chapter 21

883 11 0
                                    

Malalakas na katok sa pintuan ang nagpahiwalay kay rex at ana.

"Hey ana, were here, yuhoo" si lala na panay panay ang katok.

"Ayan na yung inaantay ko. Gagawa kameng project ngayon. Umuwi ka muna-

"No way! I'll be in you room love. Just do your thing and I'll sleep. Baka pagtaguan mo na naman ako" pinandilatan ni ana si rex. Hinalikan ni rex ang sentido ni ana saka siya isinama sa pagtayo.

"Go open the door and after that. Maligo ka love. Amoy asim ka" hinampas ni ana si rex at sinamaan ng tingin. Tumawa lng ang binata saka siya iniwan at pumasok sa kwarto niya. Kinalma ni ana ang sarili. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Pinagbuksan ni ana ng pintuan ang makulit na si lala at ang inip na inip na si penelope.

"Katagal mo naman buksan. May ginawa ka ano? May sekreto kang tinatago? Aminin mo na." saka sabay na humagikhik ang dalawa. Sabay niya ring sinabunutan. Nagtawanan lang sila pagkatapos.

"May pagkaen kaba dito ana? Gutom na gutom na aketch beh" nagdire diretso na si penelope sa maliit na kusina ni ana.

"Ang asim ana" nagpagpag na si lala ng upuan tumayo at binuksan ang bintana pati ang pintuan. Saka siya neto tinitigan.

"Ang panget ng itsura mo ana. Teka nga-

Lumapit si lala saka siya inamoy-amoy. Nangusot ang ilong ng bruha

"Nakow, maligo ka nga! Ang asim asim mo na. Dali doon at pagpagan ko etong sofa mo para bumango naman." Tinulak na siya ni lala papasok ng kanyang kwarto.

Nasa kama si rextor at tulog na tulog. Puyat na puyat din yata dahil hindi na neto naramdaman ang pagpasok niya. Kumuha siya ng bihisan lumabas ng kwarto at dumiretso sa nag-iisang comfort room ng kanyang apartment.

Kakatapos niya lang maligo ng maamoy ang niluluto ni penelope. Napakabango. Paglabas niya ay doon agad siya sa lamesa dumiretso.

Adobo lang naman ang nakahain ngunit bakit ang bango naman? Natakam tuloy siyang kumaen.

"Bango ng luto mo pen"

"Hindi ako, naghiwa lang ako ng bawang at sibuyas. Si lala nagluto niyan. Masarap talaga yan magluto si laling. Tara gutom na gutom din na talaga ako"

Ngumuso si lala

"Palibhasa pinagtataguan mo si sir andress mo kaya ayan ang aga aga nasa bahay kana nakatambay. Alam mong wala akong maipapakaen sayo dahil puro sardinas at daing lang lage ulam namin. Tapos kasambahay ka lang naman ang arte arte mo sa pagkaen"

"Kasambahay?" tanong ni ana.

"Oo namamasukan ang buong pamilya namin sa pamilya ni Andress De Chavez. Kaya kapag tinatawag niya akong babe wag ka maniniwala. Hindi yun totoo"

"Haay, mamaya mo na ukrayin ana baka umiyak at mawalan ng gana sa pagkaen. Taralets, kumaen na tayo. Daming stock ng pagkaen sa ref mo ana pwede mag uwi hehe" ngumiti lang si ana. Umupo at nauna ng kumaen sa dalawa. Dahil dalawa lang din ang upuan sa maliit niyang lamesa ay kumuha lang ng makakaen si lala at doon umupo sa mismong sofa. Dalawa nalang sila ni pen ang magkaharap na kumakaen.

"So ang parents ni andress ang nagpapaaral sa iyo?" Tuloy-tuloy ang subo ni pen at tango lang ang sinagot kay ana.

"Okay naman ba ang parents ni andress? Mababait naman sila?"

"Okay lang. Normal sa mayayaman yung mga ganun. Strikta na nasa lugar naman. Tama lang" tumango tango si ana

"Ikaw pen naniniwala ka ba na may gusto sayo si andress?" natigil sa pagsubo si pen. Napatitig siya kay ana.

"Hindi ko alam ana. Babaero si andress at kahit kelan hindi ko pinangarap na ma link sa isang babaero. Kaya hindi ko talaga alam ang sagot sa tanong mo"

"Pero wala ka ba talagang gusto kay andress?" tuluyan ng natigil si pen sa pagsubo inabot ang tubig at tuloy-tuloy na ininom. Tumitig siya kay ana at pilit na ngumiti. Naguguluhan man ay inamin niya ang totoong nararamdaman

"Sa tagal kong naging katulong sa mansiyon nila at alam ko ang likaw ng bituka ng senyorito. Halos iba ibang babae buwan buwan ang ikinakama niya. Noon wala akong pakialam dahil wala naman talaga akong gusto at priority ko ang pag-aaral ko. Gusto kong mabigyan ng maayos at magandang buhay ang nanay at tatay." nagsalin muli ng tubig si pen at uminom

"Hindi ko alam ana kong saan nagsimula ang lahat. Bigla pakiramdam ko nasusuffocate ako. Bigla naiirita ako kapag may kasama siyang ibang babae, bigla nag-iba ang tibok ng puso ko. Pero hindi pwedeng maging kame. Una pa lamang binalaan na ako ng mama ni andress. Hindi ako pwedeng magkagusto sa unico iho at nag-iisang tagapagmana ng mga De chavez. Walang fairytale sa totoong mundo na ako si cinderella at magkakagusto sa akin ang isang prinsipeng gaya ni andress."

Isang matinding katahimikan ang bumalot sa amin.

"So to answer your question. Yes I like Andress De Chavez. Pero sekreto lang naten okay" kumindat si pen saka itinuloy na ang pagkaen.

"Sa tingin mo, ayos lang ba na magkagusto at magmahal tayo sa edad nating eto pen?"

Natigil na naman sila sa pagkaen. Napatitig si penelope kay ana. Pilit inaanalisa ang tanong ni ana. Maya-maya ay tumikhim si pen.

"Kong nakakaramdam kana ng kakaiba sa taong malapit sayo. Kong nag-iiba na ang tibok at ritmo ng puso mo at kong may ilang kanang nararamdaman. Kong umiikot na sa di pagkali ang mga bulate mo sa tiyan. At kong wala kang sagot sa tanong kong bakit nga ba gusto mo siya. Yes ana, maaari tayong magmahal sa murang edad alam mo kong bakit? Kasi walang sagot sa tanong kong bakit tayo nagmamahal. We just feel it. Pinili siya ng puso naten kaya tanggapin nalang naten." naguguluhang nakatitig parin si ana kay pen.

"Minsan yung emosyon iyon yung first reason kong bakit may something e. Yung care na kadalasan wala naman talatang malisya nagkakaroon ng malisya. Tapos nadedevelop siya hanggang sa magkakaroon ng awkward moment. And then the more emotions you give the harder you fall na kahit iilang beses pa lamang kayong magkasama nakakaramdam kana ng kakaibang pakiramdam. Something deep.

Kumamot sa ulo si ana.

"Yes penelope. Naguguluhan ako kasi ang tanong ko lang naman kong okay lang ba na makaramdamn tayo ng pagmamahal sa opposite sex sa edad nating eto. Ang lalim na ng mga hugot mo e"

Humagikhik si lala na nakikinig pala. Namula si penelope.

"Oo naman. Kong nararamdaman mo. Bakit naman hindi?" Umirap si penelope saka uminom ng tubig at tumayo.

"Bilisan na naten ng masimulan na naten ang project. Iwasan naten pag-usapan ang Love. Mahirap mabaliw sa pag-ibig beh!" sarkastik na sabi ni pen.

Humalakhak si lala.

"Oo nga, baliw na baliw ka na nga kay andress e. Aminin"

"Shut up lala!"

The Right Kind Of Love ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat