Chapter 25: Realizations

275 29 27
                                    

Sydney's POV

I'm smiling a lot lately. Siguro kasi wala na akong hihilingin pa for now. I only want what's best for my son. I just want him to be happy. At masaya ako kasi masaya na siya ngayon. Siguro nga iba talaga ang saya na dala ng pagkakaroon ng kompletong pamilya. Well, hindi naman kami official na pamilya kasi hindi rin naman kami nagkabalikan ni Justin pero atleast ngayon, Marco has someone to call Dad. Kagaya nga ng sabi ni Dad, set aside muna namin ni Justin ang problema namin at magfocus sa anak namin.

These past few days, he actually seems inspired. I'm actually glad I gave him a chance to be with his son. It somehow has brought something positive in him.

Katatapos lang ng isang klase namin at vacant ngayon. As usual, tambay muna ako sa library para mag-aral at gumawa ng mga assignments ko. Para pag-uwi ko mamaya, bebe time naman ako. And speaking of bebe time, simula nung ipinakilala ko na si Justin kay Marco ay palagi na siyang nasa bahay. Usually pagkatapos nang klase ay pumupunta siya doon para makabonding ang anak namin. Kadalasan rin na dinadalhan niya si Marco ng pasalubong like snacks na Jollibee or Mcdo, minsan naman toys. Tuwang-tuwa naman ang anak namin everytime na darating siya. Palagi na silang nagsasama. Lagi silang naghahabulan at sinasamahan niya rin si Marco na maglaro ng mga robot nito. Nakakaselos nga lang minsan kasi feeling ko inaagaw niya ang atensyon ng baby ko. Pero syempre, kinakalma ko din ang sarili ko. Kasi siguro, bumabawi lang talaga siya sa anak niya. At mabye ganun din si Marco. In the past four years, he has not met his dad. Kaya siguro ganoon din ito ka clingy kay Justin. Dito na nga rin siya naghahapunan palagi kasi ayaw naman siya agad paalisin ni Marco.

He is also learning how to take care of our son. Minsan siya na ang nag-aasikaso kay Marco sa pagpapakain, paglilinis ng katawan ng anak namin at pati na sa pagtotoothbrush. Siya na rin palagi ang hinihiling ni Marco na magbasa ng bedtime stories niya. Kahit papano, pabor rin naman sa akin kasi nakakapag-aral ako kahit sa bahay. Yun nga lang, minsan naaawa rin ako kay Justin kasi baka hindi na siya nakakapag-aral dahil palagi siyang nasa bahay. I even told him na hindi naman kailangan na everyday siya pumunta sa bahay. Sabi ko sa kanya na pumunta na lang siya kung may free time siya kasi nakakahiya naman kung bumagsak siya dahil sa amin diba? But he just smiled at me and said na ok lang daw at nakakapag-aral naman daw siya.

I smiled to myself when I think of how he really changed. Iba sa Justin na kilala ko noon. Ngayon nagmature na rin siya.

"Hmm, dati kapag nakikita kita nakabusangot ang mukha mo. Ngayon naman nangingiti ka nang mag-isa? Hala, nababaliw ka na ba?"

Napabalik ako sa katinuan nang magsalita si Jordan na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa harapan ko.

"Sorry naman. Masaya lang ako."

"Buti naman at masaya ka na ngayon. Mas bagay kasi sayo ang nakangiti. Mas lalo kang gumaganda."

I felt weird. Namula ang mukha ko. This isn't the first time that someone has complimented me pero si Jordan kasi to eh. Yung friend ko na puno ng kalokohan. Napansin ko lang, bakit parang seryoso siya ngayon?

"Bolero ka talaga. Wala akong piso dito."

I said then laughed to hide the awkwardness I felt.

"Tss. Hindi naman kita binobola eh. Maganda ka naman talaga. Ever since the first time I met you, napansin ko na talaga ang ganda mo. Kaya lang suplada ka naman. At ang lungkot ng mata mo. Di ba sabi ko sayo noon parang napakamysterious ng mga mata mo. Parang may itinatago. But looking at you now, you really look happy. Bagay sayo."

I was speechless for a moment. He was my friend. We had great moments together. Hindi ko alam na observant pala siya. Hindi ko alam na napapansin pala niya ang mga bagay na pilit kong tinatago.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveWhere stories live. Discover now