WakasI frowned upon noticing a familiar name on my friend requests.
Leviticus Kile
Muntik ko na i-buga ang iniinom kong softdrink. Nasamid ako at agad na umubo-ubo para maibsan ito. My eyes broadened because of the name on the list. Sinilip ko ang profile nito kasi baka naman fan account lang.
It was a picture of a young boy who was plucking the strings of his electric guitar. It was black and white which was Kile's signature color. Sa lahat ng kabanda n'ya, siya lang ang gumagamit ng ganitong kulay. Kailan lang naman siya nagkaroon ng kulay sa Instagram. I pursed my lips, it was the picture of Philo! Kapal ng mukha mo, lodi!
I clicked accept. At agad na tumunog ang notification na may nag-message sa akin kaya naman lalong lumalim ang kunot sa aking noo.
Leviticus Kile:
hoy ano
pwede ba tayo magusap?
Iscalade Altreano:
ikaw talaga 'yan???
promise, usap lang???
Leviticus Kile:
Da fuq? (。ì _ í。)
uu, ano pa ba sa tingin mo¿¿
"Philo..." I called my love who was seating infront of me. Nilalamutak ang fries na nasa plato niya. She lifted her gaze at me and smiled. Kasama ko siya ngayon dahil wala s'yang pasok at inaya n'ya akong kumain sa labas.
"Po?"
"Biblical ba first name ni Kile?" tanong ko sa kan'ya.
She gulped, mukhang kinabahan sa aking tanong. She looked hesitant to answer.
"Opo 'yata?"
"Leviticus?" binasa ko ang pangalan ni Kile. She gradually nodded, her face contorts into confusion.
"Uh, paano mo po nalaman?"
"Someone added me," I shared. "Gano'n ang pangalan. Hindi ko alam kung si Kile ba talaga..."
Biglang umakyat ang kaba sa dibdib ko. Hindi naman siguro base sa biblical names ang labanan 'di ba? Hindi naman siguro siya dagdag points sa langit? O dagdag points kay Philomena?
Pero bakit naman ako kakabahan, halos girlfriend ko naman na si Philomena?
My phone vibrated, I received another message from the same account.
Leviticus Kile:
don't worry, i have no ties with her parents.
My heart thudded against my chest. Her parents were immensely worried that she was kidnapped or something bad happened to her. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na alam ko na kung nasaan si Philo. Philo is a rational person; most of the time, she doesn't create decisions based only on her whims. Kaya naman nakakapagtaka na bigla siyang maglalayas. Until now, hindi n'ya sinasabi sa akin kung bakit pinili n'yang umalis na lamang sa bahay nila. She still clearly loves them.
Iscalade Altreano:
sige sige. 😔 ano ba 'yon, lodi?
As I entered those words. Bigla akong tinubuan ng hiya. Did I just? Fuck. Nakakahiya nga! Pero imbis na bawiin ko ay pinanindigan ko na lang.
Iscalade changed Leviticus Kile to Ang Tanging Lodi Ko

YOU ARE READING
Pursuing Our Freedom| ✓
Teen Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBxWattpad] seniors series #3 A Senior Highschool series. complete [unedited] We are expected to be filial to the ones who brought us into this world. Pero hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging mabuting anak? Philom...