Chapter 22

53 4 0
                                    

-Ice's POV-

Gabi na ng magising ako mula sa pagkakatulog.Bumaba naman ako para maghanda ng hapunan namin ni bansot.

Ang tahimik ng paligid,hindi ako sanay na walang may sumasalubong sakin sa baba ng hagdan habang nakangiti at may hawak hawak na sandok.Hayysssss.

Dumiretso ako ng ref at binuksan yun para uminom ng tubig.Pagkasara ko ng ref ay may nakita akong sticky note na may nakasulat na 'sorry' at galing yun kay bansot.Bakit siya nagso-sorry?

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para kunin ang aking cellphone.Agad kong dinial ang number niya at ring lang ito ng ring.Mayamaya pa ay out of reach na ito.Tangina saan ba kasi siya nagsusuot?!

Teka..nilagyan ko ng GPS yung sasakyan niya eh.Trinack ko naman yun at nasa..BAR?! Putangina anong ginagawa niya dun?!

Kinuha ko an susi ng sasakyan ko at nagdrive paalis.Tiningnan ko ang GPS at nakita ko na gumagalaw ang red arrow at pumunta ito sa isa pang bar.

Aba...aba..nagba-bar hopping ba sila? Sigurado akong kasama niya yung mga tukmol.Lagot sila sakin -_-+

Pagdating ko sa bar na kinaroroonan nila ay may malaking pangalan ng Insanely na umiilaw-ilaw pa sa ibabaw.Pagpasok ko ay usok ng sigarilyo at amoy ng alak ang aking nalalanghap.

Nakita ko naman siya na tumungga ng margarita at akmang isusuka ito pero tinakpan ni Henley ang baba niya.Mangiyak-ngiyak niya namang nilunok yun.Makakatikim talaga ng kutos sakin tong mga to.

Tumayo naman sina Reel,Henley at Treck,nakatalikod sila sa pwesto ko habang binibigyan nila ng sunod-sunod na shot si bansot. Naiiyak naman na tinatanggap ni bansot yung alak.Lumapit naman ako sa kanila at rinig ko na ang mga pinagsasabi nung mga tukmol.

"Shat! para sa pusong wasak!"-Henley

"Margarita para kay Lucky na ngumangawa!"-Treck

"Isa pa!"-Reel

Kaagad kong pinagbabatukan yung tatlo.Kamot kamot naman nila ang kanilang ulo habang nilingon ako.Gulat ang nakarehistro sa kanilang mga mukha.

Gusto ko ngang matawa eh,para silang mga kwago na malalaki ang mata.Tiningnan ko naman si bansot at may tuyong luha na bakat sa kanyang mga pisngi.

"Hindi ito maari...paanong.."-Treck

Napahawak naman siya sa bar counter habang sinasabi yun.Ano na naman ang naisip na walangkahiyaan ng mga to?-_-

"Paano niya tayo natunton?...paano..?!"-Reel

Sabay takip sa kanyang baba habang kunwaring nanghihina pa na paupo sa sahig.

"Kailangan na nating tumakas..wala na tayong oras!"-Henley

Akmang babatukan ko sila ulit at mabilis naman silang nagtago sa likod ni bansot kaya sinamaan ko nalang sila ng tingin.May araw din kayo sakin mga tukmol na to.Hinarap ko naman si bansot at lumapit ako sa kanya.Nakayuko lang siya sa kanyang kinauupuan.



"Lucky.."

Hindi pa din siya humaharap sakin.

"Bansot.."

Nakita ko naman na napanguso siya.Napabuntong hininga nalang ako at pumwesto sa likod niya.


"Hubby.."

Napaayos naman siya ng upo dahil sa bigla kong pagbackhug sa kanya.

"Hubby uwi na tayo..please..."

Hindi niya parin ako nililingon.Mukhang tampo na tampo talaga sakin to.Bwiset kasing stalker na yun eh. Rinig na rinig ko naman ang usapan ng mga tukmol sa gilid namin.Nakuha pa talaga nilang magchismis -_-


"Pustahan tayo,bibigay yang si Lucky."-Treck

"Hindi na natin kailangang magpustahan dahil alam naman natin na marupok yan."-Henley

"Correction.'Marupokpok' yan.Duhhh"-Reel

Napa-ikot nalang ang mga mata ko dahil sa pinag-uusapan ng mga tukmol.Binalik ko nalang ang atensyon ko sa bansot na nagtatampo.Matinding suyuan talaga to.Ako na naman ang susuyo sa kanya,bakit lalaki lang ba ang may karapatan na sumuyo? -_-+


"Mukhang hindi ka madadaan sa usapan kaya no choice na ako kundi.."


Nagulat naman siya ng buhatin ko siya ng bridal style,pucha ambigat niya.Siguro dahil sa tangkad niya at dahil na rin well-toned ang mga muscles niya.

Napanganga naman ang mga tukmol habang tinitingnan akong buhat buhat si bansot habang papalabas ng bar.Rinig ko pa ang mga sigaw nila.


"WAG MONG GAWIN YAN ICE,HINDI PA SIYA READY!!!"-Reel


"MAAWA KA SA KAIBIGAN NAMIN,WALA SIYANG KALABAN-LABAN!!!"-Treck

"HUWAG MO SIYANG PAGSAMANTALAHAN DAHIL LAMANG NAKA-INOM SIYA!!!"-Henley

Wow.Parang walang taong nakakarinig ah.Grabe makasigaw tong mga to,parang re-rapin ko naman ang bansot nato,hellowwww,dadalhin ko lang pauwi.


Nilingon ko naman sila at nag sign ng middle finger sa kanila.Dumila pa ako ng paasar sa kanila.

Nang makarating kami sa parking lot ay dumiretso kaagad ako sa aking kotse,nilagay ko naman siya sa may passenger seat at nilagyan din ng seatbelt.Sumakay naman ako sa driver at nagdrive na pauwi sa aming bahay.

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now