Chapter 8

129 5 0
                                    

-Ice's POV-

Hapon na nung makalabas si Lucky sa clinic,kaya hindi na kami nakapasok sa klase namin.Di bale,kukuha nalang kami bukas ng excuse letter. Pinatawag naman ako sa Principal's Office,tinanong ako kung sino yung nagsimula ng gulo.

Andon din yung mga shokoy na binugbog ko.Mabuti nga at napigilan ko ang pagtawa ko,eh para na kasi silang dried seaweed.Ewww.

Suspended yung mga shokoy ng 1 week,habang ako naman ay magco-community service ng 3 araw,hindi na rin masama.

Hayyyyy...nakasakay ngayon sa likod ko yung bansot.Tulog na -_-

Pota hindi ko alam kung saan yung bahay ng bansot na to.Paano ko to iuuwi? Hindi naman ako manghuhula para malaman ang address nito.

No choice na ako kundi iuwi nalang sa bahay to.May guestroom naman kami.Nung makarating ako sa parking lot sumakay na ako ng kotse.Nilagay ko sa passenger seat yung bata.

Nung makarating ako ng bahay ay inutusan ko muna yung mga maids na ayusin yung guestroom namin.Pagkatapos nun eh binuhat ko na ulit yung bansot.

Himala nga na nakaya ko siyang buhatin,ako pa.Malakas kaya ako. Hiniga ko na siya sa kama,mamaya ko na siya siguro gigisingin kapag maghahapunan na.

Napailing nalang ako.Parang bata talaga.Para siyang bola na bilog kapag natutulog. Pumunta naman ako ng kwarto ko para magbihis ng pangbahay,nilinis ko rin yung mga kalat ko.Iidlip muna ako.



-2 hours later-




-Lucky's POV-

Hmmm ang lambot lambot naman ng kama.Hihihihihi ang bango bango pa.Bagong laba siguro to ni manang.hihihihihi

Nung minulat ko yung mata ko ay napabalikwas ako bigla.Hindi ito yung kwarto ko ah,teka..nasa clinic ako kanina eh.

Nakidnap ba ako? huhuhuhuhu..hindi pa nga lami kinakasal ni Wifey eh mapapaaga pa ang paglisan ko sa mundong ibabaw T_T


Teka..pero hindi naman nakatali ang kamay ko,at hindi din naman sa kama nilalagay ang mga kinidnap diba? Dapat sa lumang mga warehouse yun eh.

Tas madilim.Napakamot nalang ako ng ulo ko at bumaba na sa kama.Lumabas ako ng kwarto at may nakita akong kwarto na medyo nakabukas ang pinto.Eh sa may sa pusa ako eh.


Nakita ko dun si Wifey na natutulog.Eto siguro ang kwarto niya.Kulay skyblue ang dingding at may painting ng lake na naging ice tas mga puno rin na may mga ice,yung mga nakikita ba natin sa google.Ang ganda.


May mga snow na na nalalaglag.Sino kaya ang nagpinta nito? Bagay na bagay sa kanya.Ice. Napahagikhik nalang ako sa naisip ko.

Tinitigan ko nalang siya,ang ganda niya talaga mula sa mala-almonds niyang mga mata,matangos na ilong,pulang mga bibig at sa mala nyebe niyang balat,para siyang anghel na hinulog ng langit dahil ako ang sasalo sa kanya.


Napakaperpekto. Kinuhanan ko siya ng litrato,gagawin ko tong profile picture.hihihihi Pumunta ako sa account ko at pinalitan ko yung profile pic ko.Sinelect ko yung picture ni Wifey at nilagyan ko ng caption.



"An angel from heaven was delivered just for me."


Kinikilig ako.hihihihihihi...At in-upload ko na.Nung macomplete na eh una talagang nagreact yung mga tukmol.Aba-aba online pala sila ah.


"Hoy bata!,anong ginawa mo kay Ice? Lagot ka diyan pag nagising yan."-Reel

"Hala kinidnap niya! 0o0" -Henley

"May you rest in peace."- Treck



Madami ding nagtanong sa comment section kung kaano-ano ko daw yung babae.Mga slow.

Nag-offline na ako at nung nag-angat ako ng tingin eh nakatingin din sakin ng masama si wifey.Nagpuppy-eyes nalang ako sa kanya at ngumiti.

Napairap naman siya at bumaba na sa kama.Naglakad siya palabas ng pinto at napatigil din.


"Ano diyan ka nalang?"

Napatayo naman ako at sumunod sa kanya.Sabay kaming bumaba at sumusunod na lang ako sa kanya.Ilang liko pa muna at lakad at nakarating kami sa dining area nila.

Maraming pagkain ang nakahanda.Napahawak naman ako sa tiyan ko.Gutom na rin pala ako. Umupo na kami sa upuan at nagdasal muna pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain.

Tahimik lang kaming kumakain sa hapag.Gutom na rin siguro si Wifey. Nang matapos na kaming kumain ay pumunta kami ng living room nila.Hanggang sa nagsalita si Wifey.



"Papahatid nalang kita sa driver,hindi ko kasi alam kung saan ang address niyo kaya dinala nalang kita pauwi dito sa bahay."-Wifey


Tumango naman ako sa kanya at lumapit ako sa tabi niya at niyakap siya.Lab na lab ko talaga siya.


"Wifey thank you ah.Kung hindi moko dinala sa Clinic baka ilang araw pa ako matetengga sa kama bago gumaling.Ikaw talaga ang Angel ko."

Napa-tsk naman siya at binalik ang tingin sa tv.Ilang movies pa ang napanuod namin bago ko napagpasiyahang umuwi sa bahay.

Hinatid niya ko sa gate nila dahil nandon na yung maghahatid na sasakyan sakin pauwi.Sumakay naman ako sa backseat at tumingin kay Wifey.


"Ingat."-Wifey



Nag-flying kiss naman ako sa kanya at umalis na kami.

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now