Chapter 18

27.1K 968 194
                                    

KINABUKASAN AY maaga pa lang ay tapos na si Iiliri sa gawaing bahay.

Thanks to the four neighbors who helped her.

"Samahan ka na namin—"

"Tumigil kayo." Sinamaan niya ng tingin ang apat. "Tch, agaw pansin na naman kayo sa bus at sa bayan."

"Pero—"

"Ayoko, okay. Payag akong tumambay kayo rito pero ayaw kong sumama kayo." Gagad niya kay Theon ng subukan nitong magreklamo.

Walang nagawa ang mga ito kundi ang tumango.

Bago pa makalabas ng gate si Iiliri ay nilinong niya ang apat.

"Pakainin niyo sina Gulo, please?" Bilin niya sa apat na ewan niya kung ano na naman gagawin habang wala siya. Sana naman hindi mga kalokohan na naman ang gawin ng mga ito.

"Oo," sagot ni Phytos.

Sa sagot na iyon ay iniwan niya na ang mga ito.

Mabilis lang na nakarating ng bayan si Iiliri at nabili ang cellphone na pinag-ipunan niya. Hindi niya rin nakalimutan bumili ng sim card at load bago excited na umuwi.

Iyon lang talaga ang sinadya niya sa bayan kaya't mabilis lang siya at noon pa siya nakapili ng cellphone na bibilhin. Kaya't hindi naniya kailangan pang mamili. Tsaka wala namang madaming pagpipilian dahil maliit lang ang pera niya. Sakto lang sa murang cellphone.

Malawak ang ngiti niya nang makauwi siya sa bahay niya. Agad siyang sinalubong ng tatlong alaga niya na sinalubong ni Iiliri ng yakap isa-isa at halik sa pisngi.

Samantalang 'yung apat na lalaki ay agad na nagsiahon mula sa ilog nang makita siya. Mukhang paglangoy sa ilog ang ginawa ng mga ito habang nasa bayan siya.

"Do you have it?" Essex questioned while wiping his face, while the other was drying their body and hair.

Nakangiting tumango si Iiliri at kinuha ang bagong cellphone mula sa bag at inilapag sa mesa.

"Turuan niyo ako kung paano gamitin." Excited na wika ni Iiliri sa apat.

Theon nodded. "Sure, pero wala bang mas maganda doon?"

"Meron kaya lang 'yan lang ang kaya ko. At pantawag at text lang naman ang kailangan ko," sagot niya at hindi pinansin ang pagngiwi ni Theon nang makita ang cellphone niya.

"Sino ba kasi ang tatawagan mo? Wala ka namang ibang kaibigan maliban sa amin," Monty spoke, eyeing her with a furrowed brows.

Binasa ni Iiliri ang labi at malungkot na tumingin sa cellphone.

"Si... si R-Riot." Malungkot at naiiyak na sagot niya pero lumunok siya at malalim na huminga para pigilan iyon. "Hindi niyo siya kilala pero halos dalawang buwan ko siyang nakasama dito sa bahay ko noon. Umalis siya at umuwi sa pamilya niya pero nangako siyang babalik siya at gusto ko pagbalik niya may cellphone na ako para kung sakaling umalis ulit siya ay magkakaroon na kami ng komunikasyon kahit sa cellphone lang." Mahabang paliwanag niya sa apat na natahimik at natulala sa kanya.

"You're still waiting for him to come back?" Phytos asked after a while, his tone sounded sad and amazed at the same time.

Tumango si Iiliri.

"Nangako siya sa akin. At pinanghahawakan ko iyon kahit tatlong buwan na ang lumipas mula ng umalis siya." Malungkot na ngumiti si Iiliri.

Nagkatinginan ang apat at hindi nagsalita. Pero nakita niya ang pagtatagis ng bagang ng mga ito at palitan ng tingin.

"Paano kung hindi na siya bumalik?"

Natigilan si Iiliri at humigpit ang hawak sa bag niya. "Babalik siya Essex... n-nangako siya."

Riot CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon