chapter 7

850 11 0
                                    

Tuloy-tuloy ang subo ni ana ng kanin at ulam at hindi pinansin ang lalaking kasama. Alam niyang nakatitig na naman eto sa kanya. Inis na inis siya dahil sinira neto ang dapat na oras na inilalagi niya ngayon sa library para mag encode ng iilang test questionaire na pinapagawa ni prof. Jinky.

Halos mailang na si ana sa pakiramdam niya ay walang kurapang pagtitig ni rextor sa kanya. Sinalubong niya na ang tingin ng lalaki saka nginitian eto ng pagkatamis tamis bago niya nilunok ang kinakaen.

"Will you quit staring and eat your food. Nakaka ditract ka ng appetite." pinandilatan niya eto.

Na amuse si rex.

"I can't stop myself cherè. Kahit kumakaen napakaganda mo sa paningin ko."

"Punyeta. Umayos ka rextor. Kumaen kana. Baka pag nagtagal ka pang nakatitig saken ay tablan kana ng sakit. Mahirap magkasakit dude. Walang lunas sinasabi ko sayo."

"And what disease I might get for staring at you cherè?" uminom ng kape si rex at inantay na malunok ni ana ang huling kanin at ulam. Kahit punong-puno ang bibig neto ay magandang maganda padin eto. Ni wala ngang pakialam si ana sa itsura neto at hindi man lang conscious kahit pa andami dami halos estudyante ang nakatitig dito araw araw ay walang pakialam ang dalaga na tinititigan eto. Para bang hindi nag eexist sa mundo neto ang mga mortal.

Gustong umiling ni rex at matawa sa naiisip.

"Anastasia's cursed" ana whispered. At hindi yata narinig ng binata dahil malayo ang tingin neto na natatawa pa! Nabaliw na yata ang damuho.

"What? Come again cherè?"

"Anastasia's cursed, Mr. Elizalde. You know you will fall in love with me and their is no cure for it, so I suggest stop staring at me and stop doing what your gonna do. Wag mo ng gagawin ang mga pinaplano mo because it won't change anything for me pero baka ikabago yun ng paniniwala at ng pagtibok ng puso mo." kumunot ang noo ni rex

"And why is that?"

"Alam mo bang mahirap kalaban ang puso rex. Hindi mo alam na habang unti-unti mong nilalapit ang sarili mo sa isang tao ay unti-unti namang nahuhulog ang puso mo dito ng hindi mo nalalaman and then one day you will come to realize that you already have feelings for that person at napakahirap niyon tikisin at pigilin. Kaya naman mas maiging tigilan mo na habang maaga pa." Just like what I am feeling right now elizalde. My heart is starting to pound just for you and it's starting to get into me and breaking my principles in life. I do not know what to choose so stop this whatever nonsense game you were playing. You idiot!

Nagulat pa si ana ng biglang tumawa si rex. Ang sarap netong panooring tumawa dahil pati mga mata neto ay nakatawa din. Such tantalizing eyes. Damn him!

"You're reading too much novels cherè. I just like to be with you. Sabi mo nga ikaw ang latest prospect ko. Why don't you accept me as your boyfriend and we'll see where it will lead us. Three months cherè. Let's break up after three months." Rex propose.

Gustong pumalatak ni ana. Naloko na! Naloko na talaga!

Pinaningkitan niya ng mga mata ang binata. Her heart is at stake. Nabubwisit siya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mong proposisyon elizalde? Hindi ka magsisisi sa huli? Mahirap magsalita ng tapos."

A glint of mischievousness appeared on rex eyes and lips

"So are you willing to be my girlfriend miss Anastasia Sulivan?" tinitigan ni ana ang binata. Alam niya he's into something. Alam niya na masasaktan siya sa huli. Walang laro na hindi ka magagalusan at magkakasugat kong hindi ka mag iingat. Matagal ng alam ni ana iyon.

Gusto niyang tanggihan ang alok ngunit may bahagi sa kanya na nagsasabing tanggapin eto.

Teach him a lesson ana. A lesson that he will never forget for a lifetime

Huminga ng malalim si ana.

"I'll think about it rex. I'll give you my answer tommorrow morning." Tumayo na si ana saka naunang lumabas ng kainan kong saan siya dinala ni rex.

Pag iisipan niya talaga at sisiguraduhin niya kong anuman ang desisyon niya ay matuturuan niya ang manwhore na lalaki ng leksiyon na hinding-hindi neto makakalimutan.

Nang maihatid siya ni rex at makapagpasalamat dito ay inabot neto sa kanya ang celfone neto at pinapa save ang numero niya.

"Just save your number ana. I will text or call every now and then" napairap si ana

"At hindi ako mahilig magtext at di rin ako sumasagot ng tawag elizalde" pinandilatan niya ang damuho ng kuhain neto ang celfone niya at pina ring ang celfone neto na alam niyang operator ang sumagot kaya naman naging irita na ang salubong netong kilay.

"Damn. Wala ka pang load! Just type your number. You know you can't leave until you give me your number" bumuntunghininga si ana. Hindi talaga siya nagloload ng call at puro text or minsan pa nga sa messenger nalang siya nakikipag usap. Iyon na ang kalakaran ngayon. Inabot niya na ang celfone ni rex at nagsimulang tumipa

"Wag moko tatawagan. Text will do elizalde" saka siya bumaba ng kotse ng binata.

Nang makalayo layo ay huminto siya. Hinaplos haplos ang dibdib. Ang lakas lakas ng kabog ng puso niya. Ni hindi niya akalaing posible ang magkagusto sa isang lalaki sa napakaikling panahon lang.

Alam ni ana na wala siyang kawala sa sumpa. Kagaya din ng mommy niya. Alam niyang magiging alipin siya neto. Gusto niyang subukan. Intindihin kong bakit nagpalamon ang kanyang ina sa dikta ng puso kaysa dikta ng isip. Siguro mas maiintindihan at mauunawaan niya ang lahat kapag naranasan niya kong paano nga ba ang magmahal at mahalin. Lalong lalo na ang masaktan.

The choices we made will mold us into the person we will become in the near future.

Should she take the risk?

Napapikit si ana at napahilot sa sentido saka itinuloy ang paglalakad.

Iwinakli sa isip ang alalahaning ibinigay ng isang Rextor Elizalde at pumasok sa kanyang unang klase. She will think of his proposition later.

The Right Kind Of Love ✔Where stories live. Discover now