Chapter 25

126 2 0
                                    

-Lucky-

Nakaupo kaming Powerpuff Cleaners dito sa sofa sa bahay namin ni Wifey.Nagsisikuhan ang mga tukmol kaya nasiko ako ni Treck at nahulog ako sa sofa.

Tangina.

Tumingin naman ako kay Wifey at nag puppy eyes.Inirapan lang ako.huhu

"Ano na? Kanina pa ako naghihintay ng explanations niyo." nakataas pa ang kilay niya habang nagsasalita.Mukha siyang nanay nina Henley.Oo,nanay lang nina Henley kasi asawa ko siya.hehe

"Nako mars,nabalitaan mo ba yung nangyari kahapon? Oo,pinalayas daw ni Marciana yung anak niya kasi buntis daw.tsk.tsk."- Reel

Anong pinagsasabi nito? Nakadekwatro pa yung mga binti niya at umiiling-iling pa na sabi ni Reel.

Pero sino yung Marciana? Wala naman kaming kakilala na Marciana eh. Saan niya naman narinig yung chismis? Eh busy kami kahapon sa pagplano eh.

"Huwag mong ibahin yung topic,lintek ka. Ihahagis talaga kita sa labas." sinamaan naman siya ng tingin ni Wifey.

Napakamot nalang sa noo si Reel tsaka tumahimik.Mukhang wala kaming lusot huhu. Nakaramdam naman ako ng apat na pares ng mata na nakatingin sa'kin. Lumingon naman ako at nakita ko na nakatingin pala silang apat sakin.

"Bakit?"

"Ikaw na ang mag-explain dzai.Ikaw kasi mastermind dito eh."-Treck

"Kasi naman wifey eh,ayaw kong mapahamak ka lalo na't obsess sayo yung panget na mukhang isa sa amoeba boys na kalaban ng powerpuff girls.Kaya naisipan ko na ganto.hehehe"

"Putangina niyo ba't kayo nakaganyan na costume pwede naman magsumbong kayo sa pulis eh."

Natahimik naman kami ng tukmol.Sabagay,may point naman si Wifey.Gumastos pa kami sa costume.huhuhuhu

Nagulat kami ng biglang tumayo si Wifey na parang may naalala.Biglang nandilim ang aura niya na parang may sasakalin.Halaaaaa

"PUTANGINA NIYO SINO YUNG KUMUHA NG VINES SA PINTO NG BAHAY HAAAAA?! SINO YUNG NAGDALA DITO ANG MAHAL MAHAL NUNNN GINAWA NIYO LANG PANTALI PWEDE NAMAN KAYONG BUMILI NG LUBID NA TIG 20 PER METERRRR!!"

Lagot(╥﹏╥)

May malakas na hangin ang dumaan sa harap ko at nung tiningnan ko na,yung mga tukmol pala nagsitakbuhan palabas.huhuhu

Mga punyeta kayo iniwan niyo ko dito sa lioness *nagwalling-walling*

Tiningnan ko naman si Wifey at parang may usok na nalabas sa tenga at ilong niya.Mukha siyang toro.Deh joke lang.Tumayo naman ako saka lumapit sa kanya.Nagtataka niya akong tiningnan.

"Forda galit naman itong ferson,Wifey naman di naman namin faulters pagkuha nung viners mo sa outside door eh huhuhu forda buy nalang kita ulit mas marami pa dun."

"Aisshhhh ano ba yang lenggwahe mo nababakla ka na naman eh.Tinuruan ka na naman ng mga tukmol ng ka-alienan.tsk."

Napa-pouters naman ang aking lipshiners kasi forda angry itech ferson.Choz tanginang tiktok to kung ano-ano nadaan sa FYP ko.huhu

Nagulat naman ako nung niyakap ako ni Wifey.Emeghed hehehhehehe

"Sa susunod wag mo nang uulitin yun ha.Ayaw kong mapahamak ka..." ambilis ng tibok ng heart ko gago huhuhu.



Tumango naman ako tas naglambing pa. Ehehehe. Minsan lang to eh, palagi ba namang masungit kala mo naman laging may dalaw. Naglambitin ako sa kanya kaya pinektusan ako sa ulo. Masakit amputaaa. Huhu wala talagang awa.





"Tanginamo makalambitin ka sa'kin kala mo ang gaan-gaan. Mas matangkad ka saking hayop ka, di kita kayang buhatin."



"Sorry na Wifeyyyy. Naglalambing lang naman ako eh.*pout*"




"Aisshhhh. Ayan ka na naman sa pout-pout mo. Mukha kang pato. Tsk."




Bumitiw naman ako sa pagkakayakap sa kanya saka umupo sa sofa. Kinuha ko yung throw pillow saka niyakap at nagkunwaring umiiyak. Niyuyugyog ko lang balikat ko para kapani-paniwala. Hehehehe. Naramdaman kong lumapit siya sakin at tumabi.




"Oo na cute kana. Tangina ka talaga. Mas maarte kapa sa'kin. Parang ikaw pa yung babae sa'ting dalawa ah."




"Talaga cute ako? Kiss mo nga ako kung cute ako.*puppy eyes*" Joke lang baka batukan ako. Huhu. Hala ka uyy, lumapit yung mukha niya saka ako hinalikan sa pisngi. Hala siya oh.

HALLLAAAAAAAAAAA⊙⁠.⁠☉


Napahawak naman ako sa pisngi ko saka napatingin sa kanya. Halaaaaaa hinalikan ako sa pisngi!!!





Tumayo ako saka tumalon-talon sa sofa tas nagbackflip sabay tumbling at gumulong-gulong. Joke only. Tumalon-talon lang ako. Diko kaya yung backflip at tumbling. Tumayo naman siya habang nailing. Wala na. Parang abnoy na naman ako sa paningin niya. Hmpp. Atleast pogi. Ehehehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon