Chapter 11: Meet the parents

272 41 29
                                    

Sorry sa napakatagal na update .. medyo busy po si author, gagraduate na eh!

Congrats po sa mga gagraduate katulad ko! :)

***************************************

Sydney's POV

Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko. May date kami mamaya ni Justin. It's a lunch date actually at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hmmm, wala naman sigurong mangyayari na hindi maganda.

Pumili ako ng mga damit sa closet ko. Kahit kailan talaga hindi ako marunong mamili pero tinry ko na rin yung medyo pagirly na style. Bahala na si batman.

Bandang alas onse, naligo na ako at nagbihis. Isang floral dress na hanggang tuhod ang isinuot ko at doll shoes. Nagwisik ako ng konting pabango. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko.

Sumakay na ako sa taxi at nagmamadaling pumasok sa restaurant na pagkikitaan namin. Pagdating ko dun ay agad kong nakita ang mesa namin dahil nandun na siya at nakangiting naghihintay sa akin.

Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Talaga ngang nahulog na ako sa kanya. Ewan ko pero parang ang saya lang talaga kapag kasama ko siya. Parang kompleto na talaga ang mundo ko. Mahiwaga nga talaga ang pag-ibig. Hindi ko inakalang makakaramdam ako ng ganito. Yung sobrang espesyal ka para sa isang tao.

Hays..

Sana talaga forever na ito.

Ipinaghila niya ako ng upuan at tsaka kami umorder. Habang naghihintay ng pagkain ay bigla akong naconscious sa klase ng tinging ipinupukol niya sa akin. Parang biglang nag-init ang mukha ko kaya hindi ko napigilang magsalita.

"Uhmm, is something wrong? Hindi ba bagay sa akin?"

He just chuckled and looked at me intently as he held my hand.

I felt my heart skipped a beat with such gesture. He really has this effect on me.

"Kapag ba tiningnan kita ng ganun, ibig sabihin may mali na sa'yo? I was looking at you because I am amazed by how beautiful you can be in that simple dress. You've put a spell on me babe and I just can't take my eyes off you."

Oh my. Those were the sweetest words I ever heard from him. So far.

Nginitian ko na lang siya para itago ang kilig ko kahit na sa totoo lang ay parang gusto kong maglupasay sa kilig.

Level up na talaga tong nararamdaman ko. At level up na rin tong relationship namin. I knew it. My heart knows it.

------------------------------------------------------

Nasa kalagitnaan kami nang masayang pagkain nang bigla siyang napalingon sa bagong dating na mag-asawang nag-uusap. Nakita ko pang nahigit niya ang kanyang hininga nang humarap sa amin ang mag asawa at ganun na rin ang gulat ko nang magsalita ang babae.

"Oh son, you're here. And you've got a date."

Parang gusto kong lamunin ng lupa nung tingnan niya ako. Pero hindi naman yung tipong mataray kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Oh what a lovely woman. Won't you introduce her to me?"

Parang noon pa lang siya nakabawi sa pagkagulat at agad siyang tumayo kaya tumayo na rin ako.

"Mom, Dad, this is Sydney, my girlfriend. Sky, these are my parents."

"It's nice to meet you po. "

"You too hija. You can call me Mama Chesca. This is my husband, call him Papa Marco. I always dreamt to have a daughter. Mabuti naman at may naipakilala na rin tong anak natin."

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now