Chapter 24

32.2K 981 270
                                    

IILIRI GRITTED her teeth because of annoyance.

Limang araw! Limang araw nang hindi nagpapakita ang apat sa kanya.

At sa limang araw na iyon walang sumusundo sa kanya. Kahit sa gabi.

Kinakain na siya sa pag-aalala sa apat na iyon. Hindi rin sumasagot ang mga ito sa tawag niya. Sabado na at bukas ay Linggo wala siyang kasama para ilabas ang mga alaga niya.

Inis na inilagay ni Iiliri ang isang kape sa basket na hawak habang iniisip parin ang apat na lalaki na hindi nagpaparamdam.

Mga walang-hiya ang apat na iyon. Pinag-aalala siya.

Kumuha si Iiliri ng toothpaste at inilagay iyon sa basket na dala nang bigla siyang natigilan.

Ramdam niya na namang may nakatingin sa kanya. Nagtagis ang bagang niya. Halos gabi-gabi niyang nararamdaman iyon pag-naglalakad siya pauwi.

Minsan ay nakita niya na kung sino iyon hind niya nga lang nakita ang mukha. Pero alam niyang lalaki ang sumusunod sa kanya lagi. At sigurado si Iiliri na ang lalaking iyon ay ang lalaki na nakita niya minsan malapit sa baywalk na nakatingin sa kanya habang nakasandal sa motorbike at naninigarilyo.

Kung sino man ito ay manatili na lang sana itong nanonood sa kanya. Dahil ngayon ay alam niya nang buksan ang pocket knife ni Theon. At hindi siya magdadalawang isip na lumaban oras na umatake ito.

Kinuha ni Iiliri ang shampoo na siyang huling nasa listahan niya na kailangan niyang bilhin. Saka pumihit para sana pumunta ng cashier nang matigilan siya sa lalaking nasa bukana ng dalawang grocery shelves at nakatingin sa kanya.

Riot.

Mabilis pa sa kisapmata na tumalikod si Iiliri at sa kabilang direksyon tumungo.

Kinakabahan siya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Lalong-lalo na at nakita niyang matiim itong nakatingin sa kanya.

Nakakainis nakita niya na naman ang manlolokong iyon!

Muli siyang pumihut para tunguhin ang cashier ng sa kabilang dulo ng shelves ay naroon ulit si Riot at nakatingin sa kanya. Natulos si Iiliri sa kinatatayuan at napalunok.

Hindi siya pwedeng magkamali nakikita niyang siya ang sadya nito.

Iiliri mentally cussed when he started to take a slow stride toward her.

Move Iiliri! Sigaw ng isipan niya.

Hindi, ayaw niya ng mapalapit pa sa manlolokong ito. Baka kung ano na naman ang binabalak nito.

Sa isiping iyon ay umatras siya na ikinatigil ni Riot.

In spite of the distance between them, Iiliri was able to see how he narrowed his eyes on her.

Iiliri took another step back.

And that's when she saw a smug and amused smirk cut through his lips.

Iiliri run! Her mind shouted in panic.

With that in mind, Iiliri turned to her left and run.

Lumiko siya at basta na lang iniwan sa sahig ang basket na dala. Isa lang ang nasa isipan niya ang makalabas ng grocery at makauwi kina Gulo ng hindi na ulit nakikita ang lalaki— higit sa lahat ang makalayo dito.

Panay ang paumanhin ni Iiliri sa mga nasasagi niya habang nagmamadaling naglalakad patungo sa exit ng grocery store.

Sumulyap siya sa likuran at nakita niyang sinusundan talaga siya ni Riot.

Kaya naman pagkalabas niya ng grocery store ay agad siyang tumakbo ng mabilis. Hindi niya alintana ang tingin na ibinibigay sa kanya ng mga tao.

Puso niya ang nakataya dito kaya't wala siyang pakialam kung magmukha siyang hinahabol ng maligno.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon