Chapter 28

32.9K 947 32
                                    

KAGAT-KAGAT NI Iiliri ang daliri habang palakad-lakad sa sala ng bahay ni Riot at hinihintay itong umuwi.

Kasama niya ang tatlo, si Hinhin at Riri na tulog at si Gulo na gising pero papikit-pikit na ang mata. At mukhang tulad niya ay hinihintay rin nitong dumating si Riot.

Nag-aalala siya para sa binata lalo na't mula ng araw na sinabi nila ang pagmamahal nila sa isa't-isa ay naging tahimik na ito. Laging tulala at mukhang laging malalim ang iniisip.

Hindi na rin nito binuksan muli ang kagustuhan nitong isama siya sa party sa bahay ng magulang nito.

At ngayon ang araw na iyon.

Marami ang pumapasok sa isipan ni Iiliri na maaaring ginagawa ng binata sa mga oras na ito at isa sa hindi magpatahimik sa kanya ay ang posibilidad na baka may babae itong kasama.

Baka isa sa model at artista na naman ang kasama nito.

Sa isiping iyon ay may pumipiga sa puso ni Iiliri. Ayaw niya ng isipin kung ano pa ang maaring gawin ng mga ito at baka umiyak lang siya. Sana lang hindi ganoon ang ginagawa ng binata. Sana lang umuwi na ito.

Konti na lang at naibabalik na ang tiwala niya kay Riot. At umaasa siyang wala ng ibang dahilan pa para pigilan niya ang sariling tanggapin ulit ito tulad ng pagtanggap niya dito noon.

Naupo sa sahig si Iiliri sa tabi ni Gulo nang mapagod sa kakalakad.

"Gulo, ano ba ang pinakain sayo ng isang iyon at ganito mo siya pahalagahan?"

Kausap niya sa aso niya para kahit papaano ay hindi siya mabingi sa katahimikan ng bahay.

Oo, minsan ay nakakabingi ang katahimikan para sa kanya.

Iiliri rubbed her dog's fur while its head rested on her lap. Hindi ito sumasagot, syempre at ang mata ay pumikit lang pero alam niyang gising parin ito.

Buti na lang at Sabado, hindi problema kahit alas-dos na ng gabi at gising parin siya. Wala siyang pasok sa trabaho o sa paaralan.

"Matulog ka na Gulo, ako na lang maghihintay kay Riot." Utos niya sa aso.

Pero tulad ng paborito nitong tao na kapangalan nito sa ingles ay hindi ito nakinig. Kaya naman kinausap niya na lang ito habang sinusuklay ang balahibo nito para mas antukin pa ito.

"Alam mo Gulo, minsan naisip ko na kaya ka ganoon kay Riot ay dahil sa bilin ni lolo sayo. Hindi ko nga lang alam kung posible ba iyon."

Tumingin si Iiliri sa screen ng nakapatay na tv at inalala ang ilang beses na kinausap ng lolo niya si Gulo tungkol sa lalaki na papasok sa buhay niya noong nabubuhay pa ang matanda.

Mahigit tatlong beses narinig ni Iiliri ang lolo niya na kinakausap si Gulo na kilatisin lahat ng lalaking darating sa buhay niya. Kabilin-bilinan ng matanda sa aso na dapat maging malapit, pahalagan, at mahalin nito ang lalaking sa tingin nito ay magiging mabuting katuwang para sa akin.

"Siya ba ang napili mo para sa akin, Gulo? Sa tingin mo siya na ang lalaking gugustuhin ng lolo't lola para sa akin kung nabubuhay pa sila? Ramdam mo ba na tunay ang pagmamahal ni Riot sa akin at aalagaan niya ako at magiging mabuti siyang katuwang sa hinaharap, Gulo?"

Tinignan niya si Gulo at nakita niyang nakatingin ito sa kanya tapos ay isiniksik nito ang ulo sa tiyan niya.

Napangiti na lang si Iiliri.

Imposible man na talagang ginagawa ni Gulo ang bilin ng lolo niya ay hindi niya parin maiwasang magbakasakali. Lalo na't kay Riot lang ito ganoon.

Theon, Essex, Phytos, and Monty became her male annoying friends. They are all good and helped her in so many ways aside from they are annoying and well, stubborn too. They've been nothing but nice and were always very helpful and supportive.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon