Chapter 6

6 1 0
                                    

Naglalakad noon si Clark dahil nagpaalam siyang pupunta sa CR, nakita nya akong naglalakad mag isa sa hallway.

Agad siyang lumapit ngunit napansin niyang pasuray suray ako habang naglalakad, tinawag niya ang aking pangalan at ng tumunghay ako ay tuluyan na akong nawalan ng balanse.

"Mico, Mico!! Gumising ka!" takot na takot niyang sabi, walang tao sa hallway ng mga sanding iyon.

Agad niya akong kinarga sa mga bisig niya at dinala sa Nurse station.

"Tulungan nyo po sya Ma'am pakiusap!" takot na takot na sabi ni Clark ng pumasok sa loob ng nurse station.

"Ipasok mo sya sa loob bilis" utos ng Nurse na agad kinuha ang kanyang stethoscope.

Nang maihiga niya ako sa kama ay tinanggal niya ang aking mga sapatos at inayos ang unan sa aking ulo.

Lumapit ang Nurse at binigyan agad ako ng first aid.

Si Clark naman ay hindi mapakali habang pinagpanood ang Nurse sa kanyang ginagawa.

"Wag ka ng mag alala, ok na sya, dala yan ng puyat at stress, naturukan ko sya ng gamot kailangan na lamang niyang magpahinga at pag gising nya ay pauuwiin ko na sya" paliwanag ng Nurse habang inaayos ang IV sa braso ko.

Nakahinga ng maluwag si Clark, pero hindi mawala sa isip ni Clark ang mga nangyari.

"Maiwan muna kita kailangan ko lang dalhin itong mga documents sa Principal's office" paalam ng Nurse.

Tumango naman si Clark at lumabas na ang Nurse.

Habang mahimbing ang tulog ko ay pinagmamasdan niya ako, nawawala na ang pamumutla ng aking mukha.

Marahang hinihimas ni Clark ang aking kamay, tumayo siya at lumapit sa akin.

"Mahal kita Mico" bulong niya sabay halik sa aking mga labi.

Hindi alam ni Clark ay nasa loob din Bimby, nakita nitong hinalikan ako ni Clark habang tulog kaya napatunayan ang kanyang hinala.

"Ayos ka na ba? Bakit nandito ka pa?" seryosong tanong ni Clark.

Hindi ako makaisip ng idadahilan dahil siguradong mag aalala ito pag sinabi ko ang totoo.

"Heto kainin mo" sabi niya sabay abot sa hawak niyang pagkain at inumim.

Umupo siya sa tabi ko at tahimik at tahimik na pinagmasdan ang mga tao.sa field.

"Kamusta naman ang exams mo?" tanong ko para basagin ang katahimikan.

"Ok naman, salamat sayo hindi ako nahirapang mag sagot" masayang kwento niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya dahil mukang magiging maganda ang results ng exams niya.

"Palagi ka bang ganyan?" tanong niya sa akin.

"Palaging ano?" pag uulit ko.

"Ganyan nag kukunwaring ok" sagot niya na nakatitig sa mukha ko.

Na caught off guard niya ako sa sinabi nya, alam nyang napagod ako sa pagbabalanse ng oras ko nitong mga nagdaang araw.

"Ngayon lang yan, next time alam ko na gagawin ko" biro ko habang nagkakamot ng ulo.

Napa buntung hininga siya habang nakatanaw sa mga papauwi nang mga estudyante.

"Pinag alala mo ako ng sobra alam mo ba iyon?" sabi niya. "Akala ko kung napano ka na eh" pagpapatuloy niya.

"Pano mo nalaman na isinugod ako sa Nurse station?" gulat kong tanong.

Hindi nya ako sinagot at imbes ay nag offer siyang ihatid ako pag uwi.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now