chapter 9

785 9 0
                                    

Smile is the best make up a girl can wear.

Ang lawak ng aking ngiti habang nakasipsip ng pineapple juice na binili ni rex. Halos pawisan ako sa ginawang pagsasayaw. Nag enjoy ako ng sobra at sa pagkamangha ko ay sumayaw din si rex kasabay ko sa dance dance revolution kong saan niya ako dinala para daw sa una naming date. Clichè. Pero talaga namang ang unang date kadalasan na ginagawa ng mag boyfriend ang destination ay sa mismong mall, manuod ng sine o kaya kumaen sa fast food restaurant or any restaurant na magustuhan sa loob mismo ng mall. And then there's a Timezone place which couple always bring their date with.

"We'll go out of town this weekend. For now let's go. I will be bringing you to our first date my cherè"

Gusto kong kurutin ang pisngi niya kanina ng magkita sila sa parking lot ng school, she texted him na wag na siyang sunduin at didiretso nalang siya sa kotse neto or doon na eto mag antay, may ngisi sa labi ni rex habang may ningning ang mga mata. He looks so dashing and boyish. Mga katangian na minsan ko lamang makita dahil palage siyang seryoso or kaya ay nagmumukhang manwhore. Yes madami siyang iba't ibang personality kapag nasa mode siya ng pagiging Elizalde or kapag na trigger ang kanyang pagiging palikero.

Pero in fairness discreet siya mambabae. Di gaya ng pinsan niyang si stanley na ladladan talaga pati ni raven. Si Warden naman ay may pagka trouble maker and then there was Thrift na masyadong mayabang. Mabuti at si Lexus napipigilan pa ni Lexie, pero baka kapag nagising na ang dugong elizalde ay hindi na mapigilan ang lahi at mambabae narin. Nasa dugo talaga nila.

"Hey, your spacing out. What were you thinking?" Kumurap si ana ng patunugin ni rex ang daliri sa mukha niya. Yung isang kamay neto ay nasa magkasalikop nilang palad

"Let's hold hands cherè. That's what boyfriend-girlfriend do"

Kaya naman wala siyang nagawa ng hawakan at paglingkisin neto ang kanilang  kamay.

Tumikhim si ana saka tiningala si rex. Halos hanggang balikat lang siya ng binata. Kahit pa ba 5'5 ang height ni ana ay mas matangkad parin eto sa kanya. Di niya nga alam ba't di eto nag try out sa varsity nun.

"Wag kong sino sino ang isipin mo kapag kasama mo ako anastasia. Eyes on me, ears on me and attention on me. Understand cherè?" seryosong bulong ni rex habang nakatitig sa kanyang mga mata. Bigla ay pakiramdam niya sila na lamang dalawa at ang mga taong dumaraan ay hindi niya na alintana. They were standing very close at naaamoy ni ana ang hininga ni rex na tumatama sa kanyang mukha. Gusto ng magwala ng puso ni ana sa kilig.

Kilig? So this is what it feels like?

Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Parang sinisilihan ang pwet at di mapakali. Malakas ang tibok ng puso habang nakikipagtitigan sa isang lalaki. Such overwhelming feeling envelope her.

Palipat-lipat ang mga mata ni rex sa kanya at sa kanyang labi. Feeling niya hahalikan siya neto and hindi siya KJ para pigilan ang gusto din mangyari. Kinakabahan man ay naeexcite din siya. Napapalunok na nag antay siya kasi unti-unti ng bumababa ang mukha ni rex-

"Anastasia" the spell broke and ana's heartbeat was so fast.

Tumayo ng maayos is rextor.

"Hoy rextor elizalde. Balak mo bang halikan ang kaibigan namin ha. At dito pa talaga sa mall. Alam niyo bang kanina pa kayo pinagtitinginan ng bawat dumadaan ha. Tignan niyo meron ngang kumukuha ng video sa inyo naku naku talaga."

Pumapalatak si penelope at panay naman ang irap ni lala kay rex.

"A-anong ginagawa ninyo dito?" Wala sa loob na tanong ni ana habang mahigpit ang kapit sa braso ni rex.

Nakakainis! Sayang ang kiss. Panirang penelope at lalaine!

"Edi nag window window seeing. Haynaku ano bang ginagawa sa mall. Edi namasyal. Stress kame te kay sir paeng."

Huminga ng malalim si ana. Straightened herself saka tinignan si rex na nakatitig ngayon sa kanya.

"Hala uy matunaw man yang si anastasia. Baka ma frozen yan dong. Gravity ang titig my gosh"

"Wag ka maingay la, naku feeling ko ang kontrabida naten la, bakit ko ba sila inistorbo sa moment nila. Magkikiss na dapat sila e"

"Aba malay ko sayo"

Nag-init ang mukha ni ana at nag iwas ng tingin si rex naman ay tumikhim at namulsa.

At saka pa lamang naalala ni ana na hindi dapat siya makita na kasama ni rex. Kumbaga Rextor Elizalde is supposedly an escapade and her little secret. Ayaw niyang magulo ang tahimik na buhay niya sa school. Kahit noong hinatid siya neto ay ramdam niya ang mga bulong-bulungan. Kailangan niya palang kausapin si rex tungkol sa pagtatago ng kanilang relasyon.

Tatlong buwan lang naman at ayaw niyang maging usap-usapan ng lahat kapag naghiwalay na sila at may bago ng ibabanderang girlfriend si rex sa University nila.

"Tara na pen, hayaan na naten si ana. Malaki na yan e. Bigyan na naten ng basbas at baka magsuwail pa at titigas ang ulo, mahirap na " nailing si ana kay lala na nakangisi na. Saka naman nanlaki ang mga mata neto at hinila si pen saka tumakbo papasok ng Timezone.

"Naku si andress, pen. Bilisan naten. Magtago na tayo" rinig niya pang sabi ni lala

"Ba't tayo magtatago. E ano kong anjan ang senyorito?"

Hindi na narinig ni ana ang usapan. Nailing siyang natatawa.

"Your friends are funny, Anastasia"

Friends

Muling napangiti si ana. Yes mga kaibigan. Sinabi nga pala ni pen kanina na kaibigan ang turing nga mga eto sa kanya. At natutuwa si ana sa nalaman. Gumaan ang pakiramdam niya. Her eyes were shining brightly.

Tumambad naman sa paningin nila si Andress at ang mga kaibigan netog si Aj, Fedil at Pluto. Pawang tinitilian at kinababaliwan ng mga babae.

"Your really going through the deal seriously Elizalde" pluto sandejas stared at her with a smirk on his handsome face.

"Your saying?" rex asked na hindi pinansin ang patuyang tanong ni pluto. Nakapamulsa si andress at nililibot ang paningin

"Nah, the elf is hiding. I need to find and punish it" si pluto saka nagpaalam at naglakad papasok ng Timezone. Nagsitanguan din ang tatlo pang lalaki at sumunod kay pluto.

"Let's eat first then Ihahatid na kita" si rex na hinawakan at pinagsalikop ang kanilang kamay.

The Right Kind Of Love ✔Where stories live. Discover now