Chapter 10

33.1K 1K 274
                                    

"KITTEN MAUPO ka. Kaya ko na ito," saad ni Riot habang isa-isang inilalapag sa mesa ang mga dala nito. "Pasensya na kung late akong nakauwi." Bumuntong-hininga ito.

"Ayos lang Riot. Okay naman na ako." Tipid niyang sagot sa binata.

Pumalatak lang ito at hindi maipinta ang mukha na inayos ang mga dala. Tapos ay kumuha ito ng plato at pinaghiwa siya ng cake na dala nito.

"Salamat Riot." Nakangiti niyang saad sa binata.

Tumabi ito sa kanya at niyakap ang bewang niya. Habang si Iiliri ay malawak ang ngiti na nag-umpisang kumain.

"Riot ang sarap! Matagal na rin nung huling kumain ako ng cake."

Umungol si Iiliri ng muling sumubo ng cake. Masarap talaga. Mas masarap sa cake na binibili ng lolo't lola niya noon pag-araw ng kaarawan niya at pasko.

"Kainin mo kahit ilan ang gusto mo. Bibilhan kita ulit minsan pagbumalik ako sa amin," saad nito.

"Hindi ba mahal Riot?" Tanong niya. "Mahal kasi ito sa bayan kaya't pagkaarawan ko lang at pasko bumibili noon ang lolo't lola ko."

Nagkibit ito ng balikat at hindi sumagot. Hinalikan nito ang pisngi niya bago nagpaalam na maliligo at magbibihis lang.

Matapos kumain ay nilinis niya ang pinagkainan bago inayos ang higaan ni Riot. Tapos ay nagsipilyo ulit sa lababo bago naupo sa papag at hinintay si Riot na makalabas ng banyo.

"Matutulog ka na ba agad Riot?" Tanong ni Iiliri ng lumabas ang binata sa banyo habang nagpupunas ng mukha.

Nakasuot lang ito ng short na itim na medyo bumabakat sa kalamnan nito sa binti. Wala itong pang itaas kaya't malaya niyang nakikita ang matipunong katawan at ang tatu nito. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang abs nito na namumuo.

Minsan lang si Iiliri makakita ng ganon sa palengke. Pero pagnakakakita siya ng lalaking may ganon sa palengke ay hindi naman nakakaakit sa mata tignan. At minsan sa mga poster sa bayan ay may mga model din na walang pantaas. Pero tulad ng mga lalaki sa palengke na may abs, wala siyang maramdaman na paghanga o kagustuhan man lang na hawakan ang mga iyon.

Pero bakit yung kay Riot gusto niyang haplosin at pindutin.

Matigas kaya? Naitanong ni Iiliri sa isipan. At hindi niya maiwasang tignan ang umbok sa harapan nito ng maisip ang salitang matigas.

"Kitten..."

Nagtaas siya ng tingin sa binata nang tinawag siya nito sa nagbabantang tinig. Mariing nakagat ni Iiliri ang pang-ibabang labi ng makita na nag-aapoy ang mga mata nito at nagtatagis ang bagang.

Nako... mukhang mali ata na tumitig siya sa binata ng ganon...

Katagal...

Baka nakakaramdam na naman ito ng kagustuhang magtalik.

Pwede kaya iyon? Para tingin lang nabubuhay na ang ano niya.

Nakangiwi na binigyan ng ngiti ni Iiliri si Riot. Tapos ay dahan-dahan siyang tumayo mula sa papag at nagkamot ng noo.

"Ah... eh— matutulog ka na pala dahil pagod ka. Sige tulog na rin ako." Mabilis niyang turan at tumalikod ng mabilis.

Tumatahip ang puso ni Iiliri nang makapasok sa silid niya. Pinaypayan niya ang sarili dahil ang init ng pakiramdam niya.

Napabuntong-hininga si Iiliri bago kumuha ng maluwag na sando na lagpas lang sa puwit niya ang haba. Nagpalit siya ng damit dahil sa init na nararamdaman bago nahiga at pinakinggan ang galaw ni Riot na mukhang may kinakalkal sa bag nito.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon