chapter 34

1.2K 16 1
                                    

Matapos ayusin ni ana ang tutuluyang kwarto ng anak ay bumaba siya sa pangalawang palapag at dumiretso sa kusina. Nandoon at busy si ate melda magprepara ng paboritong pagkaen ni tacy at ng mommy mylene niya.

"Excited ka te?" anas ni ana malapit sa tenga ni melda.

"Ay palakang burat! Bwisit naman ana. Ano ba naman at nanggugulat ka!" ang lakas ng tili ni ate melda. Natatawa si ana na nagpunas ng luha sa mga mata.

"Ate magugulatin ka talaga. Kamusta naman yung mangliligaw mo daw sa kabilang pathwalk? Niligaw mo na ba?" Bumungisngis si ate melda

"Naku at umakyat nga ng ligaw. Naabutan ni Flint the great. Ang sama ng titig ng kuya mo beh. Buti nalang kasama ng kuya mo si pamela ayun at sinapak. Gusto ko nga tumawa ng malakas ng kindatan kame ni pamela at pasanin ng kuya mo paakyat yung girlfriend. Haaay pero beh legal na kame ha" humagikhik na pa demure si ate melda. Alam ko dati crush neto ang kuya Flint niya kaso naka move on na yata. Lage kasi chinichika ni pamela e. Makulit kasi yung jowa ng pinsan. Kala mo lalaki kumilos yun.

"Ay ate melda nagba blush ka te" hinampas siya neto kaya natawa si ana.

"Bilisan mo at lulutuin ko pa yung spagetti na paborito ni tacy te" nakangiti si ate melda at ganun din si ana habang tuloy-tuloy ang kanilang kwentuhan at kamustahan.

"Can we start over, Love?"

The words echoed. Like a lifelong Dream for ana. Pagkatapos niyang magrestroom ay nag-aantay si rextor sa labas and he asked to talk to her privately which she obliged. Hindi malaman ni ana ang mararamdaman. Hindi niya matukoy kong anong pakiramdam ang ibinibigay sa kanya ni rextor. She knows she was over him. Yes, definitely. Yet her heart started to waver as ana stared at rextor's almost hollowed and pleading eyes. Sabi nila 'eyes is the window of our soul'. Rextor's eyes spoke lots of emotions.

"Hoy beh oks ka lang? Natulala ka naman jan." Nilingon ni ana si ate melda saka inilingan. Isang buntunghinga bago siya naghugas ng kamay.

"Ate akyat lang ako ha, tawag mo ako pag tapos kana mag prep dito te. Mabilis lang naman lutuin ang sauce. Ligo lang ako at baka dumating na sila mommy."

"Sureness beh. Wag mo na isipin yun beh mahal ka nun" kumindat pa si ate melda.

Pagkatapos maligo ay mabilis na nagbihis si ana at umupo sa dulo ng kanyang kama saka tumulala. Iniisip ang isang plano na matagal ng umuukilkil sa likod ng kanyang isip.

"Find time for yourself and ask if tassiana needed a father figure or not. Try to understand that each child wants a father growing up. Hindi lang ikaw ang gumawa at nag-enjoy upang mabuo si tacy, anak. Isipin mong maigi at magdesisyon kong ipapakilala mo ba si tassiana sa ama niya. Kasi kong ako, gusto kong magkakilala ang dalawa. I am not fond of those stories na hindi ipapakilala ang anak at itatago. That's a decision na never kong gagawin dahil ang sa akin ay isang responsibilidad na dapat gampanan ng isang ama ang obligasyon niya sa kanyang anak. Ginawa niya, ipinutok niya sa loob, nakabuo siya! Aba'y panindigan niya!"

Minsan gustong matawa ni ana sa mindset ng sariling ina. Mas maigi pa minsan kausap ang tita liza dahil napakalumanay, ang mommy niya ay lageng galit pag nagsasalita na siyang normal na daw para dito.

"Hindi ako galit!"

Ang lage pa netong bukambibig kapag napupuna na na tumataas na ang presyon neto kakawento.

Isang malakas na buntunghinga ang pinakawalan ni ana. Tumayo saka kinuha ang suklay at lumabas ng kanyang kwarto.

Pagkababa ay nabungaran ang napakalaking ngiti ng anak na nakatuon ang pansin sa kanya..

"Mommy" tili neto saka tumakbo papunta sa kanya. Tumawa si ana saka umuklo at binuhat ang anak, kinarga, inikot ikot at niyakap ng mahigpit sabay pugpog ng halik sa namumula netong pisngi.

"Miss kita my" tacy whispered in her cute voice. Bigla nawala ang kong-anong isipin ni ana. Gumaan ang pakiramdam at nakangiting tinitigan ang anak.

Ah, such inocence.

Tassiana grows up looking just like her. Kamukhang-kamukha niya ang anak at mata lang yata neto ang namana ni rextor.

"I miss you too, my doll" pinangigilan niya ang pisngi neto.

Nakaramdam siya ng kurot sa bewang

"Tigilan mo ang kakaliparot sa pisngi ng apo ko anastasia. Baka hindi lang bewang mo ang makurot ko at pati singit. Mapapalo pa kita!" Ngumuso si ana. Masama kasi ang tingin sa kanya ng mommy mylene.

Binalingan niya si third at kuya flint. Seryoso ang huli samantalang naka lagot ka naman ang kamay ni third. Umirap si ana. Ano na naman ba ang ginawa niya? Kakarating lang ng mommy niya may nakapagsumbong agad dito.

"I heard from flint you dated and hook up with a lot of boys, ana."

"Hindi ay!" mabilis niyang tanggi. Jusko naman. Kiss kiss lang walang pasukan na nangyayari. Maygad naman ang sources ni  mommy o.

"And I also know that you were playing hide and seek with your cousins. You rarely go home. You never answered calls. Almost every saturday your drinking to your hearts content. What happened anastasia? Were you back to your old ways? Kelangan na ba naming humanap ng doctor mo?" nag alburoto ang puso ni ana. Inis na inis sa kuya flint. Masama niya etong tinitigan.

"What? You think my lips slip? I don't care what you do. Just don't get home and tell us your pregnant again!" baritono at maotoridad netong sabi.

"Nakakainis ka Kuya! I won't get pregnant okay! We all know I can't get pregnant again. That's the price i needed to pay. I already accepted it-" humina ang boses ni ana. She choked. Naging tahimik ang sumunod na sandali. Walang nagsalita maski isa. Noong una nahirapan si ana tanggapin kasi gusto niya pa ulit mag-anak. Yet life isn't fair. Pero habang unti-unti siyang nalalapit kay God. Habang paunti-unti naipapaliwanag ng tita liza at mommy niya ang kahalagahan ng buhay ay dahan-dahan niyang natanggap na mayroon siyang isang tassiana.

"Others did their best to get pregnant. Ginagawa nila ang lahat at komunsulta sa iba't ibang doctor at espesyalista upang magkaanak lamang. Even other pray and devote their selves just to have one child. Others do those  artificial insemination. Maswerte ka parin anak at naranasan mong magkaroon ng isang tassiana. Life maybe hard but that is all it has to it. Let's just face it head on. Let's accept our fate. Life is beautiful. You just need to see the beauty in it."

"Shhh, don't cry mommy. I will punch who makes you cry." Bulong ni tacy saka siya pinugpog ng halik. Nawala ang bigat sa dibdib ni ama saka hinawakan ang mukha ng anak.

"Even if it's your dada Flint making mommy cry. You'll punch him for me?" ngumiwi si tacy.

"Mahal na mahal kita tacy ko" ngumiti ng malawak si tassiana.

"Mahal na mahal din po kita. Kiss kita mommy" tumawa si ana. Nakasalubong ang mga mata ng kuya flint. Isang pang-unawang ngiti ang sumalubong sa kanya. Nginitian din ni ana pabalik ang pinsan.

Ah, yes life is indeed still beautiful. Together with her family. She knows she could conquer all her worries. 

The Right Kind Of Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon