Chapter 2

14 1 0
                                    

Kasama ko si Jen sa kanyang kwarto inutusan nya kasi ako na gawin ang mga assignments niya.

Hindi na ito bago para sa akin dahil sa loob ng 5 taon since elementary ay ako ang pinaggawa niya ng mga assignments, project at kung anu ano pa.

"Natapos ko na yung Math, basahin mo na lang ulit bukas bago ka pumasok" sabi ko habang inililigpit ang mga kalat.

"Ok" matipid nyang sagot habang abala siya sa pag se-cellphone.

Napabuntung hininga na lamang ako, habang inaayos ang mga libro niya sa mesa.

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko bago lumabas ng silid.

"Sige umalis ka na" sagot ni Jen na hindi man lamang ako nilingon.

Lumabas na ako at nakasalubong ko si Tita Mercy.

"Tapos na ba kayong mag aral?" tanong niya.

Tumango ako bilang tugon, inaya niya ako sa kusina at ikinuha niya ako ng gatas at cookies.

"Hindi pa rin ba maayos ang trato sayo ni Jen?" nag aalalang tanong ni Tita.

"Ok lang po iyon Tita, mas mabuti na to kaysa sa hindi nya ako pinapansin" malungkot kong sagot.

Naawa naman si Tita kaya kinomfort niya ako, "pasensya ka na, dahil kay Jen tinalikuran mo si Lance" sabi ni Tita habang iniikot ang kutsara sa loob ng tasa.

Parang may kumurot sa aking dibdib ng maalala ko ang mga pangyayari, sinung mag aakalang masisira ang maganda naming relasyon ni Jen ng dahil lamang sa isang lalaki?"

Sa school

Pinakisuyuan ako ni Sara na dalhan siya ng Hairpin sa kabilang section, nagtungo siya doon para tulungan ang kaibigan niya na ayusin ang buhok nito.

"Asan ka na ba? Ngalay na ako" tanong ni Sara habang kausap ko siya sa cellphone.

Pag dating ko sa pintuan ay agad kong nakita sina Sara na nakatayo malapit sa bintana.

"Sara!" tawag ko na nakangiti pa.

Pinagtinginan ako ng mga naroroon sa loob ng classroom.

"Ehem!! Medyo napalakas ata boses ko" bulong ko at agad na akong lumapit sa kinatatayuan nina Sara.

Napansin kong doon pala ang room ng transfer student, nagtagpo ang aming mga mata na tila ba nagkita na kami noon pa.

"Babalik na ako Sara nagbabasa kasi ako" paalam ko habang inaabot ang dala kong hairpin.

"Hintayin mo na ako Mico" pakiusap ni Sara "Ayun yung sinasabi kong gwapo" bulong niya.

Pasimpleng itinuro ni Sara ang Transfer Student na nakaupo sa 2nd row.

"Si Clark, hmph?! napaka suplado naman nyan" kwento ng classmate niya.

Halata nga sa muka niya, seryoso lang ang expression ng muka niya na para bang nag sasabing ayaw nya makipag socialize.

"Ah, sya pala" sabi ko sabay baling kay Sara.

Bago kami mag lunch ay naisipan ko munang dumaan sa Lavatory malapit sa Gymnasium para hugasan ang aking mga kamay.

"Bilisan nyo lunch na!" sigaw ng isa sa mga estudyanteng naglalaro sa field napansin kong mga classmates iyon ni Clark.

Nang makalapit na ako sa gripo ay napansin kong may aninong lumapit sa akin.

"Sorry sige ikaw na muna" sabi ko ng mag bangga ang mga kamay sa pagpihit sa gripo.

Medyo nagulat ako ng makitang si Clark pala iyon, napaka seryoso ng mga tingin niya.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now