Chapter 23

64 4 0
                                    

-Ice's POV-

Pumasok kami sa kwarto ko at pinaupo siya sa kama.Interrogation ang magaganap ngayon hindi interview.

"Magsalita kana.Marami kang e-eexplain sakin -_-+"

Ngumuso naman siya at mayamaya pa ay nagluluha na yung mga mata niya. Awwww ba't ang cute niya?


Ayyy dapat galit ako diba? Mamaya na ako macu-cutan sa kanya pagkatapos mag-explain.huehuehue

"KASI NAMAN WIFEY NAGTATAMPO AKO SA'YO DAHIL MAY BOYFRIEND KA NA NAGTEXT NG 'I MISS YOU' SA'YO! *sob* TAPOS NAKITA KO PA KAYONG NAGDATE SA MALL! HUHUHU.KAYA SUMAMA AKO KINA REEL MAGBAR HOPPING PARA FEEL KO TALAGA NA BROKENHEARTED AKO!"

Sinamaan ko siya ng tingin saka binatukan.Napahawak naman siya sa ulo niya saka ngumawa ng mas malakas pa.Potangina.Baka dahil sa ngawa niya magising yung mga kapitbahay namin dito.Hindi man lang ako pinag-explain kung di ba naman ta-tanga tanga to -_-+

"KITA MO NA HINDI MO TALAGA AKO MAHAL DAHIL SINASAKTAN MO NA AKO.ISA NA AKONG BATTERED HUSBAND.HUHUHUHU"

Sinamaan ko ulit siya ng tingin at akmang babatukan ulit pero humilata siya sa kama saka nagpagulong-gulong.
POTANGINAAAAAA!!!

Mauuna yata ako sa pagkabaliw bago siya.Haysstttt.Humiga siya patalikod sa'kin saka ngumawa na naman.

Sa aming dalawa dapat ako ang susuyuin niya eh,pero paano naman niya ako masusuyo,ni hindi nga neto alam na nagtatampo na ako minsan sa kanya.

Niyakap ko nalang siya at hindi na nagsalita pa.Wala talaga akong laban sa isang to.Hayyysss.

"KITA MO OH! HUHUHUHUHU NIYAYAKAP MO NALANG AKO,HINDI MO NA AKO SINUSUYO! HINDI MO NA KASI AKO MAHAL!"

Bahala ka diyan,tamad ako magsalita.Hindi ako makapagsalita kahit isang sentence dahil sunod-sunod ang ngawa neto.

"ANO HA?! SPEECHLESS KA KASI TOTOO NA HINDI MO NA AKO MAHAL! HUHUHUHU PAGPAPALIT MO NA AKO SA PANGET NA YUN! WALA NA BROKENHEARTED BATTERED HUSBAND NA AKO! HUHUHUHU"

Inis na bumangon ako at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.Liningon niya naman ako at muntik na akong matawa dahil sa itsura niya.Yung mata niya wala namang luha na tumutulo tapos nakanganga pa siya.

Nagdradrama lang pala to.HAHAHAHAHHAHAHA.Kunwari na sinamaan ko siya ng tingin.Umiwas siya ng tingin sa'kin tapos biglang tumayo at nilagay pa yung kamay niya sa ulo at nagwalling-walling.




"WAAAHHHH! WALA NA TALAGANG NATITIRANG PAG-IBIG SA ATING RELASYON! HUHUHUHU"


Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa frustration.Amppppp.
Kelan ba matatapos tong drama ng isang to.Hindi pa ako nakakapag-explain.Inuna pa kasi ang drama ng isang to.Babatukan ko talaga to pag hindi to tumigil.

Napatanga naman ako ng tumigil siya sa kakangawa at tumayo ng tuwid.Kinuha niya yung cellphone niya at may binusisi dun tsaka nilagay sa harap niya.


"WAH! IT'S ME AND MY JOWA! WAH! HINDI NA NIYA KO LAB,HINDI NA NIYA AKO LAB WAH! NAGHANAP NG IBA,NAGHANAP NG IBA WAH!--"

Sa sobrang inis ko sa kanya hinila ko siya at sinabunutan na.Mild sabunot lang naman hindi yung masakit talaga na parang tanggal anit.hehe

"GEORGIA BITAWAN MO'KO AHHHHH! ROME! ROME! TULONG! SI GEORGIA SINASABUNUTAN AKO! HINDI MO MAKUKUHA SI AUSTIN SA'MIN GEORGIA! HINDIII"


"PUTANGINA MO KELAN PA AKO NAGING SI GEORGIA?! BABAE BA YUN HA?! SAGOT!"


"WAHHHH TAMA NA MISS MINCHIN! PAGOD NA AKONG MAGBALAT NG PATATAS TAPOS SASABUNUTAN MO PA AKO?!"


"KELAN NAMAN AKO NAGING SI MS. MINCHIN HA?!"

"---Ay ayaw mo ba maging si Ms. Minchin? Edi si Lavinia nalang--"


"LAVINIA?---"


"LAVINIA,LAVINIA INGGETERA-"

"SABI KO KANINA MAG-EXPLAIN KA BAKIT NAGDRAMA KAPA HA?! PAGHINDI KA TUMIGIL KUKUNIN KO YUNG MGA TINAGO MONG CHOCOLATE SA ILALIM NG KAMA. AKALA MO HINDI KO ALAM HA?!"



"*pout* sige na nga,titigil na.."


"Mabuti--"



"--basta ang chocolate ko dun wag pakialaman?"




"Oo na,oo na.Ako naman bumili nun."


"Ano yun? Di ko narinig."



"Wala wala.Umpisahan mo nang magsalita diyan." Dinilatan ko pa siya ng mata,makuha ka sa tingin bansot.





"Kasi naman wifey,nakita ko sa cellphone mo na may nag-text ng 'I miss you.' binalewala ko lang yun nung una.Akala ko kasi isa lang sa mga friends mo.Tapos nung inaya akong magshopping nung mga tukmol sumama ako."

Huminto siya sa pagsasalita kaya tinaasan ko siya ng kilay.Napanguso naman siya tsaka pinagpatuloy ang pagsasalita.



"Tapos nakita kita kasama ang isang lalaki dun sa mall.Naalala mo nung hinabol mo'ko?"


Napatango naman ako.Naalala ko yun.Grabe kayang kaba ang naabot ko dun.Akala ko maglalayas to eh. Tsk.


"Tapos wifey,inaya akong uminom ng mga tukmol kasi brokenhearted daw ako.Kaya pumayag naman ako para feel na feel ko talaga.hehe"


Napabuntong-hininga naman ako tsaka lumapit sa kanya ng kaunti. Niyakap ko siya at nilagay ang mukha ko sa mga balikat niya.


"Sa susunod bago ka magtampo,magalit at magconclude,tanungin mo muna ako.Mag-usap tayo para walang misunderstanding na magaganap,okay ba?"

Tumango naman siya tsaka pinaglaruan ang mga daliri ko.Para talagang bata kung umasta. Tsk.

"Alam mo ba kung sino yung lalaking...yun?" Umiling naman siya at binigyan ako ng nagtatakang mga tingin. Hayy.

"Siya ang dahilan bakit palipat-lipat ako ng school.Obsessed yun sa'kin at kung asan ako,nandoon siya.Palagi niyang sinasaktan ang mga lalapit sa'kin na mga kaibigan kung lalaki.Hanggang sa umalis siya ng bansa at yun ang pagkakataon kong lumipat uli ng school."

Tumayo ako at lumipat sa upuan na nasa kanyang harap.Tsaka ako nagsalita uli.

"Kung hindi ako lumipat ng school,hindi ko pa malalaman na may fiance na pala ako at ikaw yun."

Napangiti naman ako nung maalala yun.hahahahahah damn memories.

"At ngayon,bumalik na naman siya at ginugulo ako.Hindi na naman niya ako titigilan,at nag-aalala ako na baka pati kayo ng mga tukmol saktan niya. Hayy."


"Hmmmmm.. wag kang mag-alala Wifey,kami ang bahalang maglilinis ng mga tukmol diyan sa pesteng umaaligid sa'yo."

Masama ang kutob ko dito ah.Mukhang may binabalak na namang masama ang isang to.Grabe ang ngisi niya eh.Parang aso na nau-ulol. Potek.




"Mukhang matutuwa na naman ang mga kampon ni Satanas neto,meron na namang bagong training equipment na masasample-an.BWAHAHHAHAHAHA"



Hindi nga ako nagkamali,may balak talagang masama ang isang to. At sa sinasabi niyang kampon ni Satanas ay ang mga tukmol na abnormal ang pag-iisip ang tinutukoy niya.

Tumayo naman siya tsaka umikot-ikot at nagsimulang tumawa na parang nababaliw.Hinayaan ko lang siya na tumawa sa gilid.Basta ako matutulog ako.Punyeta.

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon