Chapter 16

76 5 0
                                    

-Lucky's POV-

Maaga akong nagising dahil may pumatay ng aircon.Nung tiningnan ko si Wifey tulog naman,bumaba ako ng kama at in-on yung switch ng ilaw at hindi din gumagana.Hmmm,sira siguro tong ilaw namin.Bago naman ang bahay namin eh,bakit sira kaagad ang mga ilaw? *pout*



Bumaba ako at pumunta ng kitchen at gumawa ako ng tuna sandwich para samin ni Wifey.Wala kaming mga maids dahil ayaw ko at ayaw rin ni Wifey.Pagkatapos kong gumawa ng sandwich,kinuha ko yung strawberries, saging at gatas ng baka sa ref para gumawa ng smoothie.


Nilagay ko yun sa malalaking baso at nilagyan ng fancy straw. Nag-slice ako ng mangga na hinog at nilagay yun palibot sa gilid ng pinggan at sa gitna naman ay blueberries. Ang galing ko talaga,sigurado naman ako na,pang 'husband material' ako.Aakyat na sana ako ng hagdan para tawagin si Wifey pero pababa na din pala siya.



Hinintay ko nalang siya na makarating sa pwesto ko tsaka lumambitin ako sa leeg niya.Tiningnan naman niya ako ng masama at kinuha yung mga braso ko na nakapalibot sa leeg niya,sunod yung mga binti ko na nakapalibot naman sa kanyang mga binti *pout*


Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kusina kaya napahawak nalang ako sa batok ko.Gusto ko lang naman magpalambing eh.huhuhuhuhu..Ayaw pa akong pagbigyan T.T



Sumunod naman ako sa kanya sa kusina at nakita na nakaupo na siya.Nilagyan ko ng tuna sandwich yung plato niya at binigyan ko din siya ng smoothie.Pagkatapos ay umupo na din ako at nag-umpisa na kaming kumain.Babalik na naman pala kami sa school.Dahil may pasok pa.Ayaw ko pa sana eh T.T




*SNAP*






"Hoy bansot,bakit natulala ka na ha? Hindi mo pa nga ubos yung sandwich mo."-Wifey




"Wifey naman eh,dapat Hubbby na yung tawag mo sakin dahil kasal na tayo *pout*"




"Bakit ba gusto mong tawagin kitang Hubby? Corny mo *roll eyes*"-Wifey




May dalaw yata si Wifey,nagsusungit na naman eh.huhuhuhu..





Corny ba talaga? Bahala siya diyan nagtatampo ako sa kanya.Mas cute kasi yun eh.Tahimik kong pinagpatuloy yung pagkain ko at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Corny ba talaga? huhuhuhuhuhu..









-Ice's POV-


Anong problema ng isang to? Ang tahimik niya kasi at naninibago ako sa mga kinikilos niya.Gaya ngayon,nagbabasa siya ng libro imbes na naglalaro sa cellphone niya ng ML.
Hmmmm..may mali talaga eh,naengkanto ba'to?



"Hoy,ba't ang tahimik mo?" Hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa kanyang libro nung sumagot siya sakin.



"Nothing." Huwaw,english yun ah.



"Anong nothing-nothing ka diyan,nakakapanibago ka."




"There's nothing wrong,why asked?"




Tangina.Spokening dollar na.Tuna sandwich lang naman ang nakain namin kanina,tas smoothie at prutas.Wala namang iba.





"Imbes na naglalaro ka kasi ng ML,nagbabasa ka ng libro na hindi o naman ginagawa dati.Tas ngayon english kapa ng english.Sinong hindi maninibago ha?"




Sinara niya naman ang libro niya at nilagay sa may table.Tiningnan niya ako gamit ang kanyang malalamig na mata bago nagsalita.





"It's normal for me to read a book because I want to advance study,Second I just feel to speak in English."




Ang suplado din ng pagkakasabi niya nun.Seriously,ano ba ang problema ng isang to?




"Ano ba talaga ang problema mo ha?"




"I don't have a problem,ICE."




Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo na siya tsaka umakyat papunta sa kwarto niya. Tinawag ba niya talaga akong Ice? Ice at hindi Wifey?! Aba,kekakasal pa nga lang namin eh,may problema agad.




Ba't ba kasi Ice ang tawag niya sakin?! Teka ba't ba ako naiinis?! Hayyssst!!!!










-Lucky's POV-



Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama,matapos kong magwalk-out kanina kay Wifey ay hindi na ako bumaba,malapit naring magtanghalian.Kachat ko ngayon yung mga tukmol,sila kasi ang nagsabi sakin na dapat daw maging cool ako para perfect husband,dahil ang mga husband daw ay cool tsaka seryoso.







GC ng mga Pogi•
online



ReelGwapo: Oh ano,ginawa mo na ang sinabi namin?



TreckMacho: Baka sablay ka na naman.



Henslay: Oo nga,gwapo ka nga isip-bata ka naman kagaya ng sabi ni Ice.



LuckingAlaga: Parang pinakakaba niyo naman ako eh.



ReelGwapo: Bakit ka na naman kakabahan?



Henslay: Dahil siguro magiging palpak yung ginawa niya kanina.




TreckMacho: Ikwento mo nga kung ano yung ginawa mo kanina.




LuckingAlaga: Nagbasa ako kanina ng libro,diba dapat seryoso kaya tahimik lang akong nagbabasa kahit hindi ko naiintindihan yung binabasa ko.Tinanong niya naman ako kung bakit nagbabasa ako ng libro imbes na naglalaro ng ML.




TreckMacho: Sige ipagpatuloy mo na.





Henslay: Gago nagta-type pa nga eh.




LuckingAlaga: Kaya para cool na din nag-english speaking ako kanina habang kausap siya,diba mas cool yun.Kaya nung tanong siya ng tanong ay naisipan ko nalang pumunta ng kwarto para hindi na siya makapag tanong pa.Tapos imbes Wifey yung sasabihin ko,Ice yung nabanggit ko na pangalan niya.Kaya umakyat na ako kaagad baka magtanong pa uli.





ReelGwapo: Hala ka baka magtampo yun,hindi mo kasi tinawag na Wifey eh.




TreckMacho: Oo nga,lagot ka.HAHAHAHAHAHAHA Henslay: Panindigan mo yang ginawa mo.HAHAHAHAHAHAHA



LuckingAlaga: Hala kayo yung nagsabi na dapat maging cool at seryoso ako eh.




LuckingAlaga: Hoy ba't hindi na kayo nagse-seen?!



LuckingAlaga: MGA TUKMOL!!!!




LuckingAlaga: Tangina niyo T.T

My Tsundere WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon