Chapter 12

100 6 0
                                    

-Lucky's POV-

Nakatingin ako kay Wifey na parang inaantok na sa klase namin.Ang aga-aga kasing nanggulo nung lola ni Henley. Buong klase ko lang na pinagmamasdan si Wifey.

Ano kaya ang gagawin ko para maalis ang stress sa kanya? hmmm...


*evil smile*

nyahahahahaha alam ko na

*evil smile ulit*




- 5 hours later -



"Don't forget about your assigments,It is recorded and graded.Understand?"


"Yes Ma'am!"



"Okay dismissed.You may go now."



Pagkasabi ni Ma'am na pwede na kaming umalis,hinila ko kaagad si Wifey palabas ng classroom pagkatapos niyang ayusin yung mga gamit niya.Nilingon ko naman siya at nakita ko ang ekspresyon niyang nagtataka.


"Saan mo na naman ako dadalhin ha,bansot?"-Wifey



"Ehhh basta.Siguradong magugustuhan mo ang pupuntahan natin."





Hindi na siya ulit nagtanong kaya patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng parking lot.Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat at sinara ko yung ng maka-upo na siya.Sumakay na din ako at umalis na kami.Ini-on ko yung radyo at saktong tumutugtog ang kantang 'Statue'.


Nakikita ko sa gilid ng aking mata na sumasabay sa pagkanta si Wifey.Napangiti naman ako.Ehhhh para kaming mag-asawa na nagro-roadtrip.


Di bale na.Malapit ko naman siyang maging asawa.Mapapasakamay narin ni Summer Lucky Park si Iceiana Blue Winters!



"BWAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!- ARAY NAMAN WIFEY! *pout*"


"Tinatawanan mo ba ako ha?!"-Wifey


"Hindi naman eh." Tiningnan niya ako ng masama at saka binaling ulit ang atensyon niya sa mga nadadaanan namin.Ang sakit ng pagkakabatok niya sakin.Galit na galit usto manakit? *pout*


Tinigil ko naman ang kotse malapit sa puno.Lumabas na si Wifey kaya pinatay ko na ang kotse at lumabas din.Naamoy ko na ang samot-saring uri ng pagkain.Nyahahahhahahaha.


Hinila ko na si Wifey papunta sa unang stall, 'Ang barbequehan ni Duday'.Nagningning naman ang mata ko ng makita ang barbeque na nagsha-shine pa dahil sa sauce.


Dito kami minsan kumakain nung mga tukmol.Kahit na mayaman kami ay mas gusto pa din namin ang mga ganitong pagkain,bukod sa mura at masarap,para kaming nagfo-food hunting.


"Ate dalawang special pork barbeque,sampung isaw,limang dugo,2 atay ng manok,sampung betamax at sampung chicken skin."



Agad namang niluto ni ate yun kaya binayadan ko na din.Tiningnan kosi Wifey at parang naglalaway na din siya. Sabi ko sa inyo eh,magugustuhan niya dito.Amoy palang maglalaway ka na talaga.Parang tutulo yung laway namin kada dampi ng sauce sa barbeque.

Nung maluto na ay kanya-kanya kaming kuha ni Wifey ng gusto naming kainin.Pikit mata pa talaga siyang kumakain,yung parang nag-eendorse. Pinunasan ko naman ang sauce na napahid sa pisngi niya.


Pagkatapos naming magbarbeque ay lumipat kami sa katabing stall, 'Bugarts Cake Shop'.Ang mga tinda naman dito ay hotcake,pancake,japanese cake at cupcake.Hindi yung mga malalaking cake sa birthday ah?



"Manong Bugs,dalawang hotcake nga po at apat na japanese cake cheese flavor."


"70 pesos lahat iho.Girlfriend mo?" Inabot ko naman ang 80 pesos sa kanya bilang bayad.


"Asawa ko po.Keep the change ho."


"Naku salamat,Congrats ha,kinasal ka na pala."


Hinawakan ko naman ang kamay ni Wifey habang hinihintay naming maluto yung mga binili namin.Nung maluto na ay hinipan-hipan muna namin yun dahil mainit pa.Bagong luto nga diba? Duhhh.Charr lang.


Bumili kami ulit ng hotcake dahil dadalhan niya daw si Tita Yana,yung Mommy niya.

Ang sunod naming pinuntahan na stall ay, 'Kwekkwek and Friends' na pagmamay-ari ni Aling Kweke.Kasama niya sa pagtitinda yung anak niya na si Kelsey.


"Bansot,gusto ko ng limang kwekkwek,sampung piso ng fishball,twenty pesos na cheese lumpia at twenty pesos din na tempura,pleaseeee..."


Angkyutttt naman ng Wifey ko *3* Binili ko naman yun at habang niluluto yun ay panay lunok ang ginagawa ni Wifey.Ito lang pala ang weakness mo eh,street food.Nyahahahahaha

Kain lang siya ng kain kaya kumain din ako.Hindi pa ako nabubusog eh,at siya din.Pagkatapos namin kumain dun ay lumipat kami uli sa susunod na stall, ' I'll siomai love to you'.Iba't ibang klase ng siomai ang tinda dito.Bago pa ako makapag-order ay inunahan na ko ni Wifey.



"Manong dalawang order nga po ng pork siomai,beef siomai,japanese siomai at chicken siomai.Tapos take out po ng limang order ng pork siomai at chicken siomai,samahan niyo po ng chili sauce ah.Thank you."-Wifey



"Mauubos mo yun Wifey?"




"Dadalhin ko yung take out kay Daddy.Paborito niya kasi ang siomai eh." Napatango naman ako sa sinabi niya.Si Mommy niya gusto yung hotcake, si Daddy niya naman, siomai.Hmmmm..noted!



Kinain namin yung order namin,pagkatapos ay binitbit naman niya yung take out niya para kay Tito Bluise.


Last but not the least,ang stall para makumpleto ang streetfood experience mo, 'Drink your gulaman,bitch!'. Idol siguro ni Aling Gela si Bretman at Mimiyuuuh,kaya ganon yung pangalan ng stall.


Ang mga tinda namin dito ay inumin.Gulaman,Melon with pink gelatin,Fresh Buko juice,buko shake,chocolate shake,at iba't-ibang klase pa ng shake. Bumili ako ng Buko shake at melon with ping gelatin naman kay Wifey.Nang maubos namin yung inumin ay parang doon lang kami nabusog.


Naglakad-lakad muna kami paikot para matunaw yung mga kinain namin.Bumalik naman kami sa kotse pagkatapos.Ihahatid ko nalang si Wifey pauwi sa kanila,malapit naman kasi maggabi.



Pagkarating namin sa bahay nila ay lumabas na siya ng kotse ko,hinatid ko naman siya papasok at tatalikod na sana ako para umalis pero hinawakan niya ang braso ko.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakayuko habang nakahawak sa batok niya.Nahihiya ba siya sakin? Nyahahaahhahahah gwapo ko talaga.


"Uhhh salamat bansot ah,dahil dinala mo ako dun." Hinila ko naman siya papalapit sakin at niyakap siya.



"Nako ikaw pa,malakas ka sakin dahil mahal kita eh." Hinalikan ko siya sa noo pagkasabi ko non.Naramdaman ko naman na niyakap niya din ako pabalik.


Isa itong himala.huhuhuhuhu..T.T

Umalis naman ako nung pagkasara nung pinto nila.



My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now