Chapter 13

32.5K 1K 338
                                    

"RIOT SIGURADO ka ayaw mong sumama?" Tanong ulit ni Iiliri sa binata habang naghihintay sila ng bus papuntang bayan.

Umiling ito.

"Just promise me kitten, mag-iingat ka. No talking to men and eavesdropping on weird stuff." Bilin nito.

Iiliri nodded her head. Pero sa isipan niya ay parang imposible ang hindi makinig sa usapan ng iba.

"Kitten, I can see that you'll be doing otherwise." Mariin siya nitong tinitignan.

Napanguso si Iiliri. "Eh, kasi naman, imposible naman hindi ako makinig sa usapan ng iba."

Bumuntong-hininga ito. "Fine but no talking to men. Especially those who look suspicious and dangerous."

"Oo naman," sagot ni Iiliri tapos ay napalayo siya kay Riot nang marinig ang paparating na sasakyan. "Andito na ang bus, Riot."

Tumingin ito at pinara ang bus. Hinatid pa siya ng binata sa loob ng bus at ito narin ang nagdala bag na puno ng damit na pinanahi niya.

Buti na lang hindi marami ang sakay ng bus at nakaupo siya.

At tulad ng laging nangyayari bago bumaba si Riot ng bus ay hinalikan siya nito sa labi tapos ay pumunta sa driver para sabihing mag-ingat sa pagmamaneho.

Sumilip si Iiliri sa labas ng bintana at kumaway kay Riot na nakangiting nakatingin sa kanya. Umayos na ng upo si Iiliri nang nawala na sa paningin niya ang binata.

Napatingin si Iiliri sa ginang na lumipat sa tabi niya at ngumiti.

"Pwede ba akong tumabi sa iyo iha?" Tanong nito.

Ilang sandaling tinitignan ni Iiliri ang ginang bago nakuhang sumagot.

"Nakatabi ka na po," sagot niya.

Mahina itong natawa.

"Oh, 'di pwede ba akong dito maupo?"

"Nakaupo ka narin po."

Muli itong mahinang tumawa.

"Sige, pwede bang dito na lang ako sa tabi mo maupo?" Muling tanong nito.

"Opo, wala pong problema."

Malawak itong ngumiti. At hindi mapigilan ni Iiliri ang mas lalong mapatitig sa ginang. Hindi niya masabi kung ilang taon na ito. Pero isa lang masasabi niya, sobrang ganda nito. At hindi iyon natakpan sa kabila ng simpleng kasuotan nito at buhaghag na pagkakatali ng buhok nito. Ang ipinagtataka niya lang parang mukha itong mayaman base sa kutis nito.

"Ano mo yung gwapo, matikas, mabait, mapagmahal at matangkad na lalaki na naghatid sayo iha?" Biglang tanong nito.

Gustong sumimangot ni Iiliri kung paano nito ilarawan si Riot. Pero bilang mabait na nakababata sa ginang ay pilit siyang ngumiti.

"Asawa ko po." Walang pag-aalinlangan na sagot niya.

Umawang ang labi nito.

"Verdammt, mein Sohn. Wann hast du geheiratet?" "Damn it, my son. When did you marry?"

Bulong na saad ng ginang na hindi niya maintindihan. Nasalubong din ang kilay nito at parang may kinaiinisan.

"Bago lang kayo iha?" Muling tanong nito.

Napakamot ng noo si Iiliri. "Kahapon lang..."

Naubo ang ginang sa sinabi niya at 'di makapaniwang tumingin sa kanya.

"Kahapon lang kayo naging mag-asawa?" Paninigurado nito.

"Uh... eh, kahapon niya lang po sinabing ako asawa niya."

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon