Chapter 13

86 6 0
                                    

-Lucky's POV-

Kinakabahan ako.Malapit na pala ang kasal namin ni Wifey,sa makalawa na! Kaya sino ba ang hindi kakabahan ha? In-invite na rin namin ang mga kaklase namin tsaka ang iba pang kakilala namin.Invited din ang mga business partners nina Mom at Dad.


Ready na din yung mga susuotin ng mga Maid of honor,Bride's maid,Bestman,Groom's Men,Ring bearer at Flower girls.


Yung Bestman ko ay si Reel,gusto ko sana tatlo sila eh,pero hindi pwede.Kaya ang tatlo,nagbato-bato pick nalang.Nanalo si Reel dahil lamang siya ng dalawang puntos.




"Oh bakit parang halaman ka na nalanta diyan?"





Nagulat ako nung may nagsalita sa gilid ko.NUng nilingon ko ito ay si Wifey pala.Umupo naman siya sa tabi ko at sinuri ang ekspresyon sa aking mukha.




"Pangit ba ako kapag sumimangot ako Wifey?"


"Oo."


"Eh kapag naka-pout ako?"



"Oo."


"Eh kapag galit ako?" Nilingon niya naman ako na parang may masama akong sinabi.


"Kelan kapa ba nagalit?" Kelan ako nagalit? Nagalit na ba ako? Bakit hindi ko alam?



"Tsk."




Napasimangot na lang ako.Ewan ko ba't parang wala ako sa mood.Dahil ba sa kaba ko? Ehhhhhh



Walang may nagsasalita ni-isa sa amin.Tahimik lang ang paligid.Ninanamnam lang namin ang masarap na simoy ng hangin dito sa likod ng bahay nila.Marami kasing bulaklak na tanim ni tita dito eh.



Nilingon ko si Wifey at sumandal ako sa balikat niya.Wala naman akong ginawa kanina kundi manood ng bato-bato pick ng mga tukmol pero bakit parang pagod ako.Hayyyy T.T



Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko na hinahagod ni Wifey ang buhok ko.Parang makakatulog ako nito ah.hihihihihi Parang nalaglag naman ang puso ko nung maramdaman kong umalis siya sa pagkaka-upo at tuluyan akong sumubsob don sa damuhan nila.Ginawa pa talaga akong kambing.



Tumayo naman ako mula sa pagkakasubsob sa damuhan at simangot na nilingon siya.Nahuli ko naman siyang tumatawa ng mahina.




Isa itong himala.





Kung pagkakasubsob ko lang naman pala ang makakapagpatawa sa kanya ay sana noon ko pa ginawa.Himala kasing tumawa siya,parang may bayad yung bawat syllable ng pagtawa.Tumigil naman siya sa pagtawa at tumikhim saka tumalikod.



"Oh,hindi ka susunod sakin? Bahala kang magutom diyan."



Dali-dali naman akong sumunod sa kanya.Igagawa niya ba ako ng makakain?



Awwww..ang sweet naman ni Wifey *v*



Nang makarating kami sa kusina nila ay umupo ako sa high stool bar nila at tiningnan siyang gumawa ng clubhouse sandwich.Gumawa din siya ng strawberry milkshake para sa aming dalawa.



Nilagay niya naman sa harap ko ang clubhouse sandwich na gawa niya.Nilantakan ko naman kaagad yun at uminom ako ng milkshake.





UwU ang sarap *v*





Napadighay nalang ako pagkatapos kong kumain.




"Kinakabahan ka sa kasal."




"EH KASI WIFEY PANO KAPAG NALIMUTAN KO ANG GAGAWIN KO?! KAPAG NADULAS AKO KUNDI KAYA AY MAPAIHI SA KABA? WIFEY KASI EHHH--ARAY! ARAY! WIFEY NAMAN EHH ARAY! huhuhuhuhu"


Napahawak ako sa tenga ko dahil piningot niya ng ubod ng sakit.Parang matatanggal tenga ko dun ah.huhuhuhu



"Bakit ka ba kasi sumisigaw ha?! Eh magkaharap lang tayong dalawa!"-Wifey




"Sorry na kasi eh,kinakabahan lang ako.huhuhuhu..."



"Bakit ka ba kasi kinakabahan ah?"



"Baka kasi kapag nagkamali ako,iiwan mo ako dun sa altar T.T"

Yumuko naman ako pagkasabi ko nun,pagdating talaga sa kanya,tiklop ako eh. Nagulat ako nung hilahin niya ako at niyakap bigla.Nasa Kdrama ba kami? Para kaming nasa KDrama eh.Pero diba ako dapat ang hihila at yayakap sa kanya? Ba't baliktad naman ata.





"Hindi kita iiwan,kaya huwag kang kabahan."

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now