Chapter 4: Lunch Date

323 55 46
                                    

Nang makarating kami sa loob ng cafeteria ay dumiretso kami sa table nila. Nandun na yung barkada niya at nakangising nakatingin sa kamay naming magkahawak pa rin. Aware ako na nagiging center of attraction kami dahil hawak niya pa din kasi ang kamay ko. At talagang Hindi pa natapos dun kasi ipinaghila pa niya ako ng upuan. Di ko alam na gentleman pala siya.

Pilit kong sinupil ang ngiti ko. Ayoko naman kasing makita nila at baka isipin nilang masyado akong hibang sa kanya. Kahit naman totoo yun nakakahiya pa rin.

Siya na ang umorder ng pagkain namin. Nakayuko lang ako. Parang ayokong tingnan yung mga tao sa paligid ko. Para kasing nakakaconscious.

Di nagtagal bumalik din siya. Mabuti naman kasi ang awkward talaga ng feeling na nakayuko lang ako at di makapagsalita.

"Guys, this is Sydney Krystaline Yson. Sydney, meet my friends, this is Jonas, Axl, Gelo and Jason"

Nagsmile na lang ako sa kanila at isa-isa naman silang nakipagkamay sa akin.

"Ganda ng chicks natin captain ah."

Sabi nung Jonas habang nakangisi.

"G*go ka talaga. "

Binato naman niya ng burger si Jonas at nakangiting nagbaLing ng tingin sa akin.

Shetee. Kinikilig ako kahit nakatingin lang naman siya sa akin.

"Pagapasensyahan mo na yan. May sayad yan eh."

Napangiti na lang ako.

"Nga pala, pwede bang SKY na lang ang itawag ko sayo?"

"Ha?? Bakit? Mukha ba akong langit??"

Narinig ko na lang nagtawanan sila.

PSH. Pahiya ako dun ah.

"Nope. Ang haba kasi ng Sydney Krystaline kaya kinuha ko na lang ang acronym. OK lang ba sayo?"

"Ah. Ganun pala yun. Heheh. OK lang naman."

"OK Sky"

Tahimik lang kaming kumain. Ako naman, isinawsaw ko sa ketchup yung chicken ko. Tas bigla na lang lumapit sa akin si Justin. Actually, inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Ewan ko pero bigla akong nainitan at alam kong ang pula na ng mukha ko.

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagdampi sa labi ko...


Ng hintuturo niya.

Oo. Hintuturo lang, anong akala no lips?. -_-

Shocks. Lalo akong namula kaya itinago ko na lang ang mukha ko at yumuko. Jusko! Ano ba ito??

Nakita ko na lang na dinilaan niya yung kamay niyang idinampi sa labi ko. Syet.

"Hahah, you're blushing. Ang cute mo. BTW, ang sarap ng ketchup"

At lalong parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko.

**************************

OK, ang harot ni Justin. Hahah. Pasensya po sa crappy update. Salamat sa pagbasa.

Please vote and comment!

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now