Chapter 26

32.6K 1K 196
                                    

GUSTONG SABIHIN ni Iiliri kay Riot na nakita niya ang babaeng kasama nito noon sa bakery ni Theon at ipaalam na naniniwala na siyang wala itong asawa.

Pero naisip niyang huwag na. Ang importante ay matatahimik na ang kalooban niya at alam niyang walang pamilya ang masisira dahil sa pagtira nila ni Riot sa iisang bahay.

Tulad ng sinabi ni Riot ay sinundo siya nito at pagkarating nga nila ng bahay nito ay nakaabang na ang tatlo sa kanila.

Nahihirapan man ay pinigilan ni Iiliri ang pansinin ang mga ito. Nagtatampo parin siya sa bilis ng mga itong tinanggap si Riot. Lalo na kay Gulo.

Muntik na itong mawala sa kanya noon nang umalis ang binata tapos ganoon lang nito kabilis napatawad si Riot. Masinsinan niya pang kinausap ang tatlo noon sa condo ni Phytos tapos hindi rin naman pala nakinig ang mga ito.

"Riot, gusto kong lumipat ng silid," aniya sa binata ng makapasok ito ng bahay.

Riot tilted his head to the left and gave her an unreadable look.

"There's no other room here, kitten," sagot nito at tinalikuran siya bago pagbagsak na naupo sa sofa.

"Sa laki ng bahay na ito, sasabihin mo walang ibang silid? Huwag mo nga akong pinagloloko." Kalmadong saad niya sa binatang madilim ang mukhang nakatingin sa screen ng tv.

"I had a guest's room across my bedroom but I already turned it into a play and sleeping room for Gulo, Hinhin, and Riri." Walang buhay na sagot nito.

Naisuklay ni Iiliri ang isang kamay sa buhok dahil sa nag-uumpisang kunsumisyon sa lalaki.

Maliban doon ay hindi niya mapigilan ang maalala ang mga gabi na pinagsaluhan nila ni Riot sa silid niya noon.

Iiliri narrowed her eyes on the man who looked very much vexed.

Hindi mo naman siguro ako gagapangin, noh?

Tahimik na pumalatak si Iiliri dahil sa naging tanong niya sa isipan para sa binata.

Bakit niya iisipin iyon? Kung hindi ito nagbago at ganoon parin ito, alam niyang hindi siya nito gagapangin at magtitiis ito. Tulad ng pagtitiis nito noon.

Tsaka may couch naman sa silid ni Riot, doon na lang siya matutulog.

Sa isiping iyon ay iniwan ni Iiliri ang binata sa sala kasama ang tatlong alaga niya na malungkot na nakatingin sa kanya. Inirapan niya ang tatlo.

Hmp! Hindi ako papadala sa mga lungkot ng mata niyo!

Iiliri made sure that the bathroom door was locked before she started undressing herself to take a half bath. Mahirap ng maulit ang nangyari noon noong una silang nagtalik ni Riot.

Nakabihis na ng pantulong si Iiliri ng lumabas siya ng banyo. She's wearing a cotton pants and a loose shirt.

Bawal ang sexing pantulog at baka yung isa...

Natigilan sa pag-iisip si Iiliri ng makitang nasa silid na si Riot at mukhang tulog na sa couch.

Aah... Tulog na pala siya.

Dumako ang tingin ni Iiliri sa kama.

It looks very comfy, big, inviting and surely would offer a good night's sleep. But for unknown reasons, it looks unappealing and cold. Hindi katulad kung saan natutulog si Riot.

And as she sat at the edge of the bed and stared at it, Iiliri felt the emptiness and coldness of it. Sa laki ng kama kahit doon din matulog ang tatlo niyang alaga ay kakasya sila.

Muli siyang tumingin kay Riot.

Iiliri huffed when part of her wanted to wake him up and order him to sleep in his bed... with her. Of course.

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon