Chapter 24

61 2 0
                                    

Lucky's POV

"Bilisan niyo diyan mga tukmol,may liligpitin pa tayong tsonggo."

"Tumahimik ka diyan bakla,atat ka atat?"-Reel

"Oo nga,wag kang magmadali,hindi magiging bongga ang entrance natin."-Henley

"Oh,suot mo tong kulay blue.Mag two-ears ka din."-Treck

Sinuot ko naman ang bigay ni Treck at uwuuuu ang ganda.hehehehe. Pagkatapos naming magbihis ay bumaba na kami at naabutan namin si Wifey na umiinom ng kape.

Umangat siya ng tingin habang sumisimsim ng kape.Nanlaki ang mga mata niya at binuga bigla yung kape.

"Wifey maganda ba? *pout*"

"Potangina."

"Wifey hindi ba maganda?"

"Bakit ganyan yang mga suot niyo?!"

Nagkatinginan naman kami ng mga tukmol tsaka sabay nagpose at--

"BLOSSOM!"-Reel

"BUBBLES!"-Lucky

"BUTTERCUP!"-Treck

Tiningnan namin si Henley.Hindi pa siya nagsalita ng linya at nakasimangot lamang.Problema nito?

"Tinitingin-tingin niyo diyan?" Huh? Pinagsasabi nito?

"Gusto niyo? Luhh asa kayo."Nilapitan naman siya ni Reel tsaka binatukan.

"Hindi yan yung linya mo.Tangek."-Reel

"Alam ko.Nagpra-practice lang ako ng tiktok para mamaya."-Henley

Sinamaan naman namin siya ng tingin kaya simangot siyang nagsalita ng-

"MOJOJOJO!"-Henley

"---tangina ano na naman ba ang kinain niyo ha?! Para akong mamamatay ng maaga eh!"-Wifey

"Ice,paano pag namatay ka ng gabi?"-Reel

"Gusto mo ihagis kita sa bintana?*glare*"

"Sabi ko nga tatahimik na.hehehe"-Reel

"Bakit kasi Mojojojo ang role ko dito? Gusto ko sana si Proffesor X eh.huhuhu o di kaya si Mayor at si Ms.Bellum. huhuhu"-Henley

"Mukha ka kasing unggoy kaya Mojojojo."-Treck

"Saan ba kayo pupunta at naka-Powerpuff girls and Mojojojo costume kayo ha?"

"Kasi Wifey,nang ano..ah..ah! Aatend kami ng cosplay event tsaka pagkatapos ay magliligpit kami ng dumi.You know,Powerpuff cleaners. HAHAHAHAHAHAHA!"

Napahampas nalang siya sa kanyang noo tsaka bumalik sa pag-inom ng kape.Nakatingin lang kami sa kanya at sinasamaan naman niya kami ng tingin.Ba't ba?

Napatingin naman siya sa kanyang pambisig na relo at tumayo kaagad. May pupuntahan siya siguro.

"Aalis ako saglit.Huwag kayong magulo sa event kundi sasabunutan ko kayo. Nagkakaintindihan tayo?"

Napatango naman kaming apat sa sinabi niya.Anong hindi manggugulo? Hehehe

Kasalukuyan naming sinusundan si Wifey na sinusundan din nung obsessed na unggoy.

Aba..aba..sumusunod pa talaga ha.Tangina neto ha..

Bakit kasi siya sumusunod sa Wifey ko? Like haleerrr maghanap kaya siya ng Wifey. Mang-aagaw pa eh.

Nagulat kami ng hablutin niya si Wifey tsaka hinila at tinakpan niya ng panyo ang ilong ni Wifey.

Mabilis niyang sinakay sa sasakyan si Wifey kaya hindi na kami nagpatumpik -tumpik pa at sinundan agad namin sila.

Feel na feel ko na talaga na kami ang powerpuff girls dahil may liligtasin kami na nasa kasamaan. Ang kaibahan lang ay kasama namin sa pagliligtas si Mojojojo.hehehehe

Huminto ang sasakyan nung panget sa harap ng isang...hotel?

Huh?

Ba't sa hotel? Akala ko ba pag kinikidnap sa abandonadong building dinadala? Sosyal naman ng panget na'to.

Kumuyon ang mga kamay ko ng buhatin niya si Wifey ng bridal style. Amputa naman.Ako lang dapat ang gumagawa niyan eh. Wengya.

Bago pa siya makapasok sa hotel ay tumakbo kami papunta sa kanyang gawi sabay hampas ng dala kong hammer bong ng blackpink sa ulo niya. Hehhehe napalingon naman siya sa'min at nanlaki ang kanyang mata ng makita niya kami.

Si Reel naman ay pinuluputan niya ng plastic na vines ang kamay nung panget.Sure na siya sa vines na ya? Mukhang iyan yata ang display na vines ni wifey sa pintuan namin ah. Huhuhh lagot kami neto sa kanya eh.

Ay gagi. Ambobo naman ni Reel.Pati si Wifey napuluputan na niya ng vines. Kaya sinamaan ko siya ng tingin bago kinalas ang vines kay wifey at kinuha siya. Napatingin naman ako sa kay panget.

Nakakunot ang noo niya at parang nawe-weirduhan sa pinaggagawa namin.Nagpeace sign naman si Treck sa kanya at nakabusangot naman si Henley na Mojojojo.Hahahhahah

"Anong ginagawa niyo?"-Panget

"A..hah..hahahahha nagpra-practice lang kami kung paano magligtas ng tao na nasa kapahamakan."-Treck

"Blossom!"-Reel

"Bubbles!"-Lucky

"Buttercup!"-Treck

"Mojojojo!"-Henley

"Powerpuff girls and Mojojojo!"

"Okay.Bigay niyo na girlfriend ko sakin.Tapos naman kayo sa pagpra-practice."-Panget

"Hindi pwede.Kasi panget ka tas eto maganda.Mukha ka ngang myembro ng amoeba boys eh."

"Putangina.Anong pinagsasabi mong amoeba boys ha?!"-Panget

"Yung kalaban ng powerpuff girls.Hehe."

"Pinagloloko niyo ba ako?! Ibigay niyo na ang girlfriend ko!"-Panget

Naiinis na'ko sa isang to.Hampasin ko kaya ulet ng Hammer Bong.

"Manahimik ka nga! Paano mo to magiging girlfriend eh asawa ko to!"

Nanahimik siya saglit saka ngumisi.

"So,ikaw pala ang asawa niya.Pwes wala akong pakialam."-Panget

Sinenyasan ko naman sina Reel.Kumilos agad sila.Hinampas niya ng baseball bat sa likod tong panget nato. Si Treck naman ay pinusasan niya yung mga kamay ng panget. Saan niya nakuha yan? *kamot-ulo*

Nakaluhod na ngayon tong panget habang tumatawag naman ng pulis si Henley. Kahit kami ang powerpuff girls-este cleaners pala ay kailangan pa rin namin ng tulong mula sa mga pulis pangkalawakan.Hehe

Dumating kaagad sila hindi kagaya nung sa mga pelikula kung kelan patay na yung bida saka pa dadating.

Tinitingnan naman nila kami na parang may tatlo kaming ulo na nakakabit sa isang katawan. Inggit lang sila hindi sila naka-costume eh.

"Mga bata,matanong ko lang ha,a-attend ba kayo ng children's party? Ba't kayo nakaganyan?"

"Wag na kayong magtanong manong,basta ikulong niyo nalang yang kidnapper na yan."-Reel

Tumango naman ang pulis pero nakatitig pa din samin.Parang kami ang kriminal sa titig niya ah.Baka gusto ding mahampas ng Hammer Bong (Blackpink!) Hehe.



"Marami kayong ipapaliwanag sa'kin.Cosplay pala ah."

Mameee

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now