chapter 25

1K 19 3
                                    

Nanatili si ana sa ward ng mommy niya hanggang kinabukasan na pinayagan etong ma discharge sa ospital. Inasikaso niya ang mga kailangan na dapat bilhin. Tinawagan ang tita liza niya at ibinalita ang nangyari sa mommy niya

"I told her to annul her marriage with raul. Ewan ko ba jan sa mommy mo at nagtitiis. Hindi naman tanga pero nagtatanga-tangahan. Haynaku. Call me anak kong may mangyayari pang ibang drama. Mas mabuti pang ipalibing nalang ng buhay yang mommy mo. Nakakainis!"

Halatang stress ang tita niya kaya nagpaalam na siya pagkatapos ng marami netong bilin. Di rin kasi neto matiis ang nag-iisang kapatid na siyang mommy niya.

Pagkauwi sa bahay ay hiniram niya ang charger ng ina at nagcharge ng celfone. Nakalimutan niyang dalhin ang charger niya. Nang buksan niya ang celfone ay ilang missed calls at message ang natanggap niya.

"Where are you, anastasia?"

"Damn! What the hell happened!"

"Answer your phone, ana!"

"Goddamit! Where the hell are you, love? Please answer my calls"

Puro text ni rextor at ilang text ni pen at lala na nagtatanong kong nasaan siya at hinahanap daw siya ni rex.

Ana dialled rex number. Gusto niyang makausap ang nobyo. Nanghihina parin siya. Kapag narinig niya ang boses ni rex ay paniguradong lalakas muli ang loob niya.

"Hello" boses ng babae ang sumagot. Kumunot ang noo ni ana. Kumalabog ang puso.

"Hi, pwede makausap si rextor" si ana.

"He is in the shower. I will tell him you called-

"Baby, who called?"

"Wait, ibibigay ko ang celfone kay rex"

"Baby, The name registered is A. Here o"

Nanigas si ana sa palitan ng salita ng dalawang tao sa kabilang linya. Napahigpit ang hawak niya sa celfone. Bigla pakiramdam ni ana napakainit at alinsangan ng paligid. Her mind started to drizzle. Alam niyang si rex na ang nagsasalita sa kabilang linya pero wala siyang naiitindihan. May buzzer siyang naririnig. Naibaba niya ang celfone. Pawis na pawis siya. Litong-lito ang pakiramdam.

"Ana, ana" hinawakan ni ate melda ang kamay at mukha ni ana.

"Naririnig mo ba ako. Jusko kang bata ka. Namumutla ka at ang lamig lamig mo. Kagagaling lang ni ate mylene sa ospital. Huwag niyo akong tinatakot na mag ina. Ano ba ana!" hindi naririnig ni ana ang sigaw ni ate melda. Napapikit siya at tuluyang nawalan ng malay.

Napasigaw ang kasambahay at nagmadaling lumabas ng bahay at nagtawag ng kapitbahay na magbubuhat kay ana para madala sa ospital. Iniwan ang amo na kagagaling lang sa sakit at ipinakiusap na tignan tignan ng kapitbahay saka sinamahan si ana sa ospital.

Nang magising si ana ay si ate melda ang nabungaran na may pag-aalala sa mga mata habang nakahalukipkip.

"Tinakot mo ako ana. Umayos kayong dalawa ng mommy mo. Di pa ako nag aasawa baka mauna akong mamatay sa inyo"

Naka dextrose si ana. Pumasok ang doctor at nurse at cheneck ang kalagayan ni ana.

Maya maya ay ngumiti ang doctor.

"Congratulations iha, you are two weeks pregnant. These are the medicine you need to drink and vitamins. Bawal kang ma stress. Your pregnancy is a very delicate one. You might not get pregnant again after this one. I suggest you bed rest for the whole month. Isa ang kaso mo sa bilyong mga babae na hirap magbuntis. You are lucky you get to experience being pregnant. Make sure you are safe and the baby okay. You rest and you can go home tomorrow"

Nakatulala si ate melda. Maski si ana ay di makapaniwala. Hindi pa siya handa maging ina. She have a lot of plans at ang pagbubuntis ang huli niyang nais mangyari. Kaso ni hindi niya naisip na mag morning pill or uminom ng birth control pills. She was so intoxicated with Rextor Elizalde. She was into him to the point of forgetting her plans. Forgetting herself in the process.

She was into him that she feel deeply in love.

And it hurts. It really hurts.

Umiyak si ana.

"Uy ana ano ba. Di ba bawal ka ma stress. Magpakatatag ka. Uuwi pa ako. Aalagaan ko pa si mommy mo. Ikaw lang maiiwan mag isa dito. Kaya mo ba mag isa? Huwag ka umiyak ana. Be strong lang tayo be. Di ko naman pwede dalhin dito si ate at dito patulugin. Nag aalala ako sayo ana"

Umiyak lang ng umiyak si ana. Nang pakiramdam niya wala na siyang mailuha ay suminga siya at tinignan si ate melda.

"Uwi kana te. Kaya ko. Sunduin mo nalang ako bukas"

"Sigurdo ka? Bilhan kitang pagkaen para makakaen ka bago ako umalis. Bilhin ko muna ang mga nasa reseta. Tinawagan ko ang kuya flint mo. Baka papunta na yun dito. Sabihin ko nalang pagdating sa bahay na puntahan ka dito at bantayan. Huwag ka na umiyak ha. Makakasama kay baby" iniwan na siya ni ate melda.

Huminga ng malalim si ana. Napatitig sa pader. Naisip ang halos magtatatlong buwan na relasyon nila ni rextor.

"Nararamdaman ko naman na mahal mo ako pero bakit ganun Elizalde. Bakit ganun? Bakit may ibang babaeng sumagot ng tawag ko? Bakit A lang ang nakaregister na pangalan ko sa phonebook mo?" hindi napigilan ni ana na maitanong at ibulalas ang salita habang nakatitig sa kisame .

Gusto niya na naman umiyak. Gusto niyang pawiin ang sakit na naramdaman.

"Bakit?" malat ang boses niyang tanong

"Anong naging kasalanan ko? Why am I hurting. I didn't even do anything to hurt anyone or anybody! Why am I hurting?" Humagulhol si ana. she clutch her chest. The pain consumed her.

Hanggang sa unti-unti halos pangapusan na si ana ng hininga. Pilit niyang inaabot ang buzzer (emergency button) kaso di niya maabot.

Am I going to die right now?

Saka niya naramdaman ang oxygen na inilagay upang makahinga siya ng maayos. Malabo ang tingin na inaninag ang lalaking nakatayo at nakahalukipkip na nagmamasid. Salubong ang kilay at ang mga mata ay puno ng pag-aalala. Tiim ang bagang at lapat ang labi.

Kuya Flint

The Right Kind Of Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon