Chapter 12: Happy Birthday to Me!

281 37 23
                                    


Warning: Ang susunod ay maaaring may mga eksena na hindi suitable sa mga batang nagbabasa. Kung hindi po kayu nagbabasa ng bs, you can skip the part. Thank you! Enjoy reading.

************************************

Sydney's POV

It's been four months at hindi pa rin ako makapaniwala na magtatagal kami nang ganito. Saksi ako kung ano'ng klaseng boyfriend siya noon at nakita kong parang damit lang siya kung magpalit ng girlfriend. Pinakamatagal na marahil ang isang linggo kaya ganun na lang ang kasiyahan ko dahil umabot kami sa apat na buwan.

Mayroon pa ring hindi naniniwala na mahal niya ako pero wala na ako'ng pakialam. Hindi naman sila ang nakakaramdam kaya wala silang karapatang sabihin na hindi niya ako mahal dahil nararamdaman ko yun. Aabot ba kami sa ganito kung talagang hindi niya ako mahal? Malamang hindi.

Nga pala, malapit na ang birthday ko. Katunayan ay dalawang araw na lang, November 15 kasi ang birthday ko. Magsi-17 na ako. Ito na siguro ang the best birthday ko dahil boyfriend ko ang lalaking matagal ko nang gusto. Excited na ako'ng magcelebrate ng first birthday ko kasama siya.

******

Kasalukuyan akong nanunuod ng TV nang dumatung sina Mommy. Mabuti na lang at sabado ang burthday ko. Hindi ko kailangang gumising nang maaga sa susunod na araw.

"Baby, we have something to tell you! Wala kami dito ng Dad mo sa birthday mo. We're going to attend a business conference in Hongkong and it would be one week. Don't worry, we'll bring you a lot of pasalubong"

"Ok mom :("

Hay akala ko happiest birthday ko na, hindi pa pala. Hindi rin pala kami kompleto. Pero wala naman akong magagawa. I understand na ginagawa nila ito para bigyan din ako ng magandang buhay.

"By the way, do you want a party baby? You could invite your friends."

"No mom, it's ok. I'll just celebrate with Yssa somewhere."

"Ok, if that's what you want"

Nag-isip ako kung ano ang gagawin ko sa araw ng birthday ko. Hindi ko alam kung saan ako magsecelebrate.

Hay Buhay!

***********

2 days later.

Birthday

Maaga ako'ng nagising. Sobrang excited akong tignan ang phone ko para malaman kung merong nag greet.

Nakita ko'ng may tatlong messages. Binuksan ko at nakita kong ang dalawa ay galing kay Mommy at Daddy, wishing me a happy birthday at ang isa ay galing kay Justin. Pero biglang nawala ang smile sa mukha ko nang buksan ko ang message niya.

From: boyfie

Good morning Sky ko.. :-* :-*

Wala man lang happy birthday. Nakalimutan kaya niya?

Parang tinakasan ako ng lakas. Parang ayaw ko na tuloy magcelebrate.

Naghintay ako ng ilang oras, wala ni is ang nakaalala maliban sa parents ko. Kahit si Yssa na best friend ko, hindi man lang naalala na special tong araw na to.

Argghh. Gusto ko kong umiyak. Ba't ba sila ganyan? Nakakainis.

Bandang hapon nang makatanggap ako ng text galing kay Justin, telling me na pumunta sa condo niya. Kesa magmukmok dahil sa sama ng loob, mas pinili ko na ring maligo at pumunta doon. Di bale nang nakalimutan niya ang birthday ko basta makasama ko lang siya.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now