Chapter 15

4 1 0
                                    

Dumating na ang weekend at napag desisyunan namin tatlo na sa bahay na lamang tumambay at mag inon.

Hapon na ng dumating sina Luigi at at Sara, pumayag naman si Papa ng magpaalam ako basta wag lamang kaming gagawa ng gulo.

"Grabe nakakapagod, naglinis pa ako ng apartment kahit ang sakit sakit ng mga kasukasuhan ko!" reklamo ni Sara habang minamasahe ang kanyang balakang.

"Eh di ba may mga kasama ka naman sa apartment?" nagtatakang tanong ni Luigi.

"Oo kaso ako nakatoka this week eh" sabi niya.

Abala naman ako sa pagluluto ng sisig na request nilang pulutan, tinext ko din si Clark na dumaan para mapadalhan ko siya ng Sisig.

"Wow Mico ang bango na ng amoy, nagugutom na ako!" papuri ni Sara habang nanonood sila ng movie sa salas.

"Samahan mo akong bumili sa labas ng beer Sara, nakakahiya naman at pinagluto pa tayo ni Mico ng pulutan" utos ni Luigi habang kinukuha ang Susi ng kanyang motorcycle.

"Sige tara ng bumili para makapanood tayo ng maayos" sabi ni Sara na tumayo na sa pagkaka upo.

Nagpaalam na ang dalawa na bibili sa Grocery store sa di kalayuan.

At ng maluto ang Sisig ay sakto naman nag text si Clark na papunta na ito.

"Clark, heto ipinagbalot kita ng Sisig" bati ko ng bumaba siya ng sasakyan.

Tuwang tuwa siya at tila takam na takam ng matikman ito, pati ako.

"Salamat Mico, uubusin ko ito, next time mag sleep over ka naman sa bahay ipag luto mo rin ako" pakiusap nya, habang nagpapacute.

"Sige kapag pumayag si Papa" sagot ko,

"Mico, I hate to say this, pero aalis na ako, pa kiss naman?" pakiusap niya.

Nang makasakay na sya sa sasakyan ay nilapitan ko ito at binigyan ng isang mainit na halik.

"I love you Mico, let's live together pag graduate natin next school year" plano niya.

"Sige na sige na, mag iingat ka Clark, text mo ko pag nakauwi ka na, see you sa school" paalam ko at umalis na nga ito.

Dala dala ni Luigi ang 7 bote ng beer at ilang chips na masarap ipulutan.

Nakapaghain na ako ng dumating sila kaya naman sinumulan na namin ang inuman.

"Alam mo ba ang titigas ng mga ulo ng mga bagong kasali, na stress ako sarap pag sasakalin!" kwento ni Sara tungkol sa mga ka grupo niya.

"Hahaha, kaya pala badtrip ka nung makita kita" natatawang sabi ni Luigi habang binubuksan ang lalagyan ng chips.

"Eh kamusta naman yung isa jan? balita ko palagi daw kayong nawawala ni Clark, anu ng status?" tanong ni Sara na sigurado na sa kanyang hinala.

"Wala naman, gumagala lang kami sa labas, tapos uwi na sa bahay bago mag gabi" ingat na ingat kong paliwanag.

"Pero napansin ko ha, mas naging sociable na si Clark these days, nakikita ko na syang nakikipag kwentuhan sa mga schoolmates niyang babae" kwento ni Sara na naamaze sa pag iimprove ni Clark.

At nagpatuloy ang aming kwentuhan habang nanonood ng movie.

"Grabe guys sobrang na miss ko to, yung magkakasama tayo, kaso maraming kulang" sabi ni Sara na naalala ang iba pa naming mga naging kaibigan sa banda na nag graduate na.

"Oo nga 3 na lamang kaming lumang members, kaya medyo hirap parin sa coordination lalo yung vocalist namin hay naku, Mico pwede ka bang mag sub?" tanong ni Luigi na mukang nag aalala sa grupo nila.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now