Chapter 14

4 1 0
                                    

Maaga akong pumasok para sa meet up ng committee, magkatxt kami ni Clark hanggang 1am kaya medyo puyat ako.

"Guys, andito na ba lahat?" tanong ni Victor ng bumaba siya ng Van.

"Good morning guys bati naman ni Paul na halatang excited na.

"Wait nasa restroom lang si Claire, nagpapaganda baka daw sa Divi nya makita ang forever niya" paliwanag naman ni Lea.

"Guys, ito ang mga listahan ng dapat nating bilhin" ipinakita ni Bimby ang note na naglalaman mga kakailanganin para sa event.

Tahimik lamang kami ni Clark habang magkatabi sa loob ng sasakyan.

"Uii, mukang may nagbati na, hahaha" biro ni Paul ng makitang magkatabi kami sa upuan ni Clark.

"Oo nga napansin ko din yun!" dagdag pa ni Lea.

"Akala ko talaga forever na kayong di mag kikibuan" biro ni Victor habang nag da-drive.

"Pwede ba naman iyon? Eh hindi ata kumpleto araw ng dalawang yan ng di nagkikita eh" biro naman ni Paul at nagtawanan kaming lahat.

"Aysus si Mico pa ba? Eh hindi yan nakikipah away, napaka pabebe nyan" kwento ni Bimby.

Nang makarating na kami ay sama sama kaming namili ng murang mga items, ang mga babae ang namimili kasama si Bimby at kami namang mga lalaki ang taga buhat.

"Magkano to?" tanong ni Lea sa tindera.

"300 per yard Iha" sagot ng tindera.

"Naku Tita need namin ng mahaba nito wala bang discount?" pag tawad ni Bimby.

"Sige na po Tita, gagamitin po kasi namin to sa school" paki usap na may kasamang pagpapacute.

Pumayag naman ang tindera at ginawang 200 per yard.

"Hahaha grabe, laki din ng natipid natin doon ah" bilib na sabi ni Victor.

"Grabe girl magaling ka pala tumawad" papuri naman ni Bimby.

At nagpatuloy kami sa pamimili. Naisipan naming pumasok sa kalapit na mall ng makita namin doon si Tita.

"Mico, andito ka pala?" bati ni Tita Mercy ng lumapit ito sa amin.

"Hi Tita, opo namimili lang kami ng mga gagamitin sa school fest" paliwanag ko.

Agad naman lumapit sina Victor.

"Mico ang ganda naman ng Mama mo" papuri nina Lea at Claire.

"Hello po Tita" bati naman nina Victor.

"Hi guys, Classmate mo ba sila?" tanong ni Tita.

"Naku hindi po, mga kagroup ko po sila" paliwanag ko. "Guys si Tita Mercy, kaibigan ng Mama ko, siya ang Mama ni Jenylyn" pagpapakilala ko.

Kita sa muka nila ang pagkabigla ng malamang siya pala ang Mama ni Jen.

Lumapit sa akin si Lea at bumulong "Talaga? Eh bat magkahawig kayo?" tanong niya.

"Hahaha, sanay na akong mapagkamalang Mommy ni Mico, lagi din kasi kaming magkasama kapag lumalabas" paliwanag niya.

Si Clark naman ay tahimik lamang na nanonood sa amin.

"Sige na, pauwi na rin ako, may bibilhin lang ako sa Watsun" paalam ni Tita.

Nakita kong madami ang laman ng kanyang cart, mga groceries karamihan.

"Tita, wala ka bang kasama?" nag aalala kong tanong, ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok.

"Wala eh alam mo naman si Jen, may dala akong sasakyan" sabi niya.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now