chapter 24

898 12 1
                                    

Hindi niya na napasukan ang nag-iisang klase ng araw na iyon. Nag-iwan lamang ng note si rextor na babalik eto kinagabihan and he will be sleeping in her apartment again. Mayroon nang nakahaing pagkaen sa kanyang mesa. Napangiti si ana ng matitigan ang ulam na niluto neto. Chopsuey. Napansin din pala neto na mahilig siya sa gulay.

Pagkatapos kumaen ni ana ay naligo at nag-asikaso siya ng sarili para pumasok sa ikalawa niyang klase. Mayroon siyang tatlong subject na papasukan ng araw na iyon.

Inabot niya ang celfone na nakalapag sa kama, lumabas ng kwarto saka kinuha ang kanyang shoulder bag at susi ng apartment. Nagsuot ng sapatos saka siniyasat ang sarili sa salamin. Nang masigurado na maayos ang itsura at nakaipit ng maayos ang buhok ay nginitian ni ana ang sarili sa salamin.

You're eyes is glowing crazy girl!

Fighting!

Huminga ng malalim saka siya umalis ng kanyang apartment at naglakad papasok ng University.

Pagdating ng school ay dumiretso siya sa gazebo na lage nila tinatambayan nila pen at lala last year and the two were already there.

Sinipat niya ang dalawang dating kaklase. Si pen na parang may pinagdadaanan at si lala na nakatitig kay pen at nag-aalala.

"Penelope, Lalaine" tawag niya sa dalawa

"Uy ganda. Andito ka" si lala na nalipat ang tingin sa kanya.

Naglakad siya at umikot sa kabilang upuan kong saan nakaupo si lala saka nakaharap kay pen.

"What happened pen?"

"Ewan ko ba jan at kanina pa ganyan. Di naman sinasabi kong bakit. Kanina pa tahimik yan. Parang ang laki laki ng pasan sa daigdig." sumimangot si lala at humalukipkip

"Alam mo dapat shinishare mo yung pinagdadaanan mo para kahit papaano gumaan pakiramdam mo. Hindi yung ganyang para kang namatayan pen" dagdag ni lala.

"May problema ba pen? Ayos ka lang ba?" malumanay ang boses ni ana. Tumingin sa kanya si pen at umiling.

"Ayos lang ako" tumaas ang kanyang kilay. Siniyasat kong nagsasabi ng totoo ang kaibigan.

"Okay. We won't interfere. Kapag hindi mo na kaya at alam ang gagawin. Tell us. We are ready to listen. We might not help you a lot but it can lessen the burden you are feeling when you tell it to us" isang mapang-unawang ngiti ang iginawad ni ana.

"Oo pen. Kapag di mo na kaya magkwento ka lang andito lang kame ni ana."

I don't know why but I felt full. Maaliwalas at maganda ang pakiramdam ko at ang gaan gaan. Maybe because I really earned a friend with penelope and lalaine.

When rextor proposed to me that we continue our relationship into a serious one. Nanghinge siya ng tulong nun kay ana at pinagtulungan nilang ayusin ang apartment ko. At ng dumating ang monthsary namin which was supposedly the last day of our fake relationship. Rextor asked me to be his real girlfriend. Before the semester ended I accepted his proposal. And I'm glad because he let me feel every emotions on how special I am and on how he loves me very much. Nakakapuno ng puso. Minsan nakakaapaw na nga. And I am contented. I feel his love and the assurance. For me that is enough.

"Nagvibrate celfone mo ana. Kanina pa yata may tumatawag sayo" si lala.

Nakalapag kasi ang celfone niya at nang tignan niya kong sino ang tumatawag ay nagsalubong ang kanyang kilay,

Mommy M calling.......

Hindi niya pa nakikita ang mommy niya. She talked to her on the phone but never siyang umuwi sa kanila. Her family is her greatest taboo.

Sinagot niya na ang tawag at nakalimang missed call na ang mommy niya

"Hi is this the daughter of Mrs. Mylene Sulivan. She is admitted in our hospital. Please come immediately -"

"Anong nangyari sa mommy ko!" sigaw ni ana.

"Come to Marymount Hospital" pagkatapos netong ibigay ang numero ng ward ay ibinaba na neto ang tawag.

Nanghina bigla si ana. Her mother is a tough woman. Matigas ang ulo. Pero kahit ganun ay mahal niya ang Ina. Di lang talaga niya maintindihan kong bakit hindi neto hinihiwalayan ang Daddy raul niya samantalang alam naman ng mommy niya na niluluko na eto ng daddy niya. She let him ruin her at hindi niya maintindihan ang logic na iyon kahit gaano pa siya katalino.

Tumayo na si ana.

"I needed to go home . I'll see you both pen and lala. Mag-ingat kayo. Call or text me pen if anything comes up. Bye" nagmadaling pumara ng taxi si ana at nagpahatid sa sakayan ng bus pauwi sa kanila.

Halos tatlong oras ang biyahe at ng makarating ng terminal ay nandoon na ang driver ng daddy niya at nag-aantay sa kanya. Tinawagan niya eto habang nasa bus siya. Her mother was admitted because of panic anxiety. Nanigas daw eto sabi ng kasambahay na nag-iisang kasama ng mommy niya sa bahay nila.

Pagdating ng ospital ay dumiretso siya sa ward ng ina.

"Why can't you choose me, raul? Hindi ba pwedeng ako naman ang piliin mo? Kame ni Anastasia. I am so tired raul, so tired that I wanted to end my life completely." nanigas si ana. Hindi naituloy ang pagpasok sa ward ng ina. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Her heart ached for her mother. Nanghina siyang napasandal sa pader. Nakaawang ang pintuan at rinig na rinig ang hagulhol ng mommy niya. Nararamdaman ni ana ang di maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng ina. Tumingala si ana. Pinipigilang huwag umalpas ang luha.

"I already choose her mylene. Just give up already"

Ang paglakas ng hagulhol ng ina at ang binitiwang salita ng daddy niya ang naging hudyat at kusang kumawala ang luhang tuloy-tuloy na umagos. Napahawak si ana sa sariling dibdib. Ang sakit. Ang sakit sakit.

"She was my greatest love. I can't let her go mylene. I'm sorry"

Lumabas ang daddy ni ana at nagsalubong ang tingin nila. Puno ng pait ang mga mata neto at hilam naman sa luha ang mga mata niya.

She saw pain in her father's eyes. Pilit netong ipinapaunawa sa pamamagitan ng mga mata neto na nagkasala eto at paninindigan neto ang desisyong pinili kapalit ang pagpaparaya ng kanyang ina dito.

Pumikit si ana. Kuyom ang kamao at tinatagan ang sarili. Pinunasan ang luha.

"I... I will take care of her daddy. You can leave." saka niya iniwan ang naghihirap na damdamin ng ama habang nakatitig sa kanya.

Pagpasok sa loob ng ward ng ina ay nakatulala eto. Nang mag-angat eto ng tingin ay hungkag ang mga matang tinitigan siya neto.

"I lost your father, ana. I lost him long time ago. I just can't accept it. I cannot accept it" humagulhol na naman ang mommy niya.

Baradong-barado na ang lalamunan ni ana. Pinipigilan niyang huwag umiyak. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang dalawa.

"My"

"How to accept everything anak. H-how to unlove him?"

Pinunasan ni ana ang luhang nagkusang tumulo. Nilapitan ang ina saka niyakap.

"I, I love you my. Let me be the one you will love. Give me all your love, my. Give it to me" saka siya tahimik na umiyak kasabay ng ina sa pagtatangis neto.

The Right Kind Of Love ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora