chapter 18

866 12 1
                                    

"School will be finish soon ana. I'm going to buy as tickets for London. Kinukulit na ako ni nanay liza" kausap ko si kuya flint habang kumakaen ng lunch sa canteen ng school. Si julian na kasabay ko mag lunch ay walang pakialam na tuloy-tuloy ang subo sa pagkaen.

Kakatapos lang ng Intramurals at hindi niya halos nakasama si rex dahil busy ang lakaki sa laro neto at sila naman ay kuntodo sayaw bawat game neto. Halos nga nagkikitaan at nagtatagpo nalang ang tingin nila sa court dahil sa sobrang busy. Tatanguan at kikindatan lang siya ni rex minsan at ngingisihan pa. Akala tuloy ng iba niyang kasamahan ay sila ang nginingisihan at kinikindatan ng loko. Tapos si lala at ana ay kontodo bulong na puro naman pang-aasar.

"Titignan ko pa kuya. Tawagan kita kapag nag ok na lahat ng kelangan kong gawin. E clear ko muna kuya para sa enrolment nalang ako babalik"

"Alright, I'll wait for your call" nang ibaba ni ana ang tawag ay nangunot ang kanyang noo at nagsalubong ang kanyang kilay

"What's that smell, julian?" Si julian na nagcecelfone ay tinignan siya saka pilit inamoy ang naamoy niya

"Tuyo yata ana. Mabango amoy niya. Tingin ko nagluto sa likod ng tuyo yung mga kusinera. Saka di naman halata amoy e. Lakas ng pang amoy mo grabe" she scrunch her nose at umirap kay julian.

Pumanget kasi yung pakiramdam niya nung maamoy yun e buti nalang at inabot sa kanya ni julian yung tubig niya. Gumaan pakiramdam niya ng makainom ng tubig saka niya tinapos ang pagkaen. Meron pa siyang dalawang subject na papasukan tapos ngayon naman ay inaantok siya.

"Tapos kana? Tara na, tara na" sumunod ako kay julian kaso di naman siya tuloy-tuloy na lumabas. Natulala at may tinitigan kaya sinundan ko ang tinitignan niya. Kumabog ang puso ko.

He is smiling and staring at the woman he is with. Pinagbuksan niya pa ng pintuan saka sila muling nag-usap na dalawa na para bang sila lang dalawa ang tao sa mundo. Ni hindi alintana ang bawat matang pinanunuod ang bawat nilang hakbang.

"A-ana" kumirot ang puso ko sa tawag ni julian. Hinawakan niya ang aking balikat.

"Ayos ka lang ba? Huwag ka iiyak dito ha. Di ko alam magpatahan e. Doon ka sa bahay kay ate mel, ana" natawa ako sa tinuran ni julian.

"S-sino,-

"Di ko kilala ana e. Parang di naman yan nag-aaral dito. Diba pwede tayo magdala ng kamag-anak, kakilala o kaibigan kasi intramurals naman. Saka last day ngayon kaya madami talaga kahit taga ibang school na bumibisita"

Huminga ng malalim si ana. Pilit inaalis ang bara sa lalamuna at kirot sa dibdib

"Tara, baka ma late pa tayo sa next subject naten" ni hindi ko na tinignan si rextor kasama ang ibang babae at sa ibang exit nalang kame lumabas ni julian.

Wala ako sa sarili na naglalakad kasunod ni julian ng may humigit sa akin. Natigil din si julian.

"L-lexie" utal pang bulong ng kasama ko.

"Are you alright ana? You've seen rex with francheska right?" so francheska pala ang name ng girl.

Umungol si lexie nang tumango ako.

"Did he invite you this sunday sa bahay nila?" She asked again. Umiling ako. Why would rextor invite me. Are we even serious? Pero kumirot ang puso ko. Pakiramdam ko ay may tumutusok dito.

"Seryoso? Sabi ni auntie she asked rex to invite you. So syempre nag expect yun si auntie at tito na pupunta ka nga at ipakikilala ni rex na girlfriend niya. Diba you are both serious with your relationship. Or are you not?"

nagtiim ang labi ko. Kumalat ang sakit na nararamdaman sa kaibuturan. Nakakainis! Pinigilan ko ang aking sarili na huwag humulagpos ang iyak at sakit nararamdaman. Kinuyom ko ang aking kamao saka huminga ng malalim.

"Our three months were coming lexie. Tatlong buwang relasyon and I think hindi na talaga aabot ng three months. He is already displaying his next target" nginuso ko ang pa canteen.

Kitang-kita ko pa ang gulo at ang sakit na dumaan sa mukha ni lexie bago kumurap and her eyes were pleading.

"Let's talk later ok. I'll tell you later. I needed to talk to my cousin first." Saka siya iniwan ni lexie. Pakiramdam ni ana ay babagsak anumang sandali ang luha niya.

"Naku ana, lika dali" kinaladkad ako ni julian papasok sa isang walang taong classroom. Tuloy-tuloy na nag-unahan sa pagpatak ang aking luha. Ang sakit na tumutusok sa aking puso ay hindi ko mapigilan. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

"Sa tingin ko ana kausapin mo si Rex kasi baka friendship lang niya yun. Alam mo yung pinaka importante sa isang relasyon. Tiwala at pag-intindi. Tapos communication daw sabi ni mommy."

Nang wala ng mailuha ay huminga ako ng malalim saka kumalma ang puso ng mailabas ko na ang sakit na naramdaman.

Naintindihan ko si julian. Naalala ko ang mommy, I don't know why she let herself succumb to such pain. I don't like it. Ngayon na nararamdaman ko eto ay ayaw ko ng pakiramdam. Nakakasuffocate ang sakit. Feeling ko nga kong wala akong control sa sarili ay mababaliw ako.

Because you feel love ana. You love rex that's why it almost kill you. Because loving too much is killing yourself.

Ana blink. She loves Rextor Elizalde. At sa mumunting sandali na magkasama sila ay mabilis na nakuha ni rex ang loob niya, mabilis netong napasok ang halos di natitibag niyang harang sa puso. Pinanghinaan ng tuhod si ana at umupo sa upuang naroon.

"Namumutla ka anastasia, dalhin na ba kita sa clinic? Anong nararamdaman mo? Malapit na magstart ang klase naten, ipagpaalam nalang kita sa proffessor naten." tiningala ko si julian saka pilit na nginitian.

"Ayos lang ako juls. Saglit lang ha. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako pero saglit lang talaga. Pahinga lang ako."

Tumango si julian saka nag crossed arm na  nakatitig saken at pinag-aaralan yata kong ayos lang ba talaga ako.

It felt weird. Sometimes julian si childish and most of it wala siyang pakialam sa paligid niya and he does things he likes. Kahit nga inaasar siya na special child daw ay wala siyang pakialam. But now, his eyes were observing intelligently at me. His eyebrows were seriously staring. Napalunok si ana. Hindi niya kayang salubungin ang nananantiyang titig ni julian. He is like a brother to her, the only close friend she could ever have.

"Whatever you are going through ana, Laban lang. Hindi ka pababayaan ni God. Ask for guidance and assistance. Ask protection and strength. He is always  watching."

I don't know but it touched my vulnerable heart. I let myself cry. I know I am strong but I wanted just for a while to cry to just lessen the pain I am feeling. Alam ko naman na hindi dapat ako umiyak dahil wala namang katiyakan yung sa amin ni rex saka hindi ko pa siya nakakausap para klaruhin kong sino yung kasama niya kaso kasi napaka sensetive ko lang bigla bigla. Kaya ayan hinayaan ako ni julian na umiyak.

Ilang minuto ay kumalma na ako. Binigyan ako ni julian ang chocolate na kitkat saka siya ngumiti. Ngiting nakakapagpakalma.

"Are you okay now? Late na tayo sa klase. Later di na kita masasamahan. Be strong ka lang ana" nagpatianod na ako sa hawak ni julian sa aking braso. Pumasok kame sa klase kahit late na kame. Buti nalang at walang exam kaya hinayaan kame ng prof na makinig sa lecture at humabol kahit late na kame.

The Right Kind Of Love ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora