Chapter 13

4 1 0
                                    

Lumabas nag picture namin with Clark's parent sa social media account ng Nanay.

"Wow ang galing din ng baklang to kasama nya parents ni Clark mag dinner" inis na inis na sabi ni Sunshine.

"Lumalandi na yan kasi hindi ka na nya kargo sa buhay, napaka ahas talaga ng Mico na yan" dagdag pa ni Francine.

Samantalang nangagalaiti naman sa galit si Jen.

Inaya sina Clark na maglaro ng basketball ng mga schoolmate nina Victor, ako na hindi atlethic ay nauapo na lamang sa ilalim ng malaking puno ng Narra.

"Mico andito ka pala" bati ni Lea ng lapitan nila ako ni Claire.

"Ui mamimili na tayo ng mga gagamitin para sa festival, tayo ang incharge dun guys" paalala ni Claire.

Nagpahinga muna kami sa lilim ng puno dahil medyo mainit ng araw na iyon.

Kausap si Clark ng mga schoolmates ni Vince at mukang masaya ang mga ito.

"Hey Mico, care to explain?" nang iintrigang sabi ni Lea ng ipakita nito ang picture noong dinner namin sa bahay nina Clark.

"Medyo Trending kayo ngayon sa school alam mo ba iyon?" sabi ni Claire habang binabasa ang mga comments.

Kaya pala ganoon na lamang ang tingin nila ng pumasok ako, naisip ko tuloy ang reaksyon ni Jen pag nakita nya to.

"Well it's a family dinner, hindi naman ito engagement dinner, OA lang masyado mga tao sa comment section" paliwanag ni Claire.

"Oo nga, true palibhasa wala silang chance na maging close kay Clark kaya ganito sila mag react, pero teka, kamusta naman yung dinner kwento ka naman?" pangungulit ni Lea.

Thankful ako dahil hindi sila judgemental tulad ng iba.

Kinausap ako ng ilan sa mga freshmen tungkol sa inquiry nila sa schoolfest ng magawi kaming tatlo sa cafeteria.

"Kung may tanong pa kayo, feel free na lapitan ako, or sila ok?!" paalala ko sa mga freshmen.

"Thank you Mico, see you around!" pasasalamat ng mga ito at nagpaalam na.

Susunod na sana ako kina Lea ng haranging ako ng isang babaeng estudyante din ng school.

"Hi, di ba ikaw yung Mico? yung close.friend ni Clark?" tanong niya.

Agad kong napansin ang maganda at maamo niyang muka, pati na rin ang motibo nito.

"Tulungan mo naman akong I set up ng date si Clark, I te-treat kita sa kahit saang restaurant mo gusto, gusto ko lang na makilala sya" pakiusap niya.

"Uhm, ano eh, hindi kasi kami ganoong ka close ni Clark pero itatanong ko kung free sya" I said unwillingly, naawa kasi ako sa kanya.

"Anung itatanong mo Mico?" bungad na tanong ni Clark.

Nagulat kami dahil nadinig nya pala ang usapan namin.

"Uhm, ano kasi gusto ko sanang ano" nahihiyang sabi ng babae.

"Clark, ok lang ba na ayain ka nya na kumain ng lunch, just the two of you?" paliwanag ko na umiiwas ng tingin sa kanya.

Natahimik saglit si Clark, nakatitig ito sa akin na tila hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Uhm, Thank you sa pag imbita I really appreciate it, pero busy kami for the event, at isa pa im courting someone, im sorry" seryoso niyang sabi.

Napayuko naman ang babae na tila napahiya sa sinabi ni Clark.

"Ah eh, ganun ba?" sorry sa abala" hindi ito makatingin sa amin at agad ng lumakad palayo.

Tiningnan ako ni Clark, napaka seryoso ng muka nito at halatang galit siya sa akin.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now