Chapter 10

8 1 0
                                    

Katakot takot na sermon ang inabot ko mula kina Sara at Luigi.

"Guys, muka naman sincere sya eh isa pa ayokong maging unfair sa kanya wala naman syang pinakitang masama sa akin ever since" pangangatwiran ko sa kanila.

"Oo nga andun na tayo, pero Mico hindi sya basta ordinaryong estudyante at isa iyon sa problema" paliwanag ni Sara.

"Tsaka ok na ba talaga Mico?" seryosong tanong ni Luigi.

Nagkatinginan sila ni Sara.

"Bakit? anung ibig nyong sabihin" confused kong tanong.

"Wala ka kasing social media account eh" sabi ni Sara, habang kinukuha ang kanyang cellphone.

"Mico uuwi na sa bansa si Lance, anong balak mo?" nag aalalang tanong ni Luigi.

"Heto tingnan mo oh" at ipinakita niya ang post ni Lance, ticket ito na binili nya pabalik ng Pinas.

Nakaramdam ako ng pangamba, masyado na akong naging busy na hindi ko naisip what if magkita kaming muli.

"Kaya mo na ba syang makita Mico, yung totoo?" nangungulit na tanong ni Sara.

"Guys magkikita at magkikita kami sooner or later, at pag nangyari yun bahala na" sagot ko, hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil.hindi ko rin alam ang mangyayari kung sakali.

"Shit ka talaga Mico, sinasabi ko na eh, tapos bibigyan mo ng chance si Clark, kay Jen ka pa, minsan gusto na kitang syotain para pwede akong mag demand sayo na sa akin lang atensyon mo" paliwanag ni Luigi.

Agad syang binatukan ni Sara dahil sa mga hirit nito.

"Ayan ka na naman eh! Ok na eh isiningit mo pa talaga eh ano?!" gigil niyang sermon.

Dahil gabi na din kung umuwi si Papa ay ako na ang incharge sa lahat ng gawain sa bahay, mabuti na lang at madaming naituro si Yaya Ising sa akin noon na nagagamit ko.

"Sarap ng paksiw na luto mo anak ah" papuri ni Papa habang magkasabay kaming naghahapunan.

"Si Papa talaga, wala ka namang magagawa kung kainin mga luto ko" sagot ko habang humihigop ng sabaw.

"Kamusta naman ang school anak? Sorry medyo abala palagi ang Papa mo" tanong niya.

Sa panahon ngayon madalang na nga kami magsabay kumain sa gabi, pero gumagawa pa rin si Papa ng oras para kamustahin ako.

"Oo papunta na ako, sandali lang" sagot ko ng tunawag si Bimby at hinahanap na ako.

"Bat di mo kasama si Clark?" tanong niya ng magkita kami.

"Ewan hindi naman kami nagkakausap eh" sagot ko.

"May changes na ginawa si Victor, sinend nya sa GC, bakit ba kasi wala kang social account bakla ka" paliwanag niya.

"Uhm, personnal reasons" matipid kong sagot.

Dumating si Clark, tahimik ito at parang may problemang dinadala.

"Kausapin mo kaya Mico, kanina pa siyang ganyan eh" utos ni Bimby.

At ganun na nga ang balak ko.

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa music room, mahaba pa naman ang break kaya naman naisipan kong pumasok sa loob.

Umagaw ng atensyon ko ang grand piano sa gilid ng music room, nilapitan ko ito at sinubukan tumugtog.

"Ang tagal na since huli akong  tumugtog ng piano" bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang music sheet at binasa ang mga titles nito.

"Only Hope? kaya ko kaya ito"

Sinimulan ko ng tugtugin at nasasabayan ko naman ang tempo, sinubukan kong kantahin ang mga lyrics nito.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now