Chapter 29: Lunch Party

259 25 15
                                    

Sydney's POV

Hinawakan ni Justin ang kamay ko at iginiya ako paakyat sa kwarto niya. Alas diyes y media pa lamang ng umaga at naroon naman si Marco kasama ang mga magulang ni Justin kaya nagpahinga muna kami.

Pumasok kami sa kwarto ni Justin. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto niya. The walls are painted in sky blue. He has a king sized bed, a bedside table and a lampshade. On the bedside table, I was surprised to see a picture of us. I was so thin, and so was he. It was taken during our high school days. Nakaakbay siya sa akin at pareho kaming nakangiti sa picture. We look so happy, so carefree.

I put my sling bag on the table and sat on his bed. The mattress was so soft and was like inviting me to sleep. He sat beside me, held my hand and kissed it.

"I told you everything will be alright. And I would never let anyone hurt my son's feelings."

"Thank you, Justin. Kahit na matagal kaming nawala, kahit hindi mo kaagad nakilala si Marco, minahal mo pa rin siya. Tinanggap mo siya ng walang pag-aalinlangan sa buhay mo. Thank you kasi nandito ka na ngayon sa buhay namin."

"And I will always be here, forever. Pakasal na tayo?"

"What? Hindi pa nga tayo graduate eh."

He just laughed at me and kissed my forehead.

Bumaba na rin kami sa sala at naabutan namin ang mga magulang niya kasama si Marco. Nagkukuwentuhan sila habang nakatingin sa photo album nila Justin. Masaya naming pinagmasdan sila. Nakakatuwa na kompleto na ngayon ang pagkatao ng anak ko. Hindi na siya kulang. Wala na yung puwang sa buhay niya kasi buo na siya ngayon. At bilang magulang, natutuwa ako na nararanasan na ng anak ko ang magkaroon ng kompletong pamilya. Yung may matatawag na daddy, may makikilalang pamilya ng daddy niya. Ang sarap lang sa pakiramdam. All along, akala ko okay lang na kaming dalawa lang. Na hindi niya kailangan makilala ang daddy niya kasi bubuuin namin siya ng pamilya ko, pero mali ako. Maling-mali ako para isipin na matutumbasan ko ang kaligayan nang pagkakaroon ng buong pamilya.

Lumabas kami ni Justin sa garden para tumulong sa pag-aayos at pag welcome sa mga bisita. Unti-unti na ngang nagsidatingan ang mga bisita, mga relatives nila. Isa-isang ipinakilala sa akin ni Justin ang mga Tito, Tita at mga pinsan niya. Mayroon ding mga bata na kasing edad ni Marco, mga pamangkin ni Justin sa mga nakakatandang pinsan niya. Medyo nakakahiya lang sa part na kami ata ang pinakabatang may anak sa angkan nila. Mabuti na lang at mababait naman sila. Hindi sila yung tipo nang mga tao na mabilis manghusga. Naging mainit din ang pagtanggap nila sa amin. Lalo na nung dinala nila Mama Chesca si Marco sa labas para ipakilala sa lahat. Nakakatuwa na siya ang nagiging center of attraction nilang lahat. Tuwang-tuwa ang mga Tito at Tita niya, pati na rin ang mga pinsan niya na makilala ang anak namin.

Nung una ay medyo naiilang pa si Marco sa atensyong binibigay sa kanya, pero kalaunan ay nag-enjoy na rin siya. Masaya siyang nakikipaghabulan sa mga bata, maririnig rin ang masaya nilang tawanan at ang ingay ng kanilang mga sigawan. Nakikipagkwentuhan naman sa amin ang mga pinsan ni Justin. Marami silang ikinwentong mga kalokohan ni Justin noong kabataan na hindi naman talaga nakakasorpresa kasi kahit noong high school kami ay maloko pa rin siya. Naku, kung alam lang nila kung gaano ka chickboy itong pinsan nila noon. Mabuti na lang at nagbago na siya ngayon.

Nagkwento rin ako sa kanila tungkol sa sarili ko. Tungkol sa mga karanasan ko lalong-lalo na noong nagbuntis akong mag-isa, kung gaano ka hirap ang dinanas ko noon. Kung paanong naging inspirasyon ko ang anak ko para bumangong muli. Hindi naman na kaila sa kanila ang nangyari sa amin ni Justin kasi saksi rin naman daw sila kung paanong nahirapan si Justin noong wala ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko habang sinasabi nila sa akin kung paanong sising-sisi si Justin sa nagawa niya, muntikan na raw masira ang pag-aaral niya dahil puro inom daw siya noon para makalimot. Madalas daw siyang pagalitan noon dahil parang napapariwara na siya. Sumasakit ang dibdib ko sa mga narinig ko. Pareho kaming naghirap sa loob ng ilang taon. Ilang taon akong nagtanim ng galit sa kanya to the point na akala ko hindi ko na siya mapapatawad, pero hindi ko alam na sa mga panahong yon pala ay sinisira niya rin ang sarili niya. Maswerte ako, may pamilya akong gumabay sa akin, may anak akong tumulong sa akin para marealize ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Pero siya, nag-iisa at walang kaalam-alam na meron na siyang anak.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now