Chapter 21: Confrontation

351 32 40
                                    

Sydney's POV

Naglalakad ako pabalik sa food court kung saan ko iniwan sina Yaya at si Marco. Napatingin ako sa yaya niya na hindi mapakali habang lumalakad ng pabalik-balik at doon ko lang napansin na wala sa tabi niya ang aking anak. Napatakbo ako sa kinaroroonan niya habang kabadong-kabado. Paano nangyari na wala sa kanya ang anak ko?

"Ya, nasaan si Marco? Di ba iniwan ko siya sa'yo? Di ba sabi ko sa'yo wag na wag mo siyang bitawan? Nasaan siya ya?." Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dala ng matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Mangiyak-ngiyak naman si Yaya Thelma na tumingin sa akin at hindi malaman kung paano niya ipaliliwanag ang nangyari.

"M-Ma'am, pasensya na po kayo. Hindi ko po talaga sinasadya. Hawak-hawak ko pa po siya kanina nang biglang tumawag ang anak ko po. Sorry po, Ma'am." Umiiyak na paghingi niya ng tawad.

Parang gusto ko na ring umiyak pero hindi ito oras para ipakita ang kahinaan ko. Kinalma ko ang sarili ko at nag isip kung ano ba ang dapat kong gawin at kung kanino ako dapat lumapit para humingi ng tulong.

"Sorry ya kung nasigawan ko kayo. Nag-aalala lang po ako sa anak ko. Tulungan niyo na lang po ako na hanapin si Marco." Sabi ko kay Yaya Thelma. Inikot namin ang mga stalls sa food court. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa at naisip ko na sanang pumunta sa customer service center ng may biglang sumigaw.

"MOMMY! MOMMY!"

Hindi ako maaaring magkamali. Boses yun ng anak ko. Tinakbo ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang anak ko na hawak-hawak ng isang lalaki. Agad ko siyang hinablot at niyakap ng mahigpit.

"BABY! Oh my God Marco, I thought I'm going to lose you. God, you don't how scared I am. Don't do that again, okay? Stop crying now honey. Mommy's here."

Napatingin sa akin si Marco para siguraduhing ako nga ang mommy niya at nung nakita niya ang mukha ko ay tumahan na rin siya.

"Mommy? Mommy!"

Muli ko siyang niyakap ng mahigpit at ipinulupot rin niya ang maliit niyang mga kamay sa leeg ko. Sobrang nag alala ako sa kanya. Hay, salamat talaga at nakita namin siya. Akala ko mawawala sa akin ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling mawala siya. Baka siguro mabaliw na ako pag nagkataon.

Tumingala ako sa lalaki para sana magpasalamat ngunit bigla akong napatulala. Nagulat ako, bakit sa dinami-rami ng mga tao dito sa mall na to? Bakit siya pa? Bakit siya pa ang nakakita sa anak ko? Sa anak namin?

Hindi ko na tuloy alam kung ano ba ang dapat kung sabihin. Napansin kong nakatulala lang siya sa akin. Napapatingin siya kay Marco at sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga sandaling ito. Bigla akong pinanghinaan ng loob, matatanggap kaya niya si Marco kung sakaling sabihin ko na anak namin siya? Maniniwala kaya si Justin na siya ang ama ni Marco?

I cleared my throat and thought of the appropriate words to say to him.

"Uhm. Ano, Justin, thank you for helping my son. I really thought I'm going to lose him. I'm really glad that nothing happened to him. Salamat."

Tumango lang siya. Nanlumo ang pakiramdam ko. Hindi ko pa man nasasabi sa kanya ay mukhang alam ko na ang magiging sagot niya. Mukhang hindi pa nga siya handa na maging isang ama. Hayys, kawawa naman ang anak ko kung sakaling i-reject siya ng kanyang ama. Dahil masyado nang awkward ang pakiramdam ko, dahan-dahan ko nang hinatak si Marco para magpunta sa grocery ng biglang hawakan ni Justin ang kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso lalo na nung makita ko ang kanyang itsura. Namumula ang kanyang mga mata at may nagbabadyang mga luha sa sulok nito.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now