Chapter 11

106 5 0
                                    

-Ice's POV-


Napasimangot ako nung maalala ko kung ano na naman ang ginawa nung tukmol kagabi -_-


Mahilig talaga ang isang yun magnakaw, magnakaw ng halik sa pisngi.Parang bata talaga,pwede niya naman akong tanungin kung pwede,papayag naman ako.Oh oh ano na naman ang iniisip niyo ha,syempre ikakasal naman kami kaya hindi na ako dapat mag-iinarte *roll eyes*



Kaya bumangon na ako sa kama ko bago pumunta ng banyo para maligo.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng simpleng jeans lang at black na tshirt tsaka black and white na vans.Bumaba na ako at nag-almusal.Si Mommy at Daddy tulog pa siguro,mga takaw sa tulog ang mga yun eh,lalong lalo na si Mommy.


Sunny side up,mac and cheese,lasagna,pancake at low fat milk.Seriously? Umagahan bato? Kumuha nalang ako ng pancake at gatas.Nilagyan ko yun ng chocolate syrup at voila.Umagahan na-_-

Pagkatapos kong kumain ay nagsipilyo na ako at umalis ng bahay,pero bago pa ako makasakay sa kotse ay tinawag ako ni Mommy.



"Baby ko,eto pala ang allowance mo for one week.Muntik ko ng makalimutan."-Mommy



Sabay abot sakin ng 20,000.Tangina,ba't ang laki naman ata? Humalik naman siya sa pisngi ko at umalis na ako.Ilalagay ko nalang sa savings ko ang 10,000.

Mabuti ng may savings para may makuha naman ako kapag may gusto akong bilhin,hindi hingi lang ng hingi kina Mommy.

Nang makarating ako sa University ay dumiretso muna ako sa field,sa field kung saan nabugbog yung bansot.Umupo ako sa bench at sinaksak yung headphones ko at nakinig ng music.

Pumikit muna ako sandali at dinamdam ang hangin na tumatama sa aking balat.Kaunti palang ang mga estudyante dahil maaga pa naman.Napakunot naman ang noo ko ng may mga kamay na tumakip sa aking mga mata.

Napasimangot nalang ako ng may marinig akong hagikgik ng daga,daga na kapag nahuli ko papaluin ko ng kahoy.Nagmo-moment ako dito eh,istorbo amputa.


"Hulaan mo kung sino to.hihihihi."


"Sa amoy palang ng perfume mo,sa boses mo at sa pagtawa mo alam na alam ko kung sino ka,ibaba mo na ang kamay mo bansot."

"Hehehe,Wifey talaga,kilalang-kilala mo na'ko,mahal na mahal mo talaga ako.hihihi."-bansot



Napa-irap nalang ako.Para talagang bata kung umasta.Hinawakan ko nalang ang kamay niya at binaba yun.Pumunta naman siya sa harapan ko at nagbeautiful eyes.Ano na naman ang kailangan nito?


Biglang nag-ingay ang tiyan niya.Hindi pa ba to kumain ng umagahan? Tsk.Napanguso naman siya ng makita ang matatalim ko na tingin sa kanya.Hmmmm..



Napairap nalang ako at hinila siya papuntang cafeteria.Medyo marami-rami ang estudyante dito na nag-aalmusal.Umupo kami malapit sa bintana.


Bumili naman ako ng hot choco at berry pancake para sa bansot, iced coffee at crossaint naman para sakin.Kahit nag-almusal na ako,kakain na lang ako ulit.Medyo ginutom kasi...ako.


Bumalik ako sa pwesto namin bitbit ang tray ng pagkain ng may biglang humarang saking lola.Yung malandot na napagkamalang lola ni Henley kuno.


Napataas ang kilay ko ng tiningnan niya ako mula hanggang paa.Ngumiwe naman siya na parang nandidiri sakin.Seriously? tsk.



Pinahawakan niya naman sa mga alipores niya ang kanyang shoulder bag at tumingin ulit sakin.Lumibot libot siya sakin at tumigil ulit sa harapan ko.Tangina.Parang nahilo ako dun ah.Napatingin naman sa gawi namin ang ibang estudyante ng magsalita siya.



"Ikaw yung rumored 'asawa' ng honey ko right? Well,dahil na-timingan kita ngayon,lagot ka sakin." sabi nung clown fish na nasa harapan ko.



"Wow.Manginginig na ba ako sa takot? huhuhuhuhu..nye nye nye." namumula na siya,ibig sabihin unti-unti na siyang naiinis sakin.Tangina mo.Ako pa yung tatakutin mo.



"Gusto mo bang masaktan ha? Kung ayaw mong maging impyerno yung pag-aaral mo dito,lubayan mo na ang honey ko!" aba tinaasan pa ako ng boses.At ano? ako pa ang masasaktan.Dumapo lang mga palad nito sakin ospital bagsak nito.*irap*



"Kung ayaw mo ring ma-ospital umalis ka sa harapan ko.Dahil yung 'asawa' ko,gutom na.Hindi pa yun nag-aalmusal.tsk."




"Ako pa ang mao-ospital--" hindi ko na siya pinatapos at tinulak ko nalang.Kanina pa nakatingin sakin yung bansot habang nakahawak sa tiyan.Gutom na gutom na nga.tsk.




"Haharang-harang kasi sa daanan eh.Para kang ligaw na damo.*irap*" inis na tumayo naman siya habang nagdadabog.Nilagay ko naman sa malapit na mesa ang tray na dala ko.




Hahablutin niya sana yung buhok ko pero,sorry nalang siya.Bago pa niya mahawakan ang dulo ng buhok ko,sinampal ko na.Pasalamat siya at sampal lang ang inabot niya at hindi suntok.



Hinawakan niya ang namumula niyang pisngi at nilingon ang mga alipores niya.Bigla silang lumapit sakin at hinawakan ang mga braso ko.Wow.May back-up ah.tsk.



Winaksi ko silang dalawa kaya napabitaw sila sakin.Sinampal ko na rin para matauhan.Nagulat ako ng may sumabunot na sakin.Tangina.Tamad pa naman akong  magsuklay. Hayyyyssssss.... -_-




Feel na feel pa talaga ang pagsabunot sa maganda kong buhok.Hinawakan ko din ang buhok niya at hinila yun ng malakas.Yung parang matatanggal pati anit niya.Napabitaw siya sa buhok ko kaya siya na ang sinasabunutan ko.Napa-upo na siya dahil sa sakit.Hinila ko yung ulo niya paharap sakin.



"Sa susunod na hahawakan mo ang buhok ko.Kakalbuhin na kita,naiintindihan mo?!" napatango naman siya kaya binitawan ko na ang buhok niya at pinagpag ang uniform ko.





Tiningnan ko naman ang mga estudyanteng nakatingin sa gawi namin at pinandilatan ko ng mata kaya napa-iwas sila ng tingin. Kinuha ko na ang tray ng pagkain namin ni bansot at bumalik sa pwesto namin.



Nilagay ko na ang tray sa mesa at hinain yung hot choco at pancakes sa bansot na parang mamamatay na sa gutom.Umupo naman ako sa upuan na nasa harap niya at kumain din.




Kita mo ang gulo pa kumain.Kumuha ako ng tissue at pinahidan ang syrup na nasa gilid ng baba niya.Napanguso naman siya at uminom ng hot choco niya na hindi na hot dahil may humarang pa na dumi sa daan ko kanina.




Tinapos na namin ang pagkain at nagpahinga muna saglit.Maya maya ay tumayo na ako at ganon din siya.Lumabas na akmi ng cafeteria at lumakad papuntang classroom.Umagang-umaga pa lang parang pagod na pagod na ako ha.Kasalanan kasi ng clown fish na yun.

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now