Chapter 7

10 1 0
                                    

Masayang masaya si Jen ng umuwi ito ng bahay, sariwa pa sa isip nya ang mga pangyayari pagkatapos nilang nag usap ni Clark.

"Girl anung sabi nya sayo?!" pangungulit ni Francine.

"Inaya nya akong mag lunch bukas!" kinikilig na sagot ni Jen.

"Talaga?!" gulat na sabi ni Sunshine, pero deep inside ay hindi sya masaya para sa kaibigan.

"Oo, binigyan nya pa ako ng fruit basket ang sweet di ba?" pagyayabang niya.

Pinagbuksan ko siya ng pinto, laking gulat niya ng makita ako.

"M-Mico ok ka na?!" tanong niya.

Napatingin ako sa dala nyang mga prutas, humigpit ang hawak niya dito na tila ba iniiwas niya ito sa akin.

"Problema nun?" sabi ko ng makitang nagmamadali siyang pumasok sa bahay nila.

Magkausap sina Sara at Luigi sa telepono, isinumbong niya ang nakita niya kaninag hapon.

"Alam mo sabi ko na eh, walang magandang balak yang Clark na yan" pagpapatuloy ni Luigi.

"Pero wala naman silang relasyon, si Mico na mismo ang nagsabi na nagpatulong lang si Clark sa kanya" paliwanag ni Sara.

"Wag na muna nating sabihin kay Mico, ang mahalaga mailayo natin sya sa Clark na iyon" suggestion ni Luigi.

Sobrang excited si Jen sa date nila ni Clark bukas, panay pa ang post nito sa social media, hindi ko iyon nababasa dahil 1 1/2 years na akong nakadeactivate.

"Anung problema nun?" tanung ni John ng mapansin masama ang tingin ni Luigi.

"Ewan ko? di ba kaibigan yun nung Mico?" sabi ni Kyle.

Halos mag liyab ang sapatos ni Jen ng sumapit na ang Lunch break.

"Good luck sa date mo enjoy!" masayang sabi ni Francine ng magpaalam na si Jen.

Naghihintay na si Clark sa parking lot ng dumating si Jen, panay pa ang kuha ng pictures nito bilang souvenir sa kanilang first date.

"Wala na po ba kayong ibang order Maam/Sir?" tanong ng waitress sa dalawa.

"Ok na ako ikaw Jen?" tanong ni Clark.

"Ok na din ako" sagot nya.

"Paki intay na lang po ng order ninyo thank you" sabi ng waitress at nagpaalam na ito.

Bakas sa muka ni Jen ang sobrang saya.

"Palagi ka bang kumakain sa ganitong restaurant?" tanong niya.

"Uhm minsan" sagot ni Clark.

Napansin ni Jen na panay ang tingin ni Clark sa cellphone niya.

"Anung sabi ni Mico, ok na ba sya?" tanong ni Clark.

Medyo natigilan si Jen sa kanyang ilusyon.

"Ah eh Hindi pa eh, nung iabot ko sa kanya yung mga prutas, tinanong nya lang kung kanino galing tapos nung sinabi kong sayo, ipinatong nya lang sa lamesa tapos natulog na ulit siya" kwento ni Jen kahit hindi naman iyon nangyari.

Sinubukan akong siraan ni Jen kay Clark para ma turn off ito sa akin, sa oras na magkasama sila ay wala siyang ginawa kundi Iangat ang sarili niya.

Nabibingi na si Clark sa mga sinasabi ni Jen ngunit wala syang magawa dahil humingi siya nang pabor dito.

"At isa pa alam mo minsan napaka moody ni Mico, minsan sobrang bait tapos minsan masungit" pagpapatuloy ni Jen.

"15 minutes na lang, kailangan na nating bumalik" sabi ni Clark habang nakatingin ito sa kanyang relo.

All For You (BoyxBoy)Where stories live. Discover now