Chapter 10

126 5 0
                                    

-Lucky's POV-


Matapos kong magsukat ng susuotin ko para sa kasal namin ni Wifey,dumiretso na ako sa Bittersweet cafe,dun kasi kami magkikita ni Wifey.Kinikilig din ako dahil malapit na kaming ikasal,which means magiging legal ko na talaga siyang asawa *v*


Um-order ako ng Black coffee para sa kanya at Caramel Iced Coffee naman sa'kin. Um-order narin ako ng Choco cake para saming dalawa.Tiningnan ko kung anong oras na at masyado yata akong napaaga.Umupo nalang ako dun at hinintay siya at ang order ko para sa'min.




Saktong dumating na ang order ko ay ang pagdating din niya.Ang ganda ganda niya talaga kahit simpleng damit lang ang suot niya.Tulala lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa nakarating siya sa pwesto ko.Umupo siya sa harapan ko.Nakakunot noo naman siyang tumingin sakin.



"Wifey oh,black coffee.*smiles*"



Inusod ko palapit sa kanya ang kape na umuusok-usok pa.Kinuha niya naman yun at tinikman.Kinuha ko rin ang kape ko at ininom yun.Whoaaaaa brain freezeeeeeeeee..



Ice coffee nga pala ang in-order ko.hehehehehe.Subukan ko kaya sa kanya yung pick-up line na napanood ko sa facebook? hehehehehehe



"Alam mo Wifey,para akong black coffee."




"Ahh,dahil kasing itim mo?-o-"-Wifey



Napasimangot naman ako sa sinabi niya.Panira ng pick-up line eh.-_-





"Hindi.Patapusin mo kasi ako.Diba matapang yang Black coffee?"



Tumaas naman ang kilay niya kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko.




"Para akong kapeng matapang,kapeng matapang na kaya kang ipaglaban.*extreme ultra shiny smile*"




Nakatingin lang siya sakin na parang hindi ako naintindihan.Kunot noo lang siyang tumitig sakin at binalik ng tingin niya sa kape at sumimsim dito.Parang nakakarinig naman ako ng kuliglig. Taena.Walang epek.Hindi benta sa kanya ang pick-up line ko.*simangot*




Tahimik lang na umiinom ng kape si Wifey habang kumakain din ng Choco cake.Napatingin kami sa kabilang table nung makarinig kami ng malutong na sampal.




"WALANGHIYA KA! BAKIT MO KO NAGAWANG LOKOHIN HA?! ANG KAPAL KAPAL NG MUKHA NIYO!!!"


Napangiwi naman ako nung tuhudin ng babae ang birdie nung boyfriend niya.Ramdam ko din ang sakit nung sinipa yun ah.May guwardiyang lumapit sa kanila at hinila sila palabas.


May babae ding kasing edad lang namin ang nakatayo sa gilid ng cashier.Kinausap niya ang dalawang guards,hindi naman namin marinig. Napatingin naman ako kay Wifey.Tumingin din siya sa akin at ngumisi bago nagsalita.



"Ikaw.Pag ako niloko mo din,hindi lang sipa ang matitikman mo sakin kundi sampal,sabunot at suntok din.Sisirain ko ang mukha mo hanggang sa hindi ka na makilala ng mga kaibigan at pamilya mo.*glare*"-Wifey




Lihim akong napa-sign of the cross.Nakakatakot naman siya.*^*




"Wifey,alam mo namang patay na patay ako sayo eh,kahit na tumingin ako sa ibang babae itsura mo lang ang nakikita ko.*pout*"




"Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo."-Wifey




Matapos kaming magkape ay umalis na kami at pumunta sa mall.Bibili kami ng engagement ring at wedding ring namin.Wala naman kasi kaming engagement ring eh.Alam niyo naman na hindi niya alam na ikakasal kaming dalawa nung una kaming magkita.



Pumili kami ng engagement ring muna sa Jewelry shop nina Henley.Aba kahit na loko-loko yun bigatin din ang busines nila eh,Jewelries.


Kina Reel naman ay Hotel and Restaurants, marunong naman magluto yung gunggong na yun,kakahiya diba,isa sa business niyo restaurants tas hindi ka marunong magluto.


Kina Treck naman ay Car Company.Kaya maraming koleksyon ng mga kotse ang mokong na yun dahil advantage na ang business nilang ganon.



Napahinto ako nung napatigil si Wifey sa harap ng Rosegold colored rings.Wala siyang stones kundi plain ring lang.Maganda naman at may nakaukit na Infinity.Alam ko na ito ang gusto niya kaya sinenyasan ko ang nag-aassist na kukunin namin.




"Ma'am,Sir,ano po ang gusto niyong ipa-engrave sa ring? Pwede po bang pakisulat? Thank you po." -assistant




Tumango naman si Wifey.Matapos niyang magsulat ay bumalik siya ulit sa pagtingin-tingin ng magiging wedding ring naman namin.Nakasunod lang ako sa kanya.Awww..seryoso talaga siyang mamili ng wedding ring namin.*v*




Hanggang sa makapili na siya.May maliit na tatlong diamonds na kulay puti at gold ang kulay.Parang siya,simple at maganda. Pumunta na kami ng cashier at binayaran ang mga singsing namin.Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse.



Naka-convoy ako sa kotse niya.Kahit na hindi kami magkasama sa sasakyan ihahatid ko padin siya.Mahirap na.Pagkarating namin sa bahay nila ay bumaba ako ng kotse para ihatid siya sa pinto.




"Pasok ka na Wifey,matulog ka ng maaga ha? Para maging healthy ka.hehehehe."



"Tsk.Ikaw ang matulog ng maaga,ikaw kasi ang bata sa ating dalawa."-Wifey



Napahawak naman ako sa batok ko.Pasimple akong tumingin sa kanya at ninakawan siya ng halik sa pisngi.Tumakbo ako papuntang kotse ko at nagflying muna sa kanya bago umalis.


Nakita ko naman na parang kutsilyo siya kung makatingin. hehehehehe.. atleast naka-kiss blehhh :3

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon