Chapter 9

5 1 0
                                    

At lumipas ang mga araw, unti unti na ring humupa ang chissmis na pinakalat ng grupo nina Jen.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Luigi ng dumaan ito sa bago naming tirahan ni Papa.

"Mag dadate tayo" sabi niya habang iniaabot ang extra helmet.

Lumabas si Papa dahil papasok ito sa bago nyang trabaho.

"Ingatan mo anak ko Luigi ikaw na bahala kay Mico" pakiusap ni Papa habang binubuhay ang makina ng kanyang sasakyan.

"Opo Tito saglit lang po kami sa labas" paalam nya.

Nagpunta kami sa isang restaurant, nagtataka ako sa balak nya dahil bigla na lamang itong nag text at nag ayang lumabas.

"Si Sara yun ah?!" sabi ko sabay turo kay Sara na pumasok din sa restaurant.

"Wag kang maingay Mico, andito tayo para kilatisin ang blind date ni Sara" paliwanag nya.

Ngayon alam ko na kung bakit hindi malinaw ang dahilan ng pag aaya nya.

Tahimik naming pinag masdan si Sara, naka tayo kami sa di kalayuan kaya naman kitang kita namin si Sara.

"Hi Felix!" masayang bati ni Sara ng dumating na ang ka date niya.

"Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ni Felix.

"Naku hindi naman, ano order na tayo?" sabi nya sabay tawag sa waiter.

Mukang may kaya ang kasama na iyon ni Sara, may itsura at matipuno ang katawan, wala naman syang nakwento tungkol sa ka blind date nya, dahil na rin siguro sa mga nangyari sa akin nitong nagdaang araw.

"Hala pano yan umorder na sila?" sabi ko habang nagtatago sa likod ng menu table.

"Pag masdan lang muna natin sila Mico" utos ni Luigi na pa discreet ang suot with thick eyeshades.

Habang kumakain sila ay panay ang tawa ni Sara sa mga sinasabi ni Felix.

Pinagmasdan ko si Luigi, tutok na tutok ito sa pagmamasid sa kanila.

"Bakit kasi hindi mo pa ayusin ang sarili mo at ligawan mo na sya?" tanong  ko.

"Tsk, hindi pwede siguradong ma babasted lang ako, isa pa ayaw ko rin na masira ang friendship namin, napaka clingy mo pa naman" kwento nya na may halong pang iinis.

"Gago ka talaga?! Anung clingy dinamay mo pa ako" sermon ko.

Tumawa lamang siya at nagpatuloy sa pagmamasid.

Mahigit 2 hours din sila na nag uusap hanggang sa nagtungo sa restroom si Felix.

Napabuntung hininga si Sara na tila ba naiinip na ito, kaya nag decide na akong lumapit sa table nila.

"Mico sandali!?" pagpigil ni Luigi, ngunit malayo na ako sa kanya kaya hindi na niya ako napigilan.

Hindi napansin ni Sara na papalit ako kaya laking gulat niya.

"Andito na ang iyong tagapag ligtas munting prinsesa" bati ko.

"Mico anung ginagawa mo dito?!" gulat na gulat niyang tanong.

"Wag ka ng mag tanong i ha-hi-jack ko na ang date mo, sabihin mo na lang emergency, Tehee" sabi sabay kuha sa bag nya.

Paglabas namin ng building ay nag hihintay na si Luigi.

"Ok, tapos na ang trabaho ko, tara jamming tayo" paanyaya ko.

Pumayag naman sila, at nag punta kami sa isang karaoke bar.

"Hahaha grabe sobrang boring nya kausap napaka seryoso nya" kwento ni Sara.

"Kung sinu sinu naman yang mga ka date mo" sermon ni Luigi.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now