Chapter 21

52 4 0
                                    

-Lucky's POV-

Napatayo naman silang tatlo at pumunta sa harap ko.Niyuyugyog nila ang balikat ko habang binabato ako ng mga katanungan.

"OMG sis,nandito na ikaw!"-Reel

"Ghurl hano na?!"-Treck

"Brokenhearted ka ba ha?!"-Henley

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nila.Nagkatinginan naman sila sabay sigaw kaya napatakip ako sa tenga ko.Mabuti nalang at soundproof tong VIP Room nila Reel.

"MUKHA KA KASING NAGLALAKAD NA EYEBAGS!!!"

Napayuko nalang ako.Kaya ba ayaw na sakin ni Wifey kasi pumapangit na ako?

Naglakad ako papunta sa sofa at naupo dun.Sumunod naman sila at naupo din.Um-order na si Reel ng makakain namin habang ang dalawa naman sa magkabilang gilid ay panay ang tanong.

Nung dumating na ang order namin ay kumain kami muna.Konti lang yung kinain ko dahil kumain nako kanina bago pa pumunta dito.Kinwento ko naman mula nung umpisa hanggang sa hindi ko muna pagpansin kay Wifey.

Hinahagod naman nila yung likod ko dahil umiiyak na ako.Anong akala niyo,babae lang naggaganito? May feelings din naman kami eh,tao din kami nasasaktan.huhuhuhu

"Ano ghurl,okay kana?"-Treck

"Igala kaya natin siya mga sis?"-Henley

Sumang-ayon naman ang dalawa,syempre ako din,sabi kasi nila,libre din eh.Kanya-kanya kaming dala ng kotse.Nung makarating na kami ng mall ay dumiretso kami sa shop ng Adidas,namili naman ako ng t-shirts at lahat ng napili ko ay kulay itim.Isang pares naman ng sapatos ang binili ko---nina Treck pala.

Susulitin ko na din to.Sunod naming pinuntahan ay yung branch ng Jewelry shop nina Reel. Nahagip naman ng mata ko ang isang kwintas na ang pendant ay nyebe na may kulay asul na maliliit na diyamante.Napakaganda nun,at si Wifey ang naaalala ko dun,para siyang nyebe,maganda sa paningin,pero malamig naman.

Hindi ako nagdalawang-isip na bilhin yun gamit ang sarili kong pera.Ito ang magiging peace offering ko sa kanya,kahit butas sa bulsa ang presyo,mabuti nalang kasama ko si Reel kaya may 50% discount.

Pagkalabas namin sa shop nina Reel ay napahinto ako nung makita ko si Wifey na may kasamang lalaki,nakatayo sila sa gilid ng fountain na nasa gitna nitong mall...

Siya ba yung nagmessage ng 'I Miss You'? Siya ba yung secret boyfriend ni Wifey? Sabay namang tiningnan ng mga tukmol ang direksyon kung saan ako tumitingin ako.Hinatak na nila ako ako paalis dun.Nung makarating na kami sa parking lot ay pumasok na ako sa kotse ko.

Pinaandar ko na yun at kitang-kita ko sa side mirror ng kotse na hinabol ako ni Wifey.Binaling ko nalang sa daan ang tingin ko at umuwi nalang sa aming bahay.









-Ice's POV-

Unti-unting bumagal ang takbo ko ng hindi ko na makita ang kotse ni bansot.Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa frustration.Tangina.

Na-misunderstood niya ang lahat.Kasalanan kasi to ng lintek na yun.Kung inaakala niya na may relasyon kami nung lalaking nakita niya na kasama ko kanina,nagkakamali siya. Dahil ang lalaking yun ang may kasalanan kung bakit palipat-lipat ako ng school,obsessed sakin yun.Kahit saan ako pumunta ay lagi siyang nakabuntot.

Kung makita niya lang na may kasama akong ibang lalaki ay pinagbabantaan niya kaagad.Ganun siya kalala.Kaya nga nung lumipat ako ng school ay nagtaka ako kung bakit hindi na siya nakasunod sa bawat galaw ko.Pumunta daw siya ng ibang bansa dahil pinatawag siya ng mga magulang niya.

Sumakay naman ako sa kotse ko at umuwi din ng bahay.Pagkarating ko dun ay dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto niya at kinatok ang pinto.Hindi pa rin niya ako pinagbubuksan kaya napabuntong-hininga nalang ako.

Matamlay akong pumasok sa kwarto ko at nilingong muli ang kwarto ni bansot.Di bale,sisisguraduhin ko na mag-uusap na kami bukas.









-Lucky's POV-

Nang wala na akong marinig na katok ay binaling ko ulit ang atensyon ko sa mga tukmol na ka-chat ko ngayon. Nag-aaya na naman silang magbar dahil matagal na daw kaming hindi nakapagbar-hopping.

GC ng mga Pogi
Active


TreckMacho: Handa na ba kayo?

ReelGwapo: w4iT kh4 diY4n gHurL,n4gbiBihiS p4 k4si akH03.

Henslay: Tangina wala akong may naintindihan sa chinat mo,Reel.

TreckMacho: Duhhhh..nae-excite lang ang katawang lupa ko.Mga inggrata.

Henslay: Lucky ghurl,tapos ka na bang maghanda?

LuckingAlaga: Kailangan bang may handa kapag magba-bar ngayon? Naiba na pala?

ReelGwapo: Gaga,ang ibig niyang sabihin ay kung tapos kanang magbihis/ready na ba lahat.

LuckingAlaga: Sarry okay,sarry.

Henslay: Saan ba kasi tayo magba-bar?

TreckMacho: Magkita nalang tayo sa Night 'till Dawn Bar,pagkatapos ay pupunta namon tayo sa Insanely.

LuckingAlaga: Sige magkita nalang tayo sa Night 'till Dawn.

seen by ReelGwapo,TreckMacho,and Henslay


Pagkatapos ay naglog-out na ako sa messenger at lumabas na ng kwarto.Napatigil naman ako sa harap ng kwarto ni Wifey.

Bumaba na ako at pumunta ng kitchen.Sumulat ako ng sorry sa isang sticky note at nilagay yun sa ref para makita niya mamaya.

Nako po,sana patawarin ako ni Wifey dahil pupunta ako ng bar.Hindi naman ako maglalasing eh,promise T.T











A/N: I just imagined Lucky and his friends kaya kapag naging broken sila,they will be babae af. *insert Kris Aquino's laugh* AHAHAHAHAHAHA

My Tsundere WifeWhere stories live. Discover now