Chapter 11

8 2 0
                                    

Hindi ako makatulog buong gabi dahil sa kakaisip sa nangyari sa amin ni Clark.

"Anu ng gagawin mo Mico?" tanong ko sa sarili.

Samantalang ganoon din si Clark, hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Naisipan nya tuloy mag post sa social media account nya kung gaano sya kasaya.

"Mico!" sigaw ni Sara ng makita niya ako sa entrance ng school.

"Hi Sara" matamlay kong sagot ng makita ko siya.

"Wala ka namang sinalihang school activity, pero bat parang mas pagod ka pa sa akin?" curious na tanong niya sa akin.

"Wag mo akong alalahanin, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi" paliwanag ko kahit ramdam ko pang tumitibok ang gilid ng aking butas.

"Bumawi ka na lang ng tulog sa room tutal mag ra-rounds lang naman kayo" payo niya.

Nakita namin sina Luigi kasama ang mga ka banda niya, kumaway ito sa amin bilang pagbati.

"Hoy Mico bigla kang nawala kahapon?!" tanong ni Bimby ng makita niya kami.

"Ackk!?" gulat kong tugon ng makita ang expression ng kanyang muka.

"Good morning Bimby, bakit may nangyari ba kahapon?" nagtatakang tanong ni Sara.

Agad akong pumagitna dahil baka mabisto niya ako.

"Uhm ano, may pinuntahan kasi ako kahapon, nakalimutan ko ng magpaalam, Sorry" nagpapcute kong sagot.

"Hmph?! Ikaw ha, pareho kayo ni Clark na biglang nawala kahapon!" kwento niya.

Hindi ko napigilang nag blush ng sabihin iyon ni Bimby.

"Ano? Mico magkasama ba kayo kahapon?" tanong ni Sara, titig na titig ito sa akin kaya lalo ng lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Nang maihatid ko na si Sara sa Gymnasium ay naglakad na ako pabalik sa aming headquarters sa 3rd floor.

"Si Mico oh" sabi ni Francine ng magkasalubong kami sa hagdan.

Pinagtitinginan nila ako nina Jen, agad na na umiwas si Jen at nauna ng maglakad pababa.

"Mico, sandali!" sigaw ni Clark na sinusundan pala ako.

Agad siyang umakyat sa hagdan at nilagpasan lamang ang grupo nina Jen.

"What the hell?!" pabulong na sabi ni Sunshine habang tinititigan kami.

Nanlaki ang mga mata nila sa pagkabigla.

"Tinatawagan kita kaninag umaga, susunduin sana kita kaso di ka naman sumasagot" paliwanag ni Clark habang naglalakad na kami paakyat.

"Tsk!? the nerve!" Nang gagalaiting sabi ni Jen nang hindi man lang sila.pinansin ni Clark.

"Anu iyon? akala ko ba nilayuan na sya ni Mico?" nagtatakang tanong ni Sunshine.

Agad akong dumistansya kay Clark dahil madaming tao sa hallway at ayokong makita nilang close kami.

"Sorry naka silent kasi phone ko hindi ko napansin" paliwanag ko,

"Ok lang yun alam kong pagod ka, teka ok lang ba ang katawan mo?" pa cute na tanong niya.

Bumalik sa alaala ko ang mga bitemarks sa katawan ko, mabuti na lamang at hindi ito napansin ni Papa noong nagbihis ako.

At nagsimula na kaming mag rounds para bisitahin ang bawat teams na nagpa-practice para sa school fest.

"Pre san ka ba nag punta kagabi hindi ka namin mahagilap?" tanong ni John ng dumaan kami sa room na ginagamit nila.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now