Chapter 5

9 0 0
                                    

"Ano?!" gulat na tanong ni Sara ng sabihin kong magkasama kami ni Clark na mag rereview after class.

"Di ba sabi ko sayo ang weird ng isang iyon?" pagpapatunay ni Luigi.

"Bahala kayo jan, isa pa naka Oo na kasi ako malay mo naman kailangan nya talaga ng tulong at dahil bago lang sya wala syang malapitan" pag justify ko sa kanila.

Napabuntung hininga silang dalawa,hindi sila makapaniwalang napaka clueless ko.

"Ito naman kasing Frenny natin napaka dakila, well sige, tawagan mo na lang kami if you need anything" payo ni Sara.

Natapos na ang mahabang klase at nagtungo na ako sa library na usapan naming meeting place ni Clark.

"Mico, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Jen ng magkita kami.

"Uhm, Hindi pa eh, pero uuwi din naman ako ng maaga text ka na lang kung may kailangan ka" sagot ko sa kanya.

Hindi na sya nag salita pa at tumuloy na sila sa paglalakad palabas ng school.

"Kanina ka pa ba?" tanong ni Clark ng dumating ito sa library.

Halatang nakatulog ito dahil medyo magulo ang buhok niya at lukot ang uniform nito.

"Hindi naman, mukang bagong gising ka ah?" puna ko, umiwas siya ng tingin na nagpapahiwatig na guilty sya.

Inumpisahan na namin ang pag rereview, sinubukan kong I discuss ang halos lahat ng mga subject nya ng araw na iyon.

"Ano may tanong ka ba? wag kang mahihiya para malinaw" sabi ko, umiling lamang siya kaya naman nagpatuloy na ako.

Napansin ko tutok na tutok siya sa muka ko, na tila ba may nakikita syang dumi na naging dahilan para maconscious ako.

"Oh bakit ka huminto?" tanong niya ng punasan ko ng wipes ang aking pisngi.

"May dumi ba ako sa muka, titig na titig ka kasi eh" nahihiyang tanong ko.

Napangiti siya at medyo nag blush sa aking tanong.

"Hindi ano, nag po-focus ako sa pakikinig, maayos ka kasi magturo" pambobola niya.

Na touch naman ako sa mga sinabi nya, bigla tuloy sumagi sa isip ko ang alaala ni Lance.

Sa Bar.

"Oh Pre mukang pagod na pagod ka ah? saan ka ba nagpunta?" nagtatakang tanong ni John dahil 2 hours na late si Clark.

"Ui Clark andito ka na pala" bati ni Kyle ng makita ang kaibigan.

"Pass muna ako sa pag inom" sabi ni Clark habang niluluwagan ang buttones ng kanyang polo.

2 weeks kaming ganoon ang setup, nag memeet kami after school, minsan inaaya nya ako na kumain sa labas.

"Free ka ba this weekend? gala naman tayo libre ko" paanyaya niya,

"Naku Clark, hindi ako pwede eh, kasi next week na ang exams at kelangan ko rin turuan si Jen" paliwanag ko.

Nalungkot si Clark sa naging sagot ko pero alam ko namang naintindihan.niya iyon.

"Hindi ka ba naiilang sa akin?" bigla niyang tanong.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" sagot ko na medyo naguguluhan sa tanong niya.

Huminto siya saglit at umiiwas siya ng tingin sa akin.

"Palagi mo kasi akong tinatanggihan kapag inaaya kita" paliwanag niya malungkot ang muka niya.

Na guilty naman ako sa sinabi niya, pero totoo na minsan umiiwas talaga ako na makasama siya ng mas matagal, dahil lately napapansin kong pinagtitingan ako ng ibang mga estudyante sa school at karamihan ay mga babae.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now