot "Naisip ko lang baka na offend ka kasi nadinig ko yung usapan nyo nung may crush sayo" paliwanag ko habang umiiwas ng tingin sa kanya.

Nagpatuloy lang siya sa pagkain habang ako naman ay kumuha na ng fries.

"Sanay na ako sa ganun" kwento niya "Marami ng babaeng nag confess sa akin kaya sanay na akong mag reject ng feelings nila"

Medyo nayabangan ako sa sinabi nya, pinigilan kong wag matawa dahil naalala ko si Luigi.

Sa kabilang banda ay panay ang bahing ni Luigi.

"Oi pre may nakaka-alala ata sayo".Biro ng ka bandmate nya.

"Sira sinu naman?!" sagot niya habang kinukusot ang kaniyang ilong.

Pasimple kong pinagmasdan ang muka niya, may hitsura siya dahil Half Pinoy half American ang Papa nya base sa kwento ni Sara.

Hindi na kataka taka na maraming babae ang maghahabol sa kanya pati na si Sara.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now