chapter 11

830 13 1
                                    

"Maraming salamat ana. Lexie texted julian and they meet and guess, my brother was tongue-tied. Tulaley te-" tawa ng tawa si ate mel habang nagkekwento ng mga ganap kay julian. Halos di na kasi ako nakakabisita dahil naging busy ako sa school papers at part time idagdag pa na lage kameng magkasama ni rextor. Halos walang mintis yun sa pag-aantay sa akin sa parking lot ng school at pagsundo.

Hinihilot ko si tita lira ng pumasok si ate mel sa kwarto at ayun nagsimula ng dumaldal.

"Oo nga pala ana sabi ni julian may boyfriend kana daw. Pogi daw at habulin ng babae." tumango ako kay ate saka pinatunog ang daliri ni tita. Patapos na ako at ang gusto ko na lamang ay matulog. Mabuti nga at hindi ako hinatid ni rex pauwi. May lakad daw sila ng mga pinsan niya. Kaso bukas ay saturday at aalis na naman ulit kame. Mag-iisang buwan narin na naging kame at alam kong monthsary namin bukas. Ni hindi ko alam kong anong gift ang ibibigay ko. Kinakabahan ako. There were butterflies flying in my stomach.

"Hoy natulala na si inday anastasia" kumurap ako ng marinig ang halakhak ni ate mel.

Umiling si tita lira

"Huwag mo pansinin yang si mel, ana at wala lang nanliligaw jan palibhasa matakaw at ayaw mag diet. Malapit ng maging jumbo hotdog sa katakawan"

"Manahimik ka nga my, anak mo ako dapat ako ang kinakampihan mo hindi yung nilalait mo ako. Nakakainis kaya-" umirap si ate mel kaya natawa ako.

"Tapos na tita"

"Haynaku, totoo lang yung sinabi ko. Yung mga lalaki ngayon ay gusto yung mga sexy na babae. Yung baga de papel sa sexy ang katawan gaya netong si ana. Kaya magbawas bawas ka ng kanin. Sundin mo yung sinabi ko sayo na ginawa ng anak ng kaibigan ko. More ulam less rice. Keto diet tawag dun. Mag ganun ka. Hindi yung ang bata bata mo pa balyena kana. Mauuna ka pang ma stroke sa amin ng daddy mo, ewan ko sayo melissa" pinandilatan ni tita lira si ate mel.

Natatawa nalang ako saka nagpaalam na na uuwi pagkatapos akong pakainin ni ate mel na di maipinta ang mukha sa pagsimangot.

Pagkatapos kong magpalit ng damit pantulog ay binuksan ko ang celfone ko na naka charge. Lobat na lobat.

Kakabukas ko pa lang ng tumunog eto,

Elizalde calling....

"Anastasia sulivan! Where the hell are you?" Malakas na boses ni rex ang sumalubong pagkasagot ko pa lamang.

"Nasa apartment"

"Damn it! Why didn't you answer my call. I thought- damn it!"

"Bakit ba? Lobat ang celfone ko. Saka mura ka ng mura ah. Ano bang nangyayari?"

There was agitation in his voice

"I fucking worried. Di kita nahatid kanina. Fu**"

"Will you stop with the cussing"

"Damn warden. He's totally waisted. Kong hindi lang talaga sa wala sa sariling niyang pagtawag kanina sa akin I won't even leave. Mas gusto kitang kasama kaysa sa mga walang kwenta kong pinsan"

"Hey that's foul man"

Narinig ko pa ang kanya-kanyang reklamo sa kabilang linya at ilang pagmumura.

Gusto kong mangiti. My heart constrict. Mag -iisang buwan na kame at hindi pa ako naipakilala ni rex sa mga pinsan niya. Sa school naman ay nakakasalubong ko ang iilan sa kanila. I don't know if they knew that I am dating their cousin. Si warden na ngingisihan at kikindatan ako. Si stanley na tatango lang. Si lexie na tititigan ako ng seryoso kapag nagkikita kame at kapag tinatanong ko naman kong bakit nakatitig ay 'gandang-ganda lang ako sayo babes' ang lageng sagot.

The Right Kind Of Love ✔Where stories live. Discover now