Chapter 15

78 5 0
                                    


-Ice's POV-


Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko,dito sa bagong bahay namin ni bansot.Light blue ang kulay nito at may mural sa dingding ng gubat na natabunan ng snow.Parang nasa Frozen lang ako *chuckles*


Kinuha ko naman ang cellphone ko at in-open ang facebook account ko.Matagal ko na ring hindi na o-open to simula nung lumipat ako ng school.Alam niyo naman,maraming galit sakin dahil mga insecure.tsk.



Hmm..99+ ang notifications at 200 friend requests.Nung tiningnan ko ang friend request,unang bumungad sakin ang account ni bansot,pati na rin account nina Reel,Treck at Henley. In-accept ko naman yun at yung iba ko pang mga kakilala.Biglang may nag-tag sakin.






Lucky Park tagged you and 3 others in a post.

A day to remember.

❤😮👍You and 1.5k





Tiningnan ko naman yun at mga wedding photos pala namin.Yung iba epic na itsura nina Henley,tas nung hinagis ko ang boquet.May pictures din nina Mommy at Daddy na sumasayaw,si Tita Lyn at Tito Greg na nagsusubuan ng cake.

Pero dun ako natawa sa picture ni Lucky na may icing sa itsura.Nag-react ako ng heart at nagcomment dun.




'Ang panget mo.'




Nagscroll nalang ako pababa at puro status nung mga tukmol ang nakikita ko.




Henley Go
16 mins•

Tumingin man ako sa iba wag kang mag-alala,di tumitibok ang mata.

😆😮👍You and 400 others





Treck Smith
25 mins•

Alam mo para kang ligaw na bala,sa iba ka nakalaan,sa akin ka napunta.

😆❤😮You and 454 others




Reel Tan
1 hr•

A glimpse of an angel💕

❤😮👍You and 489 others




Hmmm...humuhugot din pala sila sa facebook.Scroll lang ako ng scroll ng


Lucky mentioned you in a comment.


Lucky Park
just now

'Pangit ba ako sa paningin mo wifey? *pout*'



Treck Smith also commented on Lucky's post


Treck Smith
just now

'Kawawa ka naman boy,panget ka pala eh.HAHAAHAHHAHA'




Reel Tan replied to Treck's comment


Reel Tan
just now

'Ako lang kasi ang gwapo sa ating apat.'




Henley also replied to Trecks's comment


Henley Go
just now

'Wag assuming Reel,alam naman kasi natin na ako ang gwapo sa ating apat.'



Lucky commented on his post


Lucky Park
just now

'Itigil niyo ang yang pagwapuhan niyo,dahil ni isa sa inyo hindi gwapo,AKO LANG! tsaka wag niyong gawing chatbox tong comment box ng post ko! Mga tukmol!!!'



Napailing na lang ako at naglog-out na.Pipikit na sana ako para makatulog ng may kumatok sa pinto.Inis akong bumangon at umupo sa kama.




"WIFEY BUKSAN MO AKO HUHUHUHU--"



"BUKAS YAN!!! tangina -_-"



Pagkabukas ng pintuan ay patakbo siyang pumunta sakin at patalon na na yumakap.Ano na naman ang kailangan ng isang to? Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.



"PANGET BA TALAGA AKO WIFEY?! KAPALIT-PALIT NA BA AKO?! IIWAN MO NABA AKO?! HUHUHUHU--*POKK* ARAY NAMAN WIFEY! HUHUHUHUHU"




"Alam mo..PWEDE MO NAMAN KASING HINAAN YUNG BOSES MO!"




"Oo na huhuhuhuhu."



"Ano ba kasi ang kailangan mo ha?"


Yumakap naman siya sakin ng mahigpit at sumuksok sa gilid ko.Hayyyyy nako naman oh.


"Kasi naman eh,sabi mo panget ako *pout*"



Dahil lang don? Isip-bata talaga.tsk.



"Sige na nga,uhmmm..gwapo ka na,kaya,pwede na akong matulog ha? Pwede na?"




Tumango naman siya tsaka sumiksik pa lalo sa gilid ko.Nako,bahala siya diyan.Humiga nalang ako ulit tsaka pinikit na ang aking mata.Hanggang sa nakatulog na ako.



My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now