Chapter 18

67 4 0
                                    

-Ice's POV-

Papunta kami ngayon ni bansot---hubby sa University gamit namin yung sasakyan ko,ayaw niyang gamitin yung sasakyan niya para makatipid daw sa gas,mas mabuti daw na iisa lang kami ng kotse kapag papasok.

Nung makarating na kami sa University ay pinark ko na ang kotse sa University Parking lot.


"Congrats po!"


"Congratulations po Ate Ice at Kuya Lucky!"


"Best wishes!"


"Sanaol talaga nakabingwit ng fafa."


"Inggit ka sis?"



Habang naglalakad kami sa hallway ay yan ang maririnig ko.Nginingitian ni bansot yung mga bumabti samin.Feel na feel pa niya.Natigil na naman kami sa paglalakad nung humarang ulit yung malandot.Aba,diba kinausap ko na to? Hindi pa rin ba nadadala?



"Makapal talaga ang mukha ng iba diyan,makapal na makapal,diba,ICE?"
Diniinan pa talaga ng malandot ang pangalan ko.


"Oo,kasing kapal ng make-up mo,malandot ka." Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.



"Excuse me--"

"You are excuse."

"----how dare you to interrupt me?!"


"Hubby oh,nia-away niy ako *pout* *teary eyes*"


"Wag kang mag-alala Wifey,ako bahala."


Binaling niya naman sa malandot ang tingin niya kaya nagpa-cute naman ang gaga.Ewww mukha siya hipon *roll eyes*



"Omayghad ghurl,bakit mo ba inaaway ang bebe ko? Wala kabang bebe ha?!"


Nagulat naman ako nung nagbakla-baklaan siya.Tangina.Ano na naman ang kinain nito?! Shock naman na nakatingin yung malandot sa hubby ko.Hubby...ko? Hubby ko? Ehhhhh--- *ehem*



Nagulat naman ako nung biglang sumulpot yung mga tukmol na may headband? Si Reel na nakapink na headband,si Treck na nakablue na headband at si Henley na naka green na heandband. Bigla naman silang nagpose at sabay-sabay na sumigaw.



"Kami ang Poorpuff girls!"


"Blessem! Nyahhhhh!!!"-Reel


"Bebbles! Ehhhhhh!!!!"-Treck


"Bettercep! Ahhhaaa!!!!"-Henley



Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dito.Tama ba talaga ang desisyon ko na sumama sa kanila *facepalm*

Yung malandot naman ay tulala pa ring nakatingin sa mga tukmol.



"Teka sino ako?" Napatingin naman ang tatlo sa tanong ni Hubby.Napai-isip naman sila.



"Si Proffesor?"-Reel


"Si Mojojo?"-Treck


"Ang Mayor ng townsville?"-Henley


"Ayaw ko nun.Ako na lang si Barbie para makakapagpalit ako ng Character anytime."


"Sige na nga."-mga tukmol Nung tingnan ko ulit ang malandot ay wala na siya sa pwesto niya kanina.




Pati siguro siya ay hindi nakayanan ang kabaliwan ng apat.Kaya nagpatuloy kami sa paglalakad at kasama na ang Poorpuff girls *chuckles*


Nung pumasok kami sa room ay kanya-kanya ding bati samin ni Hubby ang mga kaklase namin.Tsaka masarap daw yung pagkain sa reception,lalo na yung cake.Umupo na muna kami sa upuan namin at hinintay ang first subject teacher namin.Mayamaya pa ay dumating na nga siya mukhang good mood pa si Ma'am.




"Good Morning Everyone,today we will have a game.It's paint me a picture.Okay? Group yourselves into five."




Hindi na ako nag-abala pang maghanap ng makakasama ko dahil automatic na kagrupo ko na ang mga tukmol.Masama ang pakiramdam ko dito ah.



"Okaya na ba ang lahat? Ang lalaruin natin ngayon ay paint me a picture,kung sasabihin ko na paint me a picture in a mall,dapat lahat kayo ay magpopose na nasa mall.Maliwanag ba?"


Tumango naman kami.Nung lingunin ko ang mga tukmol ay nakangisi sila at mukhang may binabalak....na namang kalokohan -_-




"Sige umpisahan na natin.Ako ang pipili kung sino ang may dabest na pose at sila ang mananalo.Pataasan ng score okay? Let's start.Paint a picture in a..MARKET!"



Hinila naman ako ni bansot at pinatayo sa harap ng desk namin,binigyan niya ako ng papel at magpapaypay daw ako na parang nagba-barbeque.Si Reel naman ay kinuha yung mga bag namin binitbit yun na parang naglalako.


Si Treck at Henley naman ay nagtitinda ng baboy,si Treck ang nagtitinda,si Henley ang baboy.At si bansot naman ay lumuhod at kumapit sa palda ko habang kagat-kagat ang kanyang daliri.


"Okay times up!" Napahinto naman ang lahat at si Ma'am lamang ang gumagalaw samin.Pinuntahan niya ang unang grupo na malapit sa kanya.




"Anong scene to?"

"Nagtitinda po ng balot at ukay-ukay Ma'am." Tumango naman si Ma'am at lumipat sa susunod na grupo.


"Nagtitinda po ng gulay at may bumibili po."


"Nagluluto po sa karenderya." Hanggang sa makarating samin si Ma'am.


Napataas naman ang kilay niya ng makita niya si Henley na nakahiga sa desk na nakalabas ang dila.



"Ano ang sa inyo?" Ako na ang sumagot sa kanya dahil hindi nagsasalita ang mga gunggong.


"Ako po ay nagtitinda ng barbeque at si Lucky po ang anak ko,si Reel po ay nagtitinda ng mga bag at si Treck ay taga-chopchop ng baboy at si Henley naman po ang..baboy"



"Hmmmm..mukhang double-dead na baboy si Henley but of course,creative.Ano ang pangalan ng group niyo?" Kailangan pa pala nun?

"Tukmol ang friends po." Napangiwi naman si Ma'am nung marinig ang sagot ni bansot.


"Okay uhmm..Tukmol and friends 1 point!" Naglagay naman siya ng 1 point dun sa board ng may pangalan namin.


"Okay next is,paint me a picture in a...PARK!"









Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil magla-lunch na,yung tatlo na tukmol at yung bansot ay parang nalowbat.Yan kasi eh,kung ano-ano ang pinaggagawa kaninaPagkatapos kasi naming maglaro kanina ng paint me a picture ay Science ang susunod namin na subject at may pasurprise quiz si Ma'am -_-


Ang ikatlong subject naman namin ay English at pinasulat kami ng 500 word essay about Euphoria.Pati yung mga kaklase namin ay nanlumo eh. Nung matapos na kaming maglunch ay bumalik kami uli sa classroom para sa afternoon subjects namin.


Napasabunot nalang sila sa kanilang mga buhok at parang naiiyak na.Siguro dahil may long test kami mamaya sa Filipino.












"Wifey,matutulog muna ako ha? Gisingin mo ako kapag nakarating na tayo sa bahay." Tumango naman ako kaya sumdal na siya sa upuan at pinikit ang kanyang mga mata.



Tiningnan ko naman siya at halata sa mukha niya na pagod siya.Sino ba ang hindi mapapgod sa mga pinaggagawa nila kanina? Tsk.

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now