Chapter 22: A Father's Love

339 32 35
                                    

Sydney's POV

Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit na hindi naman na kami masyadong nag ikot sa mall kanina. Nasira tuloy ang plano ko para sa amin ng baby ko dahil kay Justin. Hayyss. Kung alam ko lang na magkikita kami doon baka hindi na lang rin ako nagpunta. Masyadong preoccupied ang isip ko sa nangyari kanina. Sa pagkawala ni Marco pati na rin sa unexpected na pagkikita nila ng ama niya. And to think na wala man lang siyang idea na yung taong kaharap niya na pala ang tatay niya. Ano na ba ang dapat kong gawin? Dapat ba ipakilala ko na sila sa isa't isa? Pero hindi naman ako sigurado kung ano ba talaga ang intensyon ni Justin kay Marco eh. Baka kasi masyado lang siyang na-ooverwhelm na malaman na may anak na kami kaya gusto niya itong makilala. Tapos pagdating ng panahon, iiwan niya rin ang anak namin. Yun ang kinakatakot ko sa lahat. Gusto ko lang naman na hindi masaktan ang anak ko, ok lang naman yun di ba?

Dala siguro nang sobrang pagod kaya nakatulog si Marco sa biyahe. Agad ko siyang binuhat at dinala sa kwarto para makatulog siya nang maayos. Dinala naman ni Yaya ang mga pinamili namin sa kusina at iniayos. Umupo ako sa tabi ng anak ko at hinaplos-haplos ang mukha niya. Hindi talaga maipagkakaila na magkamukha sila ni Justin. Kahit sinong makakita sa kanila ay siguradong iisipin na mag ama sila. Kahit na ba bata pa si Marco at maliit pa pero unti-unti nang lumalabas ang features ng ama niya sa kanya.

I kept on thinking about Justin. How could he simply think Marco was his son even without my confirmation? It was so easy for him to ask about Marco's paternity, like he really knew it from the start. Sa totoo lang, wala akong naramdamang pag-aalinlangan sa kanya nang tanungin niya ako kung siya ba ang ama ni Marco.

"How would you feel if I introduce you to your dad? Huh? Will you really be happy baby? Will you still love mommy?" I asked my son as if he's going to answer. Natawa na lang din ako sa ginagawa ko. Paano naman siya sasagot eh tulog nga siya di ba?

I wanted to clear my head. I can't think of something rational. My mind is in complete chaos. I wanted to let it all out. Feeling ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip sa mga nangyayayari sa buhay ko.

Bumaba ako sa sala at nakita ko si Dad na nagbabasa ng dyaryo. Naisip kong kausapin siya tungkol sa problema ko lalo na at ang pamilya ko pa lang naman ang nakakaalam tungkol kay Marco. At ngayon kasama na si Justin. Wala akong mapaglalabasan ng saloobin ko sa ngayon maliban sa ama ko.

Umupo ako sa tabi ni Dad. Kaagad niyang ibinaba ang binabasa niya ng maramdaman niya ang presensya ko sa tabi niya. Inayos niya ang eyeglass niya at tumingin sa akin nang nakataas ang kanyang mga kilay. Tila nagtatanong kung anong problema o kung may gusto ba akong sabihin. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at kinakabahang nagsalita.

"Uhm, Dad. Can I ask for advice?"

"Is it about Marco?"

"Yes, Dad. Kanina kasi, bago kami umalis, he asked if he could spend a day with his Dad too?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Dad pero hindi pa rin siya nagsasalita. He looked at me like he was telling me to go on with my story.

"And then, kanina sa mall Dad, muntik nang mawala si Marco. I was at the CR, iniwan ko siya sandali kay Yaya pero bigla siyang nabitawan ni Yaya. At yun nga Dad. I wasn't expecting to see him there. Pero he was holding Marco. He bought him an ice cream. Dad, I don't know what to do."

I was tearing up while I was talking to Dad. Naiisip ko na naman kasi na muntik nang mawala ang anak ko. At mababaliw ako kung hindi ko siya nakita. Baka hindi ko kayanin dahil siya na ang naging buhay ko. Sa kanya ko na ibinuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal ko. Siya ang rason kung bakit andito pa rin ako ngayon. Siya ang naging sandigan ko at naging source of strength ko noong mga panahong sobrang down ako at parang pinagbagsakan ng mundo.

Love Fools Series #1: A Deal to Fall In LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang