Chapter 6: Ligawan

304 49 37
                                    

this chapter is dedicated to MissAniMay..

Sa kanya ko po denidedicate ang chapter na to kasi siya ang gumawa ng bagong book cover ng A Deal to Fall in Love .. Maraming salamat!! :)

***************************************

Mahigit dalawang linggo na rin nang magsimulang manligaw si Justin. Simula nang sabihin niyang liligawan niya ako ay naging extra sweet siya sa akin. Sinusundo niya ako sa gate, siya ang nagdadala ng bag ko hanggang sa room.

Naroong hahawakan na lang niya bigla ang kamay ko at hahalikan. Ako naman parang maiihi sa sobrang kilig.

Bukod doon, palagi siyang naglalagay ng tatlong long stem pink roses sa locker ko. Para sa akin ito na ang katuparan ng mga pangarap ko. Simula ng mag-aral ako dito ay sa kanya lang talaga nakatutok ang mata ko. Nagsimula sa simpleng paghanga, gwapo kasi siya at magaling mag basketball. Hanggang sa isang araw naramdaman ko na lang na lumalalim na pala ang feelings ko para sa kanya.

Napakaswerte ko kasi pinansin niya ako. Na sa kabila ng physical features ko ay ako pa din yung napili niya. Sa totoo lang, maraming mas higit sa akin. Mga socialites, yung mga pa girly masyado at revealing manamit. Kumbaga, yung mga hot at sexy. Ano lang na ako kung ikukumpara sa manila Di ba? Oo nga at designer ang nanay ko, pero kasi hindi talaga ako sanay manamit na parang babaeng babae.

Pero siguro, itatry ko na ngayon. Ngayon pang napansin na niya ako at nililigawan. Ayokong dumating sa puntong magsawa siya at maghanap ng babaeng sexy at hot.

Kalat na din sa school na nililigawan niya ako at marami rin ang nagtangkang awayin ako. Buti na lang at lagi siyang to the rescue kaya naman lalo akong nahulog sa kanya. Hindi ko namalayang minamahal ko na pala siya.

Siguro yung iba sasabihin parang easy to get ako kasi napakabilis kong mafall pero para kasi sa akin, hindi naman madedetermine ang pagmamahal sa haba ng panahon na pinagsamahan niyo. Naniniwala kasi ako na ang pag-ibig bigla na lang yan dumarating. Minsan sa sobrang paghahanap mo, Hindi mo napapansin na andiyan lang pala sa tabi mo ang taong magpapasaya sa'yo. Na siya na pala ang binigay ng diyos sa'yo.

Ang pag-ibig, kusang dumarating yan at Hindi hinahunting. Bigla mo na lang mararamdaman na mahal mo ang isang tao. Mararamdaman no na lang na bumibilis ang pagtibok ng puso mo kapag nakikita mo ang taong yun.

Ganyang-ganyan ang nararamdaman ko sa tuwing nasa tabi ko siya. Napapangiti ako sa tuwing nababasa ko ang mga text niya o Di kaya kapag nagsesweet gestures siya. Kinikilig ako kapag hinahawakan niya ako. Siguro nga ay mahal ko na siya. Di ko alam kung kelan nagsimula. Isa lang nasisiguro ko at yun ay handa akong sumugal para lang sumaya. Siya ang kasiyahan ko kaya susundin ko ang nilalaman ng puso ko.

*****

Byernes na ngayon. Nasa cafeteria kami ni Yssa. Kumakain kami ng lunch. Hindi ko kasabay si Justin ngayon kasi medyo busy siya. Nakita ko pa nga siya kaninang may kausap sa phone. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Narinig ko lang na parang may sinabi siyang

"Galingan niyo ha, dapat Hindi ako mapahiya bukas"

Pagkatapos nun, umalis din siya. Hindi naman ako nagdududa kasi alam kong ako lang ang nililigawan niya. Siguro parang curious lang akong malaman kung anong meron bukas.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain Nang pumasok sila sa cafeteria. Biglang naging maingay ang kaninang tahimik na lugar. Ganyan talaga dito kapag nandiyan sila ng mga kagrupo niya.

Napatingin siya sa akin at bigla naman akong nag-iwas ng tingin.

"God, bes, para kang pinahiran ng blush on. Ang pula ng mukha mo. Nga pala, your prince charming is heading here." Pabulong na sabi ni Yssa sa akin na parang kilig na kilig.

Hindi ko naman malaman kung paano ba ako magrereact kaya niyuko ko na lang ang ulo ko at nagpatuloy sa pagkain. Pero bigla rin akong napatigil Nang maramdaman ko siya sa tabi ko.

Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang chin ko at dahan-dahang iniangat ang mukha ko. Iniharap niya ang mukha ko sa kanya. Matamang tiningnan niya ako sa mata at para akong nahihipnotismo.

"Galit ka bsa'kin??" - siya

"Hindi, bakit mo nasabi?" - ako

"Hindi mo kasi ako pinansin kanina" - siya

"Ah, wala yun." - ako

"Kita tayo bukas?" - siya

"Bakit? Ano'ng meron bukas?" - ako

"Secret. It's a surprise. Magdate tayo" - siya

"Ah, sige. Text mo na lang ako kung anong oras at saan." - ako

"Thank you Sky .. " - siya

Hinintay niya kaming matapos sa pagkain at sabay-sabay kaming bumalik sa classroom. Nakahawak lang ang kamay niya sa kamay ko. Hindi ko naman makuhang alisin kasi bukod sa mhigpit ang pagkakahawak niya, alam ko sa sarili kong gusto ring magkahawak ang kamay naming dalawa.

Wala namang masyadong nangyari ngayong hapon. Puro lang kami discussions. Nakinig na lang ako pero ang isip ko lumilipad. Wala akong idea kung anong mangyayari bukas pero naeexcite na ako.

Hindi ko namalayang uwian na pala. Hinatid ako ni Justin sa parking lot kung saan naghihintay ang driver namin. Pero bago siya tuluyang umalis ay lumapit pa siya sa akin at bumulong.

"Bukas, 2 pm sa SM. Hihintayin kita."

Ilang minuto na ang lumipas Simula nang umalis siya pero heto ako, tulala pa rin, parang tuod na nakatayo at hindi makagalaw. Ramdam ko pa rin ang kiliting dulot ng pagbulong niya sa akin peri mas nangingibabaw ang nadarama kong excitement. Gusto kong magtatalon at tumili.

Syet. Syet talaga.

Syet!! I think it's time. We'll have a date. A special date.

************************************

A/N:

So, this is it!! Thank you po sa pagbasa.. God bless ..

Comment po kayo kung anong tingin niyo sa chapter. Salamat.

Please vote and comment.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now