Chapter 4

7 1 0
                                    

Pabalik na noon s Luigi dahil may idinaan lamang siya sa kabilang room ng makita nyang nag uusap kami ni Clark.

"Andito ka lang pala Mico, sorry natagalan ako" bati niya sabay akbay sa aking balikat.

"Ok lang may kausap pa si Sara eh" sagot ko naman na pilit inaalis ang braso nya sa pagkakayakap sa akin.

"Anung pinag uusapan nyo?" tanong ni Luigi habang naktingin kay Clark.

Alam kong sinasadya ni Luigi na maging sweet sa harap ni Clark.

"Wala naman Pre may itinatanong lang ako" seryosong sagot ni Clark na inasses ang relasyon namin ni Luigi.

"Next week na tayo mag start Clark" paalala ko.

Tumango naman siya at agad ng nagpaalam.

"Mico nawala lang ako sandali humahanap ka na ng iba" biro ni Luigi na naka akbay pa rin sa akin.

Kinurot ko sya sa tagiliran bilang ganti sa kalokohan niya.

"Sira ka ba?! mamaya akalain nun mag syota tayo, lagot ka sa akin!" banta ko sa kanya.

"Eh ano naman, atleast kung may masama syang balak sayo alam nyang malilintikan sya, hahaha" pagyayabang ni Luigi.

Nadinig ni Clark ang unang sinabi ni Luigi, nakaramdam siya ng inis dahil naintimidate sya sa ginawa nito sa akin.

Andoon din pala si Bimby at nagmamasid, lumapit siya kay Clark.at kinausap ito.

"Ang sweet niya kay Mico ano?" sabi Bimby habang tinatanaw kami palabas ng hallway.

"Ah excuse me?"gulat tanong ni Clark dahil hindi nya kilala si Bimby.

Nagpakilala ito sa kanya at sinabing wala syang masamang intension.

"Matagal ng chismiss na may relasyon ang dalawa yan, hindi dinedeny ni Luigi ang isyu, pero si Mico halatang good friends lang talaga sila" kwento ni Bimby.

Napansin nya din pala ang biglang paglapit sa akin ni Clark kaya palihim nya itong sinusundan.

"Ah ganun ba?" nakahinga ng maluwag si Clark, pero alam nyang malaking balakid sa plano niya si Luigi.

Naiwan kami ni Luigi sa table habang umoorder si Sara.

Tahimik lamang ako habang nag tetext kay Papa na kakain kami sa labas nina Sara.

"Kelan pa kayo naging close nung Clark?" seryosong tanong ni Luigi.

Natigilan ako ng madinig ang tanong niya.

"Nung isang araw lang sinamahan nya ako sa library tapos naki usap sya kung pwede ko daw ba syang i-tutor, bakit Luigi?" paliwanag ko.

Hindi agad siya sumagot, may namumuong conclusions sa isip niya dahil maliban sa akin ay may mga kaibigan din syang bisexual dahil tumutugtog ang banda nila sa mga bar at events.

"May gusto yan sayo Mico" serysoso niyang sabi.

Hindi ko napigilang matawa sa aking nadinig.

"Seryoso ako, gusto ko lang ingatan ka" pagpapatuloy nya.

Ramdam ko ang genuine intension nya dahil sila ang karamay ko noong broken hearted ako.

"Luigi, wag tayong mag assume ok, isa pa, lahat naman ng lalaking lumalapit sa akin hinaharang mo, titigil din yan soon, sabihin ko na lang may jowa na ako" sagot ko para i-reassure siya.

"Sabihin mo ako BF mo" biro niya.

Pinukpok ko sya ng tissue sa ulo, nagtatawanan kami ng dumating na si Sara dala ang order naming tatlo.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now